Part 4

6.7K 252 5
                                    

SA ISANG Korean restaurant nagpunta sina Gabby at Jaime ilang minutong biyahe mula sa mall. May alam daw kasi itong bukas hanggang alas dose ng gabi. Pareho silang may dalang sasakyan kaya magkahiwalay silang bumiyahe papunta roon. Sa loob ng ilang minutong biyahe aminado siyang nagkaroon siya ng doubts kung tama ba siya ng desisyong pumayag sa alok na dinner ng binata. Bigla kasi niya naalala ang una at huling beses na nagkasama sila ng buong gabi.

Totoo na emotionally unstable sila pareho that time at nabuhos nila sa isa't isa ang galit at frustration sa sitwasyong kinasasangkutan nila. They ended up telling each other things they shouldn't have. They ended up doing... things that they will surely never do if they were both in their right minds.

Pero nang ihinto niya ang kotse sa parking space ng restaurant at makitang naghihintay na pala doon si Jaime, nakasandal sa gilid ng sariling kotse at nakahalukipkip, nilipad ng hangin ang pagdadalawang isip niya. Lalo na nang pagbaba niya sa sariling sasakyan ay dumeretso ito ng tayo at magtama ang kanilang mga paningin. Pagkatapos naglakad ito pasalubong sa kaniya at tipid na ngumiti. "Hindi nagbago ang isip mo?" pabirong tanong nito.

She was surprised when her stomach fluttered. Na late tuloy ng ilang segundo ang sagot niya. "Oo. Let's go." Pagkatapos nagpatiuna na siya sa pagpasok sa restaurant para magkaroon ng time na kalmahin ang sarili. Bakit kasi biglang naging friendly ang tono nito? Bakit kailangan umangat ang isang side ng lips nito kapag nakangiti? Lalo tuloy naging guwapo at charming.

Mabilis na nakaagapay sa paglalakad niya si Jaime. Pagdating nila sa glass door ng restaurant nauna pa itong hawakan ang handle niyon at itinulak pabukas para sa kaniya. Napatingala si Gabby sa mukha nito. Tumaas ang mga kilay nito. "Bakit?"

Kumurap siya. "Nothing." Hindi lang ako sanay pinagbubuksan ng pinto. Tumikhim siya at tuluyang pumasok sa loob ng restaurant.

Alas onse na ng gabi pero marami pa ring customer sa loob. Karamihan mga barkada na masayang nagkukuwentuhan habang kumakain at umiinom. Agad na lumapit kina Gabby at Jaime ang manager, may magandang ngiti sa mga labi. "Table for two sir, ma'am? We have an intimate part of our restaurant for lovers."

"We're not –"

"Thanks," mabilis na sagot ni Jaime, inunahan siya magsalita. Napatingala siya sa binata. Mabait ang ngiti nito habang nakatingin sa manager. Nag blush pa nga ang babae at ilang segundong napatitig sa mukha ni Jaime bago naglakad papunta sa table na para sa kanila.

"Bakit hindi mo ako hinayaang itama ang wrong assumption niya?" tanong ni Gabby nang naka-settle na sila sa lamesa at tapos na rin umorder. Hinihintay na lang nila ang pagkain.

"Mapapahiya lang siya kapag itinama mo siya. Sigurado naman limot na niya tayo bukas," kaswal na paliwanag ni Jaime.

Pagkasabi nito niyon dumating ang dalawang waiter, may bitbit na tig-isang malaking tray na puno ng pagkain. Gulat na nagkatinginan sila ni Jaime kasi hindi ganoon karami ang inorder nila. Magtatanong pa lang sana si Gabby nang lumapit ang manager na bumati sa kanila kanina.

"Hi ma'am, complementary po ng restaurant namin ang ilan sa mga pagkain na sinerve namin sa inyo. We really will appreciate if you can find time to review our menu and write something about us in your blog and social media accounts."

Ah. Narealize ni Gabby na kilala siya ng manager ng restaurant. Mukhang ganoon din ang dalawang waiter na nakangiti at halatang excited habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya. "It's going to be my pleasure. Thank you."

Pagkatapos magpasalamat ng manager at magpapicture kasama ang waiters ay iniwan na sila ng mga ito. Paglingon niya kay Jaime bakas pa rin ang pagkamangha sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya.

"Sorry about that. Hindi ko 'to kaya ubusin lahat kaya tulungan mo ako ha?"

Kumurap si Jaime pero hindi pa rin inalis ang atensiyon sa mukha niya. Nailang na tuloy si Gabby at uminit na ang mga pisngi. "Can you say something please?"

Umiling si Jaime at tipid na ngumiti. Pagkatapos inilahad nito ang kamay. "Gusto mo bang kunan kita ng picture gamit ang cellphone mo? Kailangan iyon kapag mag po-post sa social media 'di ba?"

Relieved na natawa si Gabby. Kinuha niya ang cellphone mula sa bag niya, binuksan ang camera app at inabot kay Jaime. Pagkatapos matamis niya itong nginitian at sinabing, "Yes, please."

GABBY was so surprised with how much she was enjoying herself with Jaime's company. Narealize niya na mali ang impression niya sa binata na cold, intimidating at suplado ito. Kung babalewalain niya ang nangyari sa pagitan nila more than one year ago, sa tingin niya magiging okay naman sila ng binata.

Katunayan, sa sobrang komportable at saya ng dinner nila pakiramdam niya palagi sila lumalabas na dalawa at hindi nagkataong nagkita lang sa mall. Nalaman niya na hindi pala aware si Jaime na online content creator siya at tinatawag na social influencer at icon. Kaya pinaliwanag niya rito kung ano ang ginagawa niya at natuwa si Gabby na interesado ito sa sinasabi niya. Sa sobrang excitement niya pinapanood pa niya rito ang isang video sa youtube channel niya.

Ngumiti si Jaime pagkatapos panoorin iyon at impressed na tiningnan siya. "You're good at this huh?" Matamis na ngiti ang naging sagot niya.

Siyempre hindi pinalampas ni Gabby ang chance na iyon para kilalanin ang binata. Noong una akala niya maiinis ito kapag nagtanong siya pero walang pagdadalawang isip nitong sinasabi ang mga gusto niyang malaman. Electrical Engineer pala ito para sa isang planta sa Bataan kaya every weekend lang ito nasa Maynila. Family oriented at mahilig sa mga bata kung pagbabasehan ang masiglang pagkukuwento nito tungkol sa mga pamangkin. Matalino kasi maraming alam na topic at may point ang opinyon nito tungkol sa mga bagay- bagay.

Considerate at may good manners din si Jaime kung pagbabasehan ang simple gestures nito sa kaniya at sa waiters na lumalapit sa kanila. Wala ni katiting na hint na nagpapaimpress ito. Nagiging totoo lang sa sarili. He was so kind and genuine she was hugely impressed and dangerously attracted.

Kailan ba siya huli naging attracted sa isang lalaki? More than one year ago, remember? At sa lalaking iyan din na nasa harapan mo ngayon, Gabby Roman. Ni hindi mo pa nga siya kilala noon na katulad ngayon.

Binalewala ni Gabby ang isiping iyon at nag focus kay Jaime na pagkatapos i-grill ang pork belly at gupitin sa maliliit na portion ay sinimulan na naman nito lagyan ang plato niya. Ganoon ito mula pa kaninang nagsimula sila kumain. Para bang natural dito ang asikasuhin ang kasama nito sa lamesa bago ang sarili. Higit sa lahat para bang matagal na silang magkakilala.

Nag-angat ito ng tingin at tumaas na naman ang mga kilay nang mahuli na naman siyang nakatitig sa mukha nito. "Bakit na naman?"

Ngumiti si Gabby. "Naisip ko lang, hindi naman tayo close 'di ba? Pero nagkita tayo ngayong gabi at ito nga nag di-dinner pa na para bang matagal na tayo magkakilala. Para tayong iyong mga nag o-online dating na magka-chat ng matagal at ngayon lang nag eyeball."

"Ang random ng naiisip mo."

"Curious lang ako. Did you ever try that? Online dating?"

"Dati. But it was not for me," kaswal na sagot ni Jaime. "Kainin mo na iyan habang mainit pa." Turo nito sa inilagay nitong karne sa plato niya.

Sumubo nga siya ng isa at ngumuwa bago nagsalita. "What do you mean it was not for you?"

Nagkibit balikat si Jaime. "Hindi ako komportable na pumili ng ide-date base lang sa mukha ng isang tao at kaunting impormasyon na parang galing sa isang resume. Gusto ko pa rin personal kong nakakaharap ang isang tao, naririnig ko magsalita, nakikita ang mannerisms niya at nakikita kung paano siya makitungo hindi lang sa akin kung hindi pati sa mga tao sa paligid namin. Everytime I talk to someone in dating sites I feel uncomfortable. Kahit okay sumagot sa chat o kahit magpadala ng pictures, wala akong nararamdamang interes."

"Talaga? Kahit maganda? Hindi ba ang mga lalaki mabilis ma-attract sa maganda?"

"Iba ang appreciation sa attraction. Of course I can appreciate a beautiful woman pero hindi iyon sapat para ma-attract ako. Anyway, dahil sa pagsubok ko sa online dating narealize ko na old soul ako. Deep inside gusto ko pa rin makilala ang isang tao sa natural na paraan. Pero hindi ko hinuhusgahan ang mga taong mahilig sa online dating. Aware din ako na maraming nakakahanap ng karelasyon doon. But as I have said, it is not for me."

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon