Part 33

4.8K 237 5
                                        


"AYOKO magbukas," bulong ni Gabby sabay siksik sa dibdib ni Jaime.

Humigpit ang yakap sa kaniya ng binata at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Bakit naman? I am actually looking forward for tomorrow."

Dumilat siya at tiningala ito. Nakatingin na rin ito sa kaniya, nakataas ang mga kilay at may munting ngiti sa mga labi. Magkatabi silang nakahiga sa kama at magkayakap. Dahil malaki itong lalaki kailangan niya sumiksik talaga rito kasi kung hindi malalaglag siya. Ilang oras na sila sa ganoong posisyon, mula pa nang pumasok sila sa kuwarto niya dahil ayaw pa niyang maghiwalay sila.

Wala silang ibang ginawa kung hindi magkuwentuhan at kapag nagkakatitigan, kusa nilang tinatawid ang distansiya sa pagitan ng kanilang mga mukha para maghalikan. Nakuwento niya rito lahat ng tungkol sa pamilya niya, sa naging buhay niya sa Paris at sa mga lugar na napuntahan niya. Ganoon din si Jaime, binahagi nito sa kaniya ang naging kabataan nito, kung anong klaseng pamilya mayroon ito, bakit nito napiling maging Electrical Engineer at bakit mahilig ito sa extreme sports. It was a comfortable and happy night.

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Gabby binuksan niya ang sarili sa isang tao. Wala siyang itinago kahit iyong darkest thoughts na ni hindi niya sinasabi ng malakas kahit sa sarili lang niya. Jaime also bared himself to her in a way that touched and humbled her. Bawat bahagi ng buhay nitong nalalaman niya, lalo niya ito minamahal.

Bahagyang bumangon si Gabby para maayos na makita ang mukha nito. Halos nakadapa na siya at nakapatong ang kahalati ng katawan niya rito. Agad na lumapat sa lowerback niya ang isang kamay nito. Uminit ang pakiramdam niya pero pilit binalewala iyon kasi may importante siyang sasabihin.

"May messy situation akong kailangan harapin pagbalik ko sa Pilipinas. Engagement na sisiguruhing hindi matutuloy. Ex na kailangan harapin para magkaroon kami ng proper closure. At parents na kailangan kumbinsihin na igalang at suportahan ang mga desisyon ko sa buhay," paliwang niya. Naiisip pa lang niya ang mga iyon para nang may lumalamutak sa sikmura niya kasi alam niyang hindi magiging madali ang lahat.

Pero si Jaime, kalmado ang facial expression at may munting ngiti pa nga sa mga labi habang nakatitig sa mukha niya. Medyo na-frustrate tuloy siya at magaan na tinapik ang pisngi nito. "Sineseryoso mo ba ako?"

"Mula pa noong una tayong nagkita sineryoso na kita, Gabriela. Walang sandaling hindi kita sineryoso."

Hindi nakapagsalita si Gabby, napatitig lang sa guwapong mukha ni Jaime. Naging masuyo ang ngiti nito at lumapat sa batok niya ang isa pang kamay. Marahan nitong sinuklay ng mga daliri ang buhok niya roon bago nagsalita uli, "Huwag ka masyadong mag-alala. Lahat ng sinabi mong kailangan mo harapin pagbalik mo ng Pilipinas, hindi mo naman haharapin ang mga iyon nang mag-isa. I will be with you. Kung tingin mo hindi mo sila kaya kausapin nang walang support, sasamahan kita. Kung sa tingin mo hindi ka maiintindihan ng parents mo, haharapin ko rin sila para tulungan kang kumbinsihin sila. Kahit anong mangyari, magiging kakampi mo ako, Gabriela. Hindi ka na mag-isa lang ngayon, naiintindihan mo ba?"

Namasa ang mga mata ni Gabby. "Paano kung hindi rin makinig sa 'yo ang parents ko? Lalo na si mama?"

"Don't worry. Hindi ako natitiis ng mga nanay. Lahat ng kilala ko pangarap akong maging son-in-law," biro ni Jaime.

Natawa siya at napailing kahit hindi siya magtataka kung totoong lahat ng nanay na nakakilala sa binata ay gusto itong maging son-in-law. He is just so... husband material.

"Tumatawa ka na. That's good. Pinakamaganda ka kapag tumatawa at masaya ka, Gabby."

Natigilan siya at napatitig sa mukha ni Jaime. "Ngayon mo lang ako tinawag sa palayaw ko."

"Gustong gusto ko kasi ang buong pangalan mo. Pero baka isipin mo hindi tayo close kaya paminsan-minsan tatawagin din kitang Gabby. Habang wala pa tayong endearment," nakangiting sagot nito.

"Magkaka endearment tayo?"

Tumaas ang mga kilay ni Jaime. "Bakit? Ayaw mo? Balak mo ba akong idispatya kapag nasa Pilipinas na tayo? Huwag mo na tangkain kasi hahabulin kita kahit saan ka pa magtago. I'm not going to let you go."

Natawa si Gabby. Pagkatapos hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang mukha nito; mula sa makapal nitong mga kilay, sa gilid ng mga matang minsan matalim tumingin kaya akala niya dati cold at masungit ito, sa matangos na ilong at pababa sa mga labi nitong nawala na ang ngiti at bahagya nang nakaawang. Ibinalik niya ang tingin sa mga mata nito at nakita niya ang intensidad at init sa mga iyon habang nakatitig sa kaniya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Gabby at kumalat ang nakakakiliting kuryente sa buong katawan niya. Bigla siyang naging hyperaware sa magkadikit nilang mga katawan. Bigla nakakapaso ang init ng palad nitong nasa lowerback niya at nakakapanayo ng balahibo sa batok ang mga daliri nitong nakabaon sa buhok niya. Naging aware din siya sa hita niyang direktang nakapatong sa kandungan nito at sa bahagi ng katawan nitong unti-unting nabubuhay at sumasaludo.

"Gabby," paos na bulong ni Jaime. "I think I should go."

"Jaime," bulong niya, hindi pinansin ang sinabi nito. "May sasabihin ako sa 'yo."

Humigpit ang hawak nito sa batok niya. "Go on."

Yumuko si Gabby at magaan na hinalikan ito sa mga labi. Pagkatapos nakangiti niyang sinalubong ng tingin ang mga mata nito at sinabing, "I love you."

Nahigit ni Jaime ang hininga. Ilang segundong hindi ito nagsalita o kahit kumilos man lang. Kumurap si Gabby at bigla hinigit nito ang ulo niya at mariin siyang hinalikan sa mga labi. Napaungol siya at ibinuka ang bibig, binigyan ito ng permisong gawing malalim at mapusok ang halik.

Nagbabaga ang pakiramdam niya kahit na may aircon naman sa silid na iyon. Lalo na nang sa isang mabilis na kilos ay nabago na ni Jaime ang posisyon nilang dalaw. Siya na ang nakahiga patiyaha sa kama at ito na ang nakapatong sa kaniya. Ibinuka niya ang mga hita at maingat na inihulma nito ang katawan sa katawan niya kaya ngayon damang dama na niya ang pagkalalaki nito sa puson niya. Sandaling naputol ang pagkakalapat ng kanilang mga labi pero napaliyad siya nang dumausdos ang halik nito pababa sa panga niya at pababa pa sa leeg niya.

"Jaime," ungol ni Gabby, nakasabunot na sa buhok nito.

He moved his hips, creating friction between their bodies that made her see fireworks. Hindi nito itinigil iyon habang patuloy ang paglalakbay ng mga labi nito sa balat niya. Ang mga kamay nila pareho nang naging malikot, hinuhubad ang damit ng isa't isa at hinahaplos ang mga bahagi ng katawan na maabot nila.

Nang ang jeans na lang nila ang hindi nahuhubad ay huminto ang paggalaw ng mga balakang nila at tumigil din si Jaime sa paghalik sa kaniya. Inangat nito ang ulo hanggang magtama ang kanilang mga paningin. Pagkatapos masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. "May sasabihin ako sa 'yo, Gabby."

Napangiti siya. "Go on."

"Mahal kita."

Lumawak ang ngiti niya at sinuklay ng mga daliri ang buhok nito. "Alam ko. Sinabi mo kanina noong nasa kalagitnaan tayo ng concert, 'di ba? Kaya nga ang lakas ng loob ko mag 'I love you' sa 'yo."

Mahina itong natawa at pinagdikit ang mga noo nila. Ngumiti ito. Ngumiti rin siya. Pagkatapos naglapat uli ang mga labi nila at tuluyan nang nahubad ang natitirang saplot nila sa katawan.

"We need to be quiet," bulong ni Jaime sa tainga niya. "Sa tingin ko masyadong manipis ang mga pader dito."

Mahinang natawa si Gabby na naging impit na ungol nang dahan-dahang nag-isa ang kanilang mga katawan. Hinalikan niya ito sa pisngi at sinabing, "I will try."

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon