HINDI mapigilan ni Gabby ang matawa habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Maiingay ang mga ito, nagkukuwentuhan, kantiyawan, tawanan at may nagka-karaoke pa. May mga bata ring nagtatakbuhan at ilang beses nasigawan ng mga nanay. It was so chaotic but a heartwarming one.
Nawala lang ang atensiyon niya sa paligid at napatingala nang lumapit sa kaniya si Jaime, may dalang baso ng tubig na nirequest niya rito. Ngumiti ito at tumabi sa kaniya. "Pasensiya ka na. Sobrang gulo nila 'no?"
Matamis na ngumiti si Gabby, kinuha ang baso mula kay Jaime at humilig sa balikat nito sandali bago dumeretso ng upo at uminom. "Ang saya ng pamilya mo."
Birthday ng pamangkin ni Jaime kaya inimbitahan siya nito. Dapat noon pa siya plano ipakilala ng binata sa pamilya nito pero ang dami pang nangyari sa buhay ni Gabby pagkatapos ng gabing pinalayas ng nanay niya ang kanyang ama. Nag file sila ng restraining order kasi sinubukan uli bumalik ng papa niya. Nalaman ng mga Roman ang tungkol sa kabit nitong nabuntis kaya nagkagulo sa father's side ng pamilya niya. Pagkatapos tinulungan din niya ang tiyahin niya para maging maayos ang relasyon ni Dominic sa tatay at step-brother nito. Katulad ng annulment case ng parents niya, work in progress din ang relasyon ng pinsan niya sa pamilya nito.
Matagal-tagal din bago matatapos ang tsismis sa social circle nila tungkol sa naunsyaming kasal nila ni Dean McKinley lalo at napublish na ang magazine na nag feature sa kanila kasama ang mga nanay nila. Stressed ang mama niya sa mga gossip columns na pinagpipyestahan silang mag-ina pero si Gabby deadma sa lahat. Hindi na siya affected kasi mas busy siya sa personal niyang buhay.
Isa sa mga magandang nangyari sa nakaraang mga linggo para kay Gabby ay pormal na niyang naipakilala si Jaime sa mama niya. Noong una awkward ang naging meeting na iyon pero tama ang binata. Hindi ito nare-resist ng mga nanay. Ilang oras lang, para nang matagal na magkakilala kung mag-usap ang mga ito. Hindi niya alam kung totoong charming ang binata o desperado lang ang nanay niyang magka-boyfriend siya. Pero ang importante may blessing sila ng mama niya.
Kaya ngayon, turn naman niya para makilala ang pamilya ni Jaime. Kanina pagbaba pa lang nila ng kotse nito ay humangos agad pasalubong ang parents at mga kapatid nito. Lahat tuwang tuwa makilala siya to the point na naoverwhelm siya. Kilalana pala siya ng mga ito kasi araw-araw daw siya kinukuwento ni Jaime. May mga pinsan pa ito na matagal na pala niyang followers sa youtube channel niya at tinanong pa siya kung sigurado ba raw siya na okay sa kaniyang boyfriend niya si Jaime o baka ginayuma lang ba raw siya ng binata. Tawa ng tawa si Gabby.
"Kaya pala ang warm mo kasi ganitong pamilya ka lumaki," komento niya pagkatapos maubos ang baso ng tubig.
Tumawa ito at inakbayan siya. "Siguro nga. Simple lang ang pamilya ko pero maipagmamalaki ko sila." Niyuko siya nito at naging seryoso. "Hindi ako sobrang yaman katulad ng ex mo o ng Dean na 'yon pero may maganda akong trabaho, may investments, properties at savings. Hindi ako madali magalit at mas mahaba pa sa Tokyo Tower ang pasensiya ko. Allergic ako sa alak kaya sigurado ka na hindi ako magiging lasenggo. Sensitive ako sa amoy kaya hindi rin ako maninigarilyo. Hindi rin ako babaero. Wala akong bisyo, pag ta-travel lang at Ikon at ngayon, ikaw."
Natawa siya, ginagap ang kamay nito at pinisil iyon. "Alam ko."
Ngumiti si Jaime pero sumeryoso rin agad. "Ang gusto ko lang sabihin. Hindi kita mabibigyan ng tipo ng buhay na sobrang magarbo pero sisiguruhin ko na magiging masaya ka sa bawat araw na kasama mo ako."
Sumikdo ang puso ni Gabby. "Nag po-propose ka na ba sa akin?"
Umangat ang gilid ng mga labi nito at pinisil ang kamay niya. "Hindi pa. Simpleng lalaki lang ako pero sisiguruhin ko namang magiging memorable sa 'yo ang proposal ko."
Natawa siya at pinisil ang pisngi nito. "Ang cute mo talaga. Kahit paano ka pa mag propose sa akin magiging memorable 'yon kaya huwag ka mag-alala. Hindi ko kailangan ng luxurious life. I already have that, you know," birong totoo niya.
Tumawa si Jaime. Nakangiting nagpatuloy si Gabby sa pagsasalita, "Ang kailangan at gusto ko ay warm, close at happy family para sa ating dalawa balang araw."
Yumuko si Jaime at pinaglapat ang kanilang mga noo. "Iyon ang ibibgay ko sa 'yo, Gabby. Pangako."
Matamis siyang ngumiti. "I know you will."
~WAKAS~
BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...