Part 20

4.5K 177 14
                                        


PAGDATING pa lang ni Gabby sa location ng magazine interview daw nila ayon sa kanyang ina, nagsisi na agad siya. Isang padasa pa lang kasi niya ng tingin sa indoor garden nasiguro na niya kaagad na hindi simpleng photoshoot at magazine interview lang ang mangyayari sa araw na iyon.

The venue looked like it was designed for a garden wedding. Lalong nanlamig si Gabby nang mula sa kung saan ay sumulpot ang kanyang ina. Nakabihis at nakaayos na rin ang hair at make-up nito, ready na sa photoshoot. Ang ganda ng ngiti nito nang makita siya at mabilis na naglakad palapit sa kaniya.

"Gabby, my darling. Finally you are here. Dahil ang tagal mo ako na ang pumili ng isusuot mo. Come. They set up a dressing room for us." Hinawakan nito ang isang kamay niya at pinisil iyon. Halata ang saya at excitement sa mukha ng mama niya kaya lalo lang siya kinabahan.

"Tungkol saan ba talaga ang photoshoot na ito, mama? Anong magazine? Bakit nakaayos ka na para bang aattend ka ng... kasal?"

Ngumisi ang kanyang ina at lalong kumislap ang mga mata. Hindi na nito kinailangan sumagot kasi may sumulpot na isang may-edad na babae na nakilala agad ni Gabby. Creative director ng High Society magazine at isa mga kaibigan ng kanyang ina. Ngumisi ito nang makita siya. "Great. The soon-to-be-bride is here."

What?!

Namilog ang mga mata niya nang may lingunin ang creative director at sinenyasan na lumapit. Pakiramdam ni Gabby umangat lahat ng dugo sa ulo niya nang makita na hindi lang pala silang mag-ina ang may photoshoot at interview sa araw na iyon. Kasi hayun si Dean McKinley, intimidating at powerful sa suot na itim na tuxedo na para bang handa nang humarap sa dambana. Nakakapit sa braso nito ang sariling ina na nakabihis at nakaayos na rin.

"Go, Gabby. Ikaw na lang ang hindi pa naayusan.," bulong ng mama niya.

Hindi siya tuminag sa pagkakatayo at nanunumbat na sinalubong ng tingin ang mga mata ni Dean. Ni hindi nagbago ang facial expression ng magaling na lalaki. Para pa ngang nang-iinis na walang buhay itong ngumiti at sinabing, "You are already a cause of delay, honey. Siguradong may iba pang trabaho o appointment ang lahat ng nandito ngayon. Be considerate and don't just stand there."

Pakiramdam ni Gabby sasabog ang ulo niya sa mga nangyayari. Gusto niya magwala o mas maganda mag walk out. Pero ayaw niya ipahiya ang kanyang ina. She will have to tolerate her mother's anger and tears for the next months if she embarrassed her in public. Kaya kahit nadudurog ang puso niya, kahit gustong bumaligtad ng sikmura niya sa mga nangyayari ay itinaas na lang niya ang noo at kinuyom ang mga kamao. Ilang segundo pang pinagtama niya ang mga paningin nila ni Dean bago siya naglakad papunta sa dressing room.

"BAKIT KA BA pumapayag sa gusto mangyari ng mga nanay natin? Successful ka na at maganda ang takbo ng kompanya mo 'di ba? Ano pa ba ang kailangan mo?" gigil na sumbat ni Gabby kay Dean. Nasa VIP room sila ng isang restaurant na pinareserve ng mga magulang nila para daw makapag 'date' silang dalawa. Pinagbigyan niya ang mga matatanda kasi gusto niyang komprontahin ang lalaking ito na kalmado lang at mukhang bored pa nga habang kumakain sa harapan niya.

"We don't even like each other. Why are you doing this? Don't tell me, desperado ka na talaga mag asawa kaya kahit hindi mo ako mahal okay lang sa 'yo na matuloy itong plano nila?" frustrated na tanong uli niya.

Tumataas na ang blood pressure niya kasi ang dami na niya sinabi wala pa rin siya nakukuha ni isang sentence lang mula kay Dean. Bumabalik tuloy sa alaala niya na kahit kailan hindi siya naging close sa lalaking ito kahit pa bestfriend ito ng pinsan niyang si Dominic at ng ex niyang si Gray.

"Can you say something?" iritadong sabi niya.

"Kapag nagsalita ako masasaktan ka lang, Gabby."

"I don't care!"

Marahang binitawan ni Dean ang kutsara at tinidor sa pinggan nito at tinitigan siya sa mga mata. "I plan to expand my business. Starscope Productions is currently a company that organizes events and concerts but I want to start producing movies too as soon as I can. Your mother offered me a very good deal in exchange of marrying you. She will be a major investor para sa business expansion na balak kong gawin. Sa halaga na willing siya ibigay sa akin, maliit na bagay lang para sa akin ang pakasalan ka."

Napanganga si Gabby. Para siyang sinaksak sa dibdib. Hindi talaga ito ang tipong magpapalabok ng mga salita. "You hate me, don't you?" mahinang usal niya.

Tumaas ang mga kilay ni Dean. "I don't feel anything for you at all, Gabby."

"Sinungaling. Nakikita ko sa mga mata mo ngayon na galit ka sa akin. Bakit? Dahil sa ginawa ko kay Gray noon? I know how overprotective you are when it comes to him and his sister."

Tumaas ang kilay ng lalaki, kinuha ang napkin at pinahid ang mga labi. Mukhang tapos na itong magkunwaring nag eenjoy ito sa dinner nila. Nang muli siya nitong tingnan ay matalim at malupit na ang kislap ng mga mata nito. "Ganoon na nga. Napatawad ka na nila sa ginawa mo pero hindi ko iyon magagawa dahil naging saksi ako kung paano naging miserable si Gray nang iwan mo siya. At kapag miserable si Gray, miserable din si Demmy."

"Then why do you have to marry me? Kung kailangan mo ng investor, puwede ka naman humanap ng iba. Bakit kailangan mo pa akong ipitin ng ganito?" frustrated na tanong niya.

Tumayo si Dean. "Because I need to make sure you don't plan to ruin my bestfriend's current happiness. Wala akong tiwala na hindi mo uulitin ang ginawa mong paghahabol sa kaniya last year. Besides, your mother really offered me an amount I am not stupid to refuse. I guess she really is desperate to marry you off, Gabby."

Hindi siya nakasagot. Parang pisikal na suntok ang epekto ng mga salita nito sa kaniya. Humakbang palapit sa pinto si Dean at nakahawak na sa doorknob nang muli siyang lingunin at magsalita:

"Isa pa, mas advantageous sa 'yo ang ikasal sa akin. Commoners might consider you as their social icon dahil sa milyon mong followers sa online world. Pero sa social circle natin alam ng lahat na isa kang outcast. Tinalikuran ka na ng lahat ng mga kaibigan mo. Palagi ka ring topic ng usapan ng mga tsismosang socialite at pinagtatawanan dahil lipas na raw ang panahon mo.

"Sa mundong kinabibilangan natin alam mo na big deal ang isang bride na tumakas sa kasal niya at sinubukan makipagbalikan sa ex niya pero nabigo, hindi ba? After all, our social circle is all about making sure you present yourself perfectly."

Kumuyom ang mga kamao ni Gabby na nakapatong sa kandungan niya. Itinaas niya ang noo at matalim na tiningnan si Dean. "For someone who is supposed to be quiet you talk too much."

Tumaas ang kilay nito at umangat ang gilid ng mga labi. "Glad to know you still have fire in you. Ayoko na mukhang kawawa ang bride sa araw ng kasal ko." Iyon lang at binuksan na nito ang pinto at walang lingon likod na umalis.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon