Part 15

5.1K 219 6
                                        

TUMUNOG ang doorbell. Kung sino man ang nasa labas ng condo unit na iyon ay wala itong tigil sa pagpindot sa doorbell. Nakakabingi at mahirap balewalain. "Food delivery!" sigaw ng nasa labas.

Dumilat si Gabby at sabay silang napalingon ni Jaime sa pinto. "Ako na ang kukuha. Mag shower ka na rin at magpalit ng damit," sabi ng binata na marahang tinapik ang balikat niya bago naglakad palapit sa pinto.

Nadismaya siya at nanghinayang kasi nawala na ang electrifying atmosphere na mayroon sila kanina. Duda siya kung maibabalik pa nila iyon ngayong araw. Sayang. Bumuntong hininga siya at nagpunta na nga lang ng banyo.

Twenty minutes later lumabas na siya uli. Nakasuot na siya ng leggings at oversized t-shirt. Tinuyo niya ng towel ang buhok niya at hindi na iyon inabalang i-blowdry. Usually, hindi nagpapakita si Gabby sa ibang tao na hindi nakapostura at naka makeup. But right now, she doesn't feel like hiding anything from Jaime. Lampas na sila sa stage na iyon.

Nasa sala na ang binata at naihain na ang mga pagkain sa malaking center table. Nakaupo na ito sa mahabang sofa at kasalukuyang tinitingnan ang mga palabas sa Netflix. Pasimpleng napahinga ng malalim si Gabby kasi may umusbong na namang longing sa puso niya habang nakatingin kay Jaime. It was a longing for someone to be by her side.

Biglang lumingon ang binata kaya nagtagpo ang kanilang mga paningin. Sandali siya nitong pinasadahan ng tingin, iyong para bang ayaw nito ipahalata, pero napansin niya pa rin. Ngumiti ito nang bumalik sa mukha niya ang atensiyon nito. "Kain na."

May init na humaplos sa puso ni Gabby. Gumanti siya ng ngiti at naglakad palapit. May isa single couch sa magkabilang side pero nilakasan na niya ang loob niya at umupo sa tabi ni Jaime. Hindi ito kumilos para umatras kahit nang magkiskisan ang mga braso nila at magdikit ang mga hita nila. Yumuko siya at lihim na napangiti.

"Okay lang sa 'yo ang pinoy style na almusal?" tanong niya.

Nakatingin siya sa mga pagkain sa center table pero narinig niya sa boses ni Jaime ang ngiti nito nang magsalita, "Oo naman. Heavy eater talaga ako sa almusal."

"Ako rin."

"Talaga?"

Napatingala si Gabby sa binata sa sinabi nito. Hindi niya alam kung tataasan niya ito ng kilay o matatawa na halatang hindi ito naniniwala sa kaniya. "Oo nga. Nandito man ako sa Pilipinas o nasa ibang bansa, marami akong ginagawa maghapon kaya dinadamihan ko na ang kain sa umaga. Madalas kasi kapag sobrang busy ako nakakalimutan ko kumain ng lunch. Dinner na sunod kong meal."

Kumunot ang noo ni Jaime. "Skipping meals is unhealthy."

Touched na nginitian niya ito. "Thank you sa concern mo."

Napatitig sa mukha niya ang binata, umiling pero umangat naman ang gilid ng mga labi. "Kumain na lang nga tayo. Mas masarap 'to kapag mainit pa."

Lumawak ang ngiti ni Gabby at tumango. Sandali pa nakailang subo na sila ng kani-kanilang pagkain. Hindi na nila pinansin ang nakabukas na TV. Nawala na ang interes nila sa dapat panonood ng Netflix kasi naaliw na sila sa pag-uusap habang kumakain. Hindi naman masyadong malalim ang topics nila, tungkol lang sa mga current issues, lugar na mga napuntahan nila at kung anu-ano pa, pero ang sarap pa rin sa pakiramdam.

Lalo narealize ni Gabby na ang tagal na niyang walang nakausap at nakasama na gaya ng sitwasyon nila ngayon ni Jaime. Kahit kapag nag ta-travel siya, may nakakausap man siyang ibang tao pero kaswal lang at hindi kasing tagal na katulad ngayon. It feels so good to have someone to be with like this.

Mukhang natahimik siya dahil sa tumatakbo sa isip niya kasi biglang napahinto sa pagsubo si Jaime at sinabing, "Bakit natahimik ka na diyan at ngingiti-ngiti lang?"

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon