Part 17

4.9K 236 8
                                        

ILANG SEGUNDONG nablangko ang isip ni Gabby bago siya naging aware sa malambot at mainit na mga labi ni Jaime na nakalapat sa lips niya. Bigla nag flashback sa isip niya ang unang beses na naghalikan sila more than one year ago. Galit at frustrated sila pareho noon. And even though it was the hottest kiss she ever experienced it was also messy and cruel with an intention to hurt.

Iba ang halik na ito ngayon. Sandali lang dumiin ang mga labi nito sa kaniya para siguro patahimikin siya. Pero sandali lang gumaan na iyon at naging masuyo na ang halik nito. Napabuntong hininga si Gabby, hinawakan ang magkabilang lower arm nito at ginaya ang bawat galaw ng mga labi nito. Umungol si Jaime, humigpit ang hawak sa magkabilang side ng mukha niya at umanggulo para palalimin ang halik.

Hindi niya alam kung gaano katagal sila sa ganoong sitwasyon. Ang alam lang niya pareho silang hinihingal nang bahagyang lumayo ang mga mukha nila sa isa't isa. Nagkatitigan sila. Kitang kita pa rin niya ang init at intensidad sa mga mata nito. "Jaime..."

Pinaraan nito ang hinlalaki sa ibabang labi niya bago nagsalita. "Tama na ang self-pity okay? Mas bagay sa 'yo na kumikinang ang mga mata mo at nakangiti ka kasi masaya ka. Napatawad ka na ni Gray sa nangyari sa inyong dalawa ten years ago. Kaya oras na para patawarin mo rin ang sarili mo. Besides, may dahilan kaya hindi natuloy ang kasal ninyo noon. Nakilala niya si Arci at sigurado ako na may nakalaan din para sa 'yo. Kaya huwag ka mainip at huwag ka mawalan ng pag-asa. Magtiwala ka sa sarili mo."

May init na humagod sa buong katawan ni Gabby. Bawat salitang binitawan ni Jaime parang ointment na pinapahid sa puso niya. Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Puwede mo naman pala ako i-comfort sa ganitong paraan. Pero last year inaway mo ako."

Tumaas ang mga kilay ng binata pero nakangiti na rin. "Ibang kaso last year. I was angry and hurt too that I didn't have time to comfort anyone properly."

"At okay ka na ngayon?" paninigurado ni Gabby. "Wala ka na talagang romantic feelings para sa bestfriend mo?"

Pinisil ni Jaime ang baba niya. "Hinalikan na nga kita, nagtatanong ka pa ng ganiyan." Pagkatapos humarap na uli ito sa lamesa, kinuha ang plato at nagpatuloy sa pagkain.

Napatitig lang si Gabby sa binata at kinikilig na napangiti. "So, you will spend the whole day with me today?"

"Oo nga." Inabot nito ang remote control at sinulyapan siya. "Ano ba gusto mo panoorin? Mahilig ka ba sa western series?"

Oo sana ang una niyang isasagot. Iyon kasi ang automatic response niya kapag may nagtatanong sa kaniya noong nasa Paris siya. Pero pagdating kay Jaime, madali para sa kaniya ang magsabi ng totoo at ipakita ang totoong siya. Hindi iyong version niya na pinapakita niya sa iba para magpaimpress.

"Actually, hindi ako nag e-enjoy sa western series. I mean, I do watch some kapag nasa mood ako. Pero hindi ako avid fan," amin ni Gabby.

Napatitig sa kaniya si Jaime. "Talaga? Ano pala ang pinapanood mo sa netflix?"

Nahihiyang ngumiti siya. "Hindi talaga ako palanood dati. Movies lang talaga pinapanood ko kasi wala ako tiyaga manood ng mahabang palabas. Pero simula nang dumating ako sa Pilipinas last year inexplore ko ang Netflix. Pero mas nag enjoy ako manood ng korean drama at korean variety shows." Halatang nagulat si Jaime sa sinabi niya. Inunahan niya ito magsalita. "Magaganda at entertaining, promise."

Natawa ang binata. "Hindi mo kailangan maging defensive. Nanonood din ako ng pinapanood mo." Humarap ito sa TV screen at nagbrowse ng mga palabas. "Mahilig sa Korea si Arci at iyong pamangkin niya na nakita mo noong nagpunta kami sa Slade House. Madalas ako sa kanila kapag weekend kaya nahawa ako. Sinasamahan ko sila manood ng drama at shows. Itong Men In A Mission pinapanood mo ba? Nakakatawa ito."

"Oo pinapanood ko iyan. Marami na nga lang akong episodes na hindi pa napapanood," sagot ni Gabby pero wala sa TV screen ang tingin niya kung hindi nasa side profile ni Jaime. Habang dumadami ang nalalaman niya tungkol sa binata, lalo ito nagiging espesyal para sa kaniya. Alam niya masyado pa maaga para mag assume ng kung anu-ano pero isa lang ang sigurado niya. She wanted to spend more time with him.

Sinulyapan siya nito at nang mahuling nakatitig siya ay tumaas ang mga kilay. "Ayaw mo ba manood? May iba kang gusto gawin?"

I want to kiss you again. Uminit ang mukha ni Gabby nang dumaan ang mga salitang iyon sa isip niya. Mabuti na lang hindi niya nasabi ng malakas. Sa halip tumikhim siya at umayos ng upo paharap sa TV screen. "Nood muna tayo. Isang episode lang."

Pero ang dapat isang episode ay naging full blown bingewatching. Tawa sila ng tawa sa pinapanood nila at aminado si Gabby na ngayon lang siya uli naging ganoon kasaya at kakomportable sa presensiya ng isang tao. Pagdating ng lunch umorder na lang uli sila ng pagkain pero sa living room naman sila pumuwesto.

Nagkuwentuhan sila habang kumakain na paminsan-minsan nagiging friendly argument. May same interests man kasi sila marami din silang mga opinyon tungkol sa kung anu-ano na hindi tugma. Pareho pa naman silang ayaw patalo to the point na napapahinto lang sila kapag pareho na silang hinihingal sa kaka defend ng side nila.

Katatapos lang nila magtalo tungkol sa latest issue na pinag-uusapan nila at mainit ang titig nila sa isa't isa nang biglang itaas ni Jaime ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "I think we should stop arguing."

Naningkit ang mga mata ni Gabby. "Bakit?" tanong niya, hindi pa rin kumakalma.

"We did something crazy the last time we argued. Delikado kasi tayong dalawa lang dito."

Biglang nawala ang init ng argumento sa sistema ni Gabby. Napalitan ng masarap na kilabot na humagod sa buong katawan niya. "Y-you really have to bring that up right now?"

Huminga ng malalim si Jaime, sinuklay ng mga daliri ang buhok at napahawak sa batok. "Sa tingin ko dapat na ako umalis."

Napanganga siya at nalaglag ang mga balikat. "Bakit? Sabi mo wala ka naman ibang plano ngayong araw ah?"

"Oo nga. Pero delikado magtagal ako dito nang tayong dalawa lang. Baka halikan na naman kita. Baka hawakan kita sa paraang gusto ko at mabigla ka. Sabi mo hindi bad memory para sa 'yo ang nangyari sa atin last year. Well, it was not a bad memory for me too. Pero nangyari iyon sa maling dahilan. It was rushed and emotionless. You deserve better than that. Kaya ayokong mabigla na naman tayo. Something is going on between us and I want to take this slow. I want this to be right."

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon