Part 7

5.2K 203 3
                                    


HINDI pa rin maganda ang mood ni Gabby kahit nang makauwi siya sa bahay nila. Pumasok siya agad sa kuwarto niya, binuksan ang built in cabinet sa isang panig kung saan nakalagay ang component set niya at ang collection niya ng Ikon albums. Nakita pa lang niya ang mga iyon, kumalma na nang kaunti ang puso niya.

Noong nasa Paris siya, isa ang shopping sa stress reliever niya kasi ganoon din ang hobby ng mga kaibigan niya doon. Sigurado siya iniisip ng mga nakakakilala sa kaniya kasama na ang parents niya na ganoon pa rin siya magtanggal ng stress. Hindi kasi niya sinasabi kahit kanino na bukod sa traveling, ang kpop group na Ikon na lang ang pampa-good mood niya.

Nang mapanood ni Gabby ang concert ng Ikon one year ago at ma-in love siya sa energy ng music na ginagawa ng mga ito, ilang araw siyang halos hindi natulog dahil wala siyang inatupag kung hindi panoorin lahat ng video contents ng mga ito sa youtube. Dinownload niya lahat ng albums ng mga ito sa itunes at hindi pa siya nakuntento, binili pa niya lahat ng physical albums. Bumili din siya ng component kasi nabasa niya na iba ang quality ng tunog kapag pinakinggan talaga ang CD version kaysa sa digital. At tama nga na ibang experience kapag iyong mismong CD ang ginagamit para pakinggan ang mga kanta.

Isang taon na mula nang ma-in love siya sa Ikon. It was a different feeling from actually being in love with a man you want to date but it still made her feel so happy. Iyon nga lang, nakakapagpatugtog lang siya ng malakas kapag alam niyang wala ang parents niya sa bahay. Hindi puwedeng malaman ng kanyang ina na nahuhumaling siya sa isang kpop group. Ang version kasi na pinagkakalat nito sa lahat ay mahilig daw siya sa classical music katulad nito.

Nang maalala ang ina ay bumalik ang frustration ni Gabby. Kinuha niya ang debut album ng Ikon at isinalang ang cd sa player. Sandali pa tumutugtog na ang masiglang musika sa buong kuwarto niya. Unti-unti nawala ang negative emotions niya at nagsimula nang sumabay sa kanta kahit na mali-mali ang lyrics niya. Humiga siya sa kama, kinuha ang cellphone at binuksan ang stan twitter account niya. Doon lang kasi siya puwede mag complain nang hindi huhusgahan at iba-bash ng followers niya.

@BInfluence: I had a terrible day. Listening to Ikon so I can feel better.

@babibunny replying to @BInfluence: oh no. what happened?

@yoyoyunhyeong replying to @BInfluence: virtual hug!

Ilang minuto na siyang nakikipag-usap sa dalawa nang biglang may mag send sa kaniya ng direct message. Gabby's heart fluttered when she saw who it came from. Napangiti siya at hindi naiwasan ma-touch nang mabasa ang message ni twitter user junhoehoho.

Kailangan mo ba ng kausap? I'm here.

Yeah. Salamat. It's just that my parents made me upset today, sagot ni Gabby. Pagkatapos natagpuan niya ang sariling nag o-open up dito. Siguro dahil hindi sila personal na magkakilala at ni hindi alam ang hitsura ng isa't isa, nawala ang hesitations niya ikuwento ang tungkol sa buhay niya.

Sinabi niya kay junhoehoho ang tungkol sa regular na pag-aaway ng parents niya dahil sa pagiging babaero ng papa niya. Ibinahagi niya ang frustration niya na kahit gaano kamiserable ang mama niya ayaw pa rin nitong pakawalan ang papa niya dahil takot itong masira ang image nito sa mga tao. Na ang parents niya ang dahilan kaya pakiramdam niya nasasakal siya kapag nasa bahay siya. Na kaya palagi siya umaalis at nag tatravel kasi ayaw niyang umuwi sa kanila.

Why don't you try living alone? Hindi ko alam kung ilang taon ka na pero kung pagbabasehan ko ang posts mo, nasa tamang edad ka na para magdesisyon at mamuhay ng ayon sa gusto mo. Life is too short to stay in a place where you don't feel comfortable.

Ilang beses niyang binasa ang mensahe na iyon ni junhoehoho. Uminit ang magkabilang gilid ng kanyang mga mata kasi tumagos sa puso niya ang bawat salita.

Kapag umalis ako, maiiwan na naman ang mama ko mag-isa dito at hindi ko alam kung gaano pa siya magiging miserable kapag wala ako. Wala ring iistorbo sa pag-aaway nila at baka pisikal pa silang magkasakitan. She frustrates me so much but I love her.

Ilang segundong tinitigan niya ang screen ng cellphone niya habang hinihintay ang sagot ni junhoehoho.

You're a good person.

Tuluyang namasa ang mga mata ni Gabby. "No, I'm not. I'm terrible," bulong niya na sa sobrang hina ay kinain ng malakas na tugtog sa loob ng kuwarto niya. Hindi niya masabi kay junhoehoho at kahit na kanino na hanggang ngayon may guilt pa rin siyang nararamdaman kapag naaalala ang unang beses na nagkita sila ng kanyang ina pag-uwi niya sa Pilipinas last year. Sobrang laki ng ipinayat nito at kahit nakangiti halata ang stress sa mga mata. Pag-uwi nila nalaman niya sa head housekeeper nila na nagkaroon ng clinical depression ang mama niya hindi lang dahil sa papa niya kung hindi pati na rin sa sobrang pagka-miss nito sa kaniya.

Thank you na lang ang naging reply ni Gabby sa twitter friend niya. Pagkatapos nagulat siya nang biglang mag vibrate ang cellphone niya at makitang tumatawag ang pinsan niyang si Dominic. Napabangon siya paupo sa kama.

"Hello?"

Ilang segundong tahimik sa kabilang linya bago sumagot ang pinsan niya. "Where are you? What is that noise?"

Napasinghap si Gabby at uminit ang mukha nang marealize na malakas pa ring kumakanta ang Ikon sa background. Umalis siya sa kama at muntik pang matisod sa sobrang pagmamadaling makalapit sa component para i-stop ang tugtog. "Sorry. Nasa bahay lang ako. What is it?"

"What do you mean what is it? Soft opening ng club ko ngayong gabi. Get your ass out of your house, meet friends and have fun tonight. Hihintayin kita." Pagkatapos tinapos na ni Dominic ang tawag, hindi siya binigyan ng chance tumanggi o kung ano pa man. Gulat na napatitig siya sa cellphone kasi nawala sa isip niya na may lakad nga pala siya dapat sa gabing iyon. Paborito niyang pinsan si Dominic kasi sa buong angkan nila silang dalawa lang ang nakakaintindi sa isa't isa. She doesn't have the heart to say no to him.

Kaya pagkatapos tuluyang patayin ang component niya, maingat na ibalik ang cd sa loob ng album, isara at i-lock ang cabinet ay minessage niya si junhoehoho para magpaalam.

Thank you for tolerating my rants. I'm feeling better now. It really is so nice to chat with you.

No problem. I'm happy to be your sponge anytime.

Tumaas ang mga kilay ni Gabby. "Sponge?" usal niya habang tinatype ang salita.

Sponge. Taga absorb ng negative emotions mo. Para hindi ka na ma iistress at malulungkot.

Hindi nakakilos si Gabby at napatitig lang sa mga salitang iyon. Napangiti siya at touched na nag reply ng isa na namang thank you at maraming smiley at heart emojis. Pagkatapos binaba na niya ang cellphone at nagpunta sa walk-in closet niya para magbihis at mag-ayos na para sa soft opening party ng club ni Dominic Roman.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon