Part 22

4.5K 176 5
                                        


SA SUMUNOD na mga araw palagi nahihiling ni Gabby na sana nanatili na lang siyang tulog. Mas gusto niyang balikan ang magandang panaginip niya kaysa harapin ang tunay na buhay na unti-unting nagiging bangungot.

Pagbukas niya ng internet para i-check ang social media accounts niya bumaha ang mga mensahe mula sa mga kakilala niya. Mayroon din galing sa ex-friends niya. Halos lahat tinatanong kung totoo ba raw ang balita na engaged na siya.

Dean McKinley? The Dean McKinley! Wow, Gabby you really have a very high standard! Spill the tea, okay? Let's go to a café or something, girl! Iyon ang message ng isa sa mga babaeng last year lang ay walang ginawa kung hindi tawanan siya at insultuhin dahil gusto niya makipagbalikan kay Gray.

Binura niya lahat ng mensahe at walang sinagot kahit isa. Kaso sa sumunod na mga araw patuloy ang pagdating ng mga mensahe. Pinilit niya mag focus sa pag-e-edit ng natitirang videos para sa Malaysia vlogs niya pero sa tuwing magbubukas siya ng internet dahil may kailangan siyang i-check na detalye tungkol sa mga napuntahan niyang lugar ay automatic na dumarating ang notifications mula sa lahat ng social media accounts niya.

Lalo iyon lumala pagdating ng biyernes nang magsimula sumulpot ang mga article sa gossip websites tungkol kina Gabby at Dean. Sa sandaling makita niya ang picture nila ng lalaki noong nasa photoshoot sila sa hardin at iyong picture na nag di-dinner sila afterwards, nasiguro niyang pakana ng mga nanay nila ang articles na iyon.

Gustong gusto niyang magpadala ng mensahe sa lahat ng writer na iyon na hindi totoo ang tsismis. Na walang engagement at mas lalong walang kasal na mangyayari. She can do it. She is a grown woman who has her own mind. She can say no –

"Gabby! Bakit hindi ka pa lumalabas ng kuwarto mo. Nagluto ako ng breakfast para sa ating dalawa," boses iyon ng mama niya kasabay nang sunod-sunod na katok sa pinto. Lately palagi itong masaya kahit pa ilang gabi na namang hindi umuuwi ang papa niya. Dati umiinom na ng anti-depressant ang mama niya kapag halata na namang nambababae ang tatay niya. Pero ngayon para bang hindi nag e-exist sa mundo nito ang unfaithful nitong asawa.

"Gabby, sweetie? Tulog ka pa ba? Tumawag pa naman si Dean sa akin tinatanong kung puwede ka raw niya ayain mag dinner mamaya. Isn't he sweet? Sa akin talaga siya humihingi ng permiso?" patuloy ng mama niya. Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang ngiting ngiti ito.

Ikaw ang tinatawagan niya kasi hindi namin alam ang contact details ng isa't isa, mama. Huminga siya ng malalim, lumapit sa pinto at bahagya iyong binuksan. "Ma, I'm sorry I don't feel well today. Puwede po bang matulog lang ako maghapon ngayon?"

"Oh. Okay?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang ina at hinaplos ang noo at magkabilang pisngi niya. "Masyado ka ngang malamig. Gusto mo bang tumawag ako ng doktor?"

Kumirot ang puso ni Gabby at marahang umiling. "I just need to sleep mama."

Tumango ang may-edad na babae, nginitian siya at sinabing, "Sasabihin ko kay Dean na sa susunod na lang kayo mag dinner. I really like him, Gabby. He will be an amazing husband for you. He will provide for you and protect you. Let's not mess this up, okay?"

But we don't even like each other mama. Gusto sana niyang sabihin. Hindi bumuka ang bibig niya pero sigurado siyang nabasa nito ang desperasyon sa facial expression niya. Sumeryoso kasi ito at humigpit ang mga kamay sa magkabilang pisngi niya. "Ginagawa ko ito para sa 'yo, anak. If you marry him no one will have the courage to look down on you. Kahit ano pang mangyari irerespeto ka ng lahat kasi isa ka nang McKinley."

May nahimigan siyang kakaiba sa tono ng mama niya. Magtatanong pa lang sana siya pero hinalikan na nito ang noo niya at umalis na. Bagsak ang mga balikat na bumalik siya sa loob ng kanyang kuwarto at pabagsak na humiga sa kama.

Kinuha niya ang cellphone na mas tahimik na ngayon kaysa sa nakaraang mga araw kasi itinurn off na niya ang notifications ng social media accounts niya. Binuksan niya ang stan twitter account niya at nag post.

This is the only account where I feel safe because no one knows me. I can tweet things and no one would care.

Ilang segundo lang nagkaroon na siya ng direct message notification.

junhoehoho: Are you okay?

Uminit ang mga mata ni Gabby at nag reply. My life sucks. I just want to escape from everything. Why are you online at this time of day?

Mabilis ang naging sagot ng internet friend niya. Got free time right now. I wish you can feel better soon. We all have our own personal struggles and I know you will overcome yours.

How I wish. Bumuntong hininga si Gabby habang itinatype ang mga salitang iyon.

I guess you haven't seen the good news yet. That is why you are so down right now.

Kumunot ang noo niya at napabangon paupo sa kama. "Anong ibig niyang sabihin?"

Napakurap siya nang mag send ito sa kaniya ng larawan. Napanganga siya at napasinghap nang marealize kung ano iyon. Ikon concert tour sa Japan! Ang earliest date ay two weeks from now sa Tokyo.

W-what? When did they post this?!

Matagal nang kumakalat ang rumor na magkakaroon ng tour ang paborito nilang kpop group sa Japan ngayong taon. Kaya nga nang mag travel siya sa Kyoto noong March multiple entry visa ang kinuha ni Gabby. Para hindi siya mahihirapan bumiyahe kapag inanunsyo ang concert tour dates. It was not easy getting that visa approved but now she felt like all the stress she endured was worth it.

junhoehoho: Sunday. Guess you really were not online since the last time we talked huh. I plan to go for their Tokyo stop. You said before you intend to watch them right?

BInfluence: Yes! I will go to their Tokyo concert too! Are we finally going to meet each other?

junhoehoho: yes.

Sumikdo ang puso ni Gabby at sa unang pagkakataon sa linggong iyon ay nakaramdam siya ng saya. Mapapanood niya uli ng live ang paborito niyang kpop group at makikilala na niya ng personal ang paborito niyang mutual sa stan twitter. Isa pa, ilang linggo na rin mula nang huli siya mag travel at kailangan na niya uli gumawa ng content para sa blog at youtube channel niya.

Mas maganda sana kung makakasama ko mag travel si Jaime. Hindi naman siguro siya magugulat kapag nalaman niyang fan ako ng Ikon? Since kpop fan naman ang bestfriend niya? Kaso alam niyang malabong sumama ito ng biglaan sa kaniya.

Para bang naramdaman ng binata na iniisip niya ito kasi biglang nag vibrate ang cellphone niya. Bumilis ang tibok ng puso niya at mabilis na sinagot ang tawag ni Jaime.

"Hi. Good morning. Hindi ka busy?"

May init na kumalat sa buong katawan ni Gabby nang marinig ang boses ng binata. "I miss you," hindi nakatiis na sabi niya imbes na sagutin ang tanong nito.

Napapikit siya nang marinig ang masayang tawa nito sa kabilang linya. "I miss you too. Kaya nga maaga ako luluwas pa maynila mamaya. I called to ask if you want to have dinner with me tonight?"

Bigla nakaramdam ng excitement si Gabby. "Gusto ko," mabilis na sagot niya.

Nagulat siya nang bumuga ito ng hangin na para bang nakahinga ng maluwag. "I'm glad you said yes."

Natawa siya nang marealize na kabado siguro ito nang tawagan siya. Matamis na napangiti siya. "Okay lang ba kung ako naman ang pipili kung saan tayo mag di-dinner? Last week dinala mo ako sa isang lugar na sobrang ganda. I want to bring you somewhere nice too."

"Okay. See you later," sabi ni Jaime sa masuyong tono.

"See you," nakangiting ganti ni Gabby. Nanatili ang ngiting iyon sa kanyang mga labi kahit nang matapos na ang tawag. Dahil sa balita nang Ikon concert tour at sa pagtawag ni Jaime, mas maganda na ang pakiramdam niya.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon