Part 28

5.1K 202 11
                                        


HALOS hindi nakatulog magdamag si Gabby kakaisip na makakasasma niya kinabukasan si Jaime. May plano na siyang outfit na isusuot para sa araw ng Ikon concert pero bigla siyang naghalungkat uli sa maleta niya kasi gusto niya maganda siya sa paningin ng binata. Nang mailabas ang mga isusuot ay cellphone naman ang kinuha niya. Huminga siya ng malalim at nagdesisyong padalhan ng mensahe ang kanyang ina.

Humingi siya ng sorry, sinabing mahal na mahal niya ito pero hindi niya talaga puwedeng pakasalan si Dean. Sinabi niyang hindi sila magkakasundo ng lalaki at magiging miserable siya sa piling nito kung sakaling magpakasal sila. Pagkatapos naging honest at sincere si Gabby. Sinabi niya na ang totoo nakakilala siya ng isang lalaki na talagang nagpapasaya sa kaniya. Hiningi niya sa ina ang pag-unawa at pagsuporta.

Pagkatapos niya pindutin ang send button ay matagal pa siya tumitig sa cellphone kahit alam niyang imposibleng mag reply ito agad. Alanganing oras din kasi sa Pilipinas nang mga sandaling iyon. Pero kahit hindi ito sumagot gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano kasi nagawa niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya. Pagkatapos 'non saka lang siya nakatulog.

Pagdating ng umaga hindi na siya mapakali at nanlalamig na ang mga kamay sa magkahalong kaba at excitement. Pagmulat ng mga mata niya, si Jaime agad ang sumagi sa isip niya. Para tuloy may mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya habang naliligo at nagbibihis siya. Napatagal tuloy ang pag me-make- up niya kasi nanginginig ang mga kamay niya. Nang masigurong maayos na siya tingnan ay kinuha na niya ang malaking shoulder bag. Huminga siya ng malalim at saka binuksan ang pinto para lumabas.

Sumikdo ang puso ni Gabby nang makitang nasa hallway na pala si Jaime, hinihintay siya. Nakasandal ito sa pader na katapat ng pinto niya at nakatutok ang tingin doon. Hindi tuloy siya prepared nang paghakbang niya palabas ay nagtama agad ang kanilang mga paningin. Lalo na nang bigla itong umalis mula sa pagkakasandal at alanganing umangat ang gilid ng mga labi.

"Good morning," bati nito sa kaniya.

Humigpit ang hawak niya sa doorknob kasi nanlambot ang tuhod niya. "Good morning," mahinang sagot niya at hindi napigilang titigan ng husto ang binata.

Maaga siya nagising pero mukhang mas maaga pa pala ito bumangon kaysa sa kaniya. Halatang bagong paligo ito kasi nanuot agad sa ilong niya ang mabangong amoy ng ginamit nitong sabon at aftershave. Medyo basa pa rin ang buhok nito. Maong jeans, sneakers, black jacket at puting t-shirt na may nakasulat na kulay pulang 'Killing Me' sa harapan. Napangiti si Gabby kasi may ganoon din siyang t-shirt. Official merchandise iyon ng Ikon concert na pareho nilang pinanood last year. Nang panahong iyon nga lang, hindi pa sila magkakilala. Ngayon magkasama na sila manonood.

"Ready ka na?" tanong ni Jaime kaya napakurap si Gabby at bumalik sa kasalukuyan ang isip. Sa ilang hakbang lang ay nakatayo na ito sa mismong harapan niya.

"Oo. Ready na." Isinukbit niya sa balikat ang shoulder bag niya at nginitian ang binata. Napunta doon ang tingin nito. Alam niya hindi ito nagtatanong pero masyado siyang giddy na magkasama sila ngayon kaya naging madaldal siya. "Dinala ko na kasi ang cheering slogan na binili ko sa fansite ni Hanbin tapos dala ko rin ang light stick nila. Wala kasi akong konbat noong nanood ako ng concert nila sa Manila last year. May dala rin akong camera para makapag picture tayo mamaya habang namamasyal tayo."

Tumango si Jaime at inilahad ang kamay sa harapan niya. "Sige. Akin na. Ako na ang magdadala niyan. Mukha iyang mabigat. Sasakit ang balikat mo kung maghapon mo iyan dala."

Umawang ang bibig ni Gabby at lumuwag ang hawak sa strap ng kanyang bag. Sinamantala iyon ng binata at mabilis na inalis mula sa balikat niya ang shoulder bag. "Tara na. Mag almusal muna tayo bago mamasyal." May humagod na kuryente sa buong katawan niya nang hawakan nito ang isang siko niya at marahan siyang iginiya papunta sa direksyon ng elevator.

Naglakad sila sa Shibuya Center Gai Street para maghanap kung saan sila puwede mag-almusal. "Saan at ano ba ang gusto mo kainin for breakfast?" tanong ni Gabby sa binata. "Ang ibang first time magpunta sa Japan sa starbucks o kaya sa fastfood chain kumakain kasi mas komportable sila sa pagkain doon. Ikaw ba anong gusto mo?"

"Kapag nasa isang lugar ako gusto ko sinusubukan ang mga lugar na pinupuntahan ng locals. Mas hindi sikat sa internet, mas maganda. Mas gusto ko maramdaman talaga kung paano nabubuhay ang mga tao sa pinupuntahan ko," paliwanag ni Jaime.

Napatitig si Gabby sa side profile ng binata at hindi na naman napigilan ang pagsikdo ng puso niya. Kasi pareho pala sila kapag nag ta-travel. Mas gusto rin niya na pinupuntahan ang mga lugar na madalas pinupuntahan ng locals. Kaya nga mas komportable siya maglakad-lakad kaysa sumakay ng taxi kapag nasa ibang bansa siya. Hindi rin siya mahigpit sa itinerary kasi gusto niya nag e-explore sa sarili niyang oras. At sa tingin niya ang style na iyon niya ng pag ta-travel ang dahilan kaya maraming nag su-subscribe at nanonood sa youtube channel niya.

Huminto sa paglalakad si Gabby at nakangiting dinukot ang cellphone sa bulsa. "Hanap tayo ng local restaurant na malapit dito." Binuksan niya ang google at nag search. Naramdaman niyang huminto rin si Jaime, lumapit sa kaniya hanggang magkadikit na ang mga tagiliran nila at yumuko para tingnan din ang screen ng cellphone niya. May init na kumalat sa katawan niya sa nearness nila pero pilit siya nag focus sa paghahanap ng makakainan.

Makalipas ang ilang minuto may nakita siyang recommendation sa tripadvisor. "May nakita na ako! Puntahan ng locals, hindi masyadong alam ng foreigners kung pagbabasehan ang konting reviews at budget friendly! Matsuya ang pangalan. Dito na tayo pumunta," masayang sabi ni Gabby sabay tingala. Sa sobrang excitement hindi niya naisip na nakayuko nga pala ito at sobrang lapit ng mukha sa kaniya. Pagtingala tuloy niya saglit na lumapat sa baba nito ang bibig niya. Kung hindi niya naiatras ang ulo niya dahil sa pagkabigla ay baka naglapat pa pati mga labi nila.

Manghang nagkatitigan sila ni Jaime, parehong na-tense. Uminit ang pakiramdam ni Gabby nang makitang uminit ang titig nito sa kaniya. Nahigit niya ang hininga nang umangat ang isang kamay nito na para bang hahawakan siya. Pero bago nito magawa iyon ay may bumusina sa kanilang paparating na bisekleta. Natauhan sila pareho at sabay na napahakbang papunta sa pinakagilid ng kalsada. Sinundan nila ng tingin ang dumaang bisekleta hanggang makalayo na iyon.

Napasinghap si Gabby nang pagtingala niya uli sa mukha ni Jaime ay mapansin niya ang stain ng lipstick sa baba nito. "I'm sorry," tarantang sabi niya. Mabilis na pinahid niya ng hinlalaki ang baba nito. Hindi siya tumigil kahit nang maramdaman niyang na-tense ito sa ginagawa niya.

Saka lang siya nakuntento nang mawala na ang bakas ng lipstick sa balat nito. Pabuntong hiningang ngumiti siya. "There. Okay na." Saka lang niya tiningnan sa mga mata si Jaime. Nawala ang ngiti niya at parang may kumalat na kuryente mula anit niya hanggang talampakan nang makita kung gaano ka-intense ang titig nito sa kaniya. Napalunok siya. "J-jaime?"

Kumurap ito, huminga ng malalim at hinawakan ang kamay niyang nasa baba pa rin nito. "Puntahan na natin ang restaurant na nakita mo sa internet. Gutom na ako. Saan ba ang daan natin papunta doon?"

"Deretso lang," mahinang sagot ni Gabby kasi sobra siyang aware na hawak pa rin nito ang kamay niya.

Tumango si Jaime at hinila na siya papunta sa direksiyong itinuro niya. Lalong nagwala ang mga paru-paro sa sikmura niya. Kasi hanggang makarating sila sa Matsuya restaurant, hindi nito binitawan ang kamay niya.

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon