GABING-GABI na natapos si Gabby sa pag shu-shoot ng video para sa youtube channel niya pero maaga pa rin siya nagising kinabukasan. Maganda ang mood niya kasi marami siyang nakuhang footage at dahil sa araw na iyon ang dating ng twitter friends niya. Katunayan isa sa dahilan kaya late na siya natulog kagabi kasi kausap niya ang mga ito sa twitter group chat nila. Hindi sabay-sabay ang oras ng dating ng mga ito kaya nag set na lang sila ng specific time at restaurant para magkita-kita mamayang dinner.
Good mood siya buong umaga at relaxed lang na tumambay sa isang café na malapit sa accommodation niya. Kaso may nagawa siyang pagkakamali. Pagkatapos niya mag post ng pictures sa lahat ng social media accounts niya ay naisip niya i-stalk ang instagram ni Jaime. Sumikdo ang puso niya nang makitang may updates ito sa nakaraang mga araw. May picture na nasa loob ito ng restaurant at may kasamang grupo na mukhang mga kaibigan nito. May isang picture naman na nasa running track ito kung saan sila nag jogging nang mag staycation siya sa Marikina. Kasama nito si Arci at Gray.
"Mukhang okay naman siya. That's great," bulong ni Gabby sa sarili. Tipid siyang napangiti. Relieved na maayos ang lagay nito. Pero nang maalala na dinedma nito ang text at tawag niya ay kumirot naman ang puso niya. Huminga siya ng malalim at isinara ang cellphone. Pagkatapos inabala na lang ang sarili sa paginom ng kape habang nakatingin sa labas ng coffee shop.
BANDANG alas kuwatro ng hapon isa-isa nang nag me-message sa kaniya ang online friends niya na nasa Japan na rin ang mga ito at kasalukuyang nasa kani-kanilang accommodation. Si twitter user junhoehoho ang huling nag update na nasa airport na raw ito at pupunta muna rin sa hotel nito bago sa napagkasunduan nilang lugar.
Excited si Gabby na makita ang mga ito kaya kahit after two hours pa naman bago sila magkita ay lumabas na siya ng room niya at naglakad para magpunta sa Shibuya Center Gai Street. Sobrang dami na nang tao sa oras na iyon at unti-unti na ring bumubukas ang ilaw ng mga nakahilerang café, restaurant at shops. Papalubog na kasi ang araw kaya parang may magic na unti-unting nabubuhay ang bawat gusaling nadadaanan niya.
Makalipas ang mahaba-habang lakaran ay nasa harap na siya ng sushi restaurant kung saan sila magkikita-kita. Gumilid muna siya at binuksan ang kanyang stan twitter account para itanong kung nasaan na ang mga ito.
@babibunny: I'm almost there! Just have to cross the Shibuya crossing. Wow the number of people here is insane.
@junhoehoho: Just got out of my accommodation. Walking now.
@ yoyoyunhyeong: I'm already near. Wait, omg I can see you now @BInfluence! At your left.
Nag-angat ng tingin si Gabby at napangiti nang makita ang isang mestiza at red-haired na babaeng naglalakad palapit sa kaniya. Ang ganda ng ngiti nito habang ikinakaway ang kamay na may hawak na cellphone. Napangiti na rin siya at humakbang pasalubong sa babae.
"BInfluence?" nakangising bati nito sa Australian accent nang magkaharap sila.
"Yes. My name is Gabby. Yoyoyunhyeong?" nakangiting sagot niya.
"Yes. That's me. I'm Betty." Nagkamay silang dalawa, nagkatinginan at parehong hindi na napigilan ang excitement at saya na nagtilian sabay yakap. Alam niya noon pa na taga Australia ito at mas bata sa kaniya ng limang taon. Pero siguro dahil isang taon sila nag-uusap online pakiramdam niya matagal na sila magkakilala. Higit na mas matagal na itong fan ng Ikon at nakailang balik na rin sa Korea at Japan para panoorin ang grupo. Katunayan ito ang bumili ng concert ticket nilang apat kasi ito ang nakakaalam kung anong website at paano bibili.
Mayamaya dumating na rin si twitter user babibunny na pinakabata sa kanilang apat. Jaja ang pangalan nito, twenty five years old at isang Singaporean. Bubbly at madaldal. Katulad kay Betty pakiramdam ni Gabby ang tagal na nila nagkikita at nag-uusap ni Jaja. Hindi sila nauubusan ng sasabihin.

BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...