"HINDI ko alam na hindi maganda ang relasyon ng parents mo," basag ni Gray sa katahimikan. Dinala niya ito sa likod ng bahay nila kung nasaan ang swimming area. Sina Dean at Dominic sa tingin niya nasa labas ng gate nila. Isang sasakyan lang ang dinala ng tatlo dahil nagmadali raw pumunta sa bahay nila nang tumawag siya sa pinsan kaya kailangang hintayin ng mga ito si Gray.
Huminga ng malalim si Gabby, humalukipkip at humarap sa binata. "Hindi ko kasi sinabi sa 'yo."
"Akala ko..."
Mapait na ngumiti siya. "Akala mo ang perfect at ang saya ng buhay ko? Na sheltered and spoiled princess ako na lumaking puno ng pagmamahal na katulad ng mga sinasabi ng schoolmates natin dati sa University?"
Hindi sumagot si Gray pero nakita niya sa mukha nito na iyon nga ang opinyon nito sa kaniya. "Why do you think I hate going home when we were students? Bakit palagi akong active sa lahat ng events sa campus at gabi na o kaya minsan hindi pa umuuwi? I hate going home."
Kumuyom ang mga kamao ni Gray. "Hindi mo sinabi sa akin. Kahit nang ikakasal na tayo hindi mo binuksan ang sarili mo sa akin, Gabby."
"Kasi nahihiya ako," amin ni Gabby. "Palagi ako bumibisita sa inyo kaya alam ko kung gaano kasaya ang pamilya ninyo to the point na naiinggit ako."
"Alam mo 'yan pero naisip mo na kapag ikinasal tayo magiging katulad ako ng tatay mo. Iyon ang ibig sabihin nang sinabi mo kanina, 'di ba? Na natakot kang magiging katulad ka ng mama mo kaya tinakbuhan mo ang kasal natin. Natakot ka na magiging miserable ka sa piling ko," sabi ni Gray, bakas ang pagkainsulto sa mukha.
Nalaglag ang mga balikat ni Gabby. "I'm sorry. Alam ko na ako ang mali. Alam ko na minahal mo talaga ako noon at mabuti kang tao. Ako ang may personal issues noon. I'm sorry." Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. "Ito ang rason kung bakit gusto kitang makausap. Gusto ko humingi ng tawad sa 'yo. Hindi ko nagawa ten years ago. At hindi ko rin ginawa last year. I'm so sorry for everything Gray."
Ilang segundong tumitig lang sa kaniya ang lalaki bago ito bumuntong hininga. "Okay. Apology accepted. I am currently in a good place now, Gabby. Masaya ako at kuntento. Ang nangyari ten years ago at pati na rin ang ginawa mo last year, matagal nang wala sa akin iyon. So I hope our past is not holding you back. I hope katulad ko maging masaya ka rin."
Sa sinabi ng lalaki ay dumaan sa isip ni Gabby ang mukha ni Jaime. Ngumiti siya. "Masaya ako ngayon. My family is still a mess at sigurado akong mas magiging messy sa darating na mga araw o baka abutin ng taon pa nga. Pero sigurado akong kakayanin ko lahat kasi may taong alam kong mananatili sa tabi ko kahit anong mangyari. Really, I am happy."
Ilang segundong napatitig sa kaniya si Gray bago ito narelax at ngumiti. "I'm glad to hear that."
Lumawak ang ngiti ni Gabby kasi pakiramdam niya may mabigat na nakadagan sa puso niya ang biglang nawala. Nabawasan ang baggage niya. "Salamat talaga na pumayag ka makipag-usap ngayon, Gray. This is a huge deal for me."
Gumanti ng ngiti si Gray. "No problem. I'm glad I got to talk to you like this." Pagkatapos humakbang ito palapit sa kaniya at inilahad ang isang kamay. "Are we good now?"
Natawa si Gabby at tinanggap ang handshake ng lalaki. "Yes. We are good."
Makalipas ang ilang minuto umalis na rin ang lalaki kasama sina Dominic at Dean. Huminga ng malalim si Gabby, umakyat sa second floor at inutusan ang mga kasambahay na ilagay lahat sa maleta ang gamit ng kanyang ama. Tumulong din siya magtanggal ng mga nabasag na figurines at glass. Pagkatapos sinilip niya ang mama niya sa loob ng master's bedroom. Nang masigurong malalim na ang tulog nito ay saka lang niya inakyat sa kuwarto niya ang maleta at bag niya.

BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
عاطفية(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...