Hindi nakasagot agad si Gabby at napatitig lang kay Jaime. May bumikig sa lalamunan niya at namasa ang kanyang mga mata. Bigla parang gusto niya tawirin ang espasyo sa pagitan nila at yakapin ito ng mahigpit. Pero kapag ginawa niya iyon mababalewala niya ang self-control na kanina pa pala nito pilit pinanghahawakan. Alam din niya na tama ito. Nagsisimula pa lang sila kilalanin ang isa't isa. At oo, obvious na may attraction at sexual tension sa pagitan nila pero masyado pang maaga para may gawin silang higit pa sa halik kanina.
Huminga siya ng malalim, lumunok at tumango. "Okay. I get it. Okay."
Bumuntong hininga si Jaime, ngumiti pero halatang hindi pa rin nababawasan ang pagiging tense ng katawan nito. "Glad to hear that. Kapag nainip ka rito dahil mag-isa ka lang, puwede mo naman ako tawagan. Puwede tayo mag-usap sa cellphone. Sa ganoong paraan kahit ma-tempt akong hawakan ka o halikan ka hindi ko magagawa kasi magkalayo tayo."
Kung hindi lang seryoso sila pareho ay baka natawa na si Gabby sa sinabi nito. Sa halip tumango na lang siya kasi feeling niya kailangan din niya ang distansiya na gusto ni Jaime. Hindi niya alam kung gaano katagal niya matitiis na hindi ito lundagin.
"Okay," sabi niya sa halos paos na tinig. "Ihahatid kita hanggang elevator?"
Tumango si Jaime at humakbang na palapit sa kaniya. Magkaagapay silang naglakad papunta sa pinto ng condo unit. Habang nasa hallway pareho pa silang napasinghap at napaigtad nang magtama ang mga braso nila. Bago ito sumakay sa walang lamang elevator ay yumuko ito at magaan siyang hinalikan sa pisngi. Nanatili siyang nakatayo roon hanggang tuluyang sumara ang elevator. Pagkatapos para siyang lutang na naglakad pabalik sa condo unit.
Maghapong wala na siyang nagawa kasi ang utak niya na kay Jaime pa rin. Kaya nahiga lang siya sa kama, tumulala sa kisame at nang hindi pa rin kumakalma ang puso ay binuksan ang stan twitter account niya. Sumikdo ang puso niya nang makita ang notification niya na may isa siyang direct message. Baka sinagot na siya ni junhoehoho. Pero bago iyon binuksan ay nag tweet muna si Gabby.
@BInfluence hi. I need real life advice. Do you guys believe a person can fall in love in a day?
Uminit ang magkabilang pisngi niya habang binabasa ang post niya. Huminga siya ng malalim at saka binuksan ang direct message niya. Sumagot nga si junhoehoho sa huling message. Kaninang madaling araw pa ang reply nitong iyon.
Thank you. You really are thoughtful. Don't worry. I think I can handle this thing called love on my own. For now. smiley face.
Napangiti si Gabby at nag type. That's good to hear. You are a good person and you deserve to be happy.
Hindi na siya nagulat na hindi nagreply agad si junhoehoho. Baka nasa trabaho o baka tulog. Natakot din siya tingnan kung may nagreply sa post niya tungkol sa love kaya binitawan niya ang cellphone at pumikit. Hindi namalayan ni Gabby na nakatulog na siya.
Napanaginipan niya ang unang encounter nila ni Jaime more than one year ago. Hindi iyon ang unang beses na napanaginipan niya iyon. Pero mas malinaw at mas totoo ang mga eksena sa sandaling iyon.
Nang hilahin ni Gray si Arci papasok sa Slade House dahil mag-uusap daw ang dalawa, nagpanic si Gabby na talagang tapos na sila ng ex-fiancee niya. That time she thought he will be the only man she will ever be okay to marry. Nireject na siya nito ng tahasan nang sabihin niya rito na gusto niya magkabalikan sila. She hugged him and even tried to stole a kiss from him. Nilunok niya ang pride niya pero talagang hindi natinag si Gray. Naintindihan niya kung bakit nang sandaling makita niya itong kasama si Arci.
So she panicked and fear gripped her heart. Habang nakikita niyang palayo ang dalawa pakiramdam ni Gabby nang sandaling iyon lumalayo na rin ang chance niya sa happy ever after na tinakasan niya almost a decade ago. It was a selfish and desperate thought but she didn't care that time. Bago pa niya maisip kung anong ginagawa niya humahakbang na siya para humabol sa dalawa. Pero mahigpit siyang nahawakan ni Jaime na ni hindi niya namalayang hindi pa rin pala umaalis. Hindi pa niya ito kilala that time. Narinig lang niyang tinawag ito ng girlfriend ni Gray sa pangalan.
"Don't get in their way," seryosong banta nito sa kaniya nang lingunin niya ito.
"Let go of me." Sinubukan niya kumalas sa hawak nito pero lalo lang iyon humigpit. Pagkatapos napasinghap siya nang hilahin siya nito palayo sa entrada ng Slade House. Ni wala itong pakielam kahit nagkakanda tapilok na siya dahil sa suot na high heels. Napasinghap siya nang buksan nito ang passenger's seat ng isang sasakyan at pilit siya pinapapasok. "What do you think you're doing?!"
Tumiim ang bagang ni Jaime. "Kung kailangan kita bantayan buong gabi para siguruhin na hindi mo sila guguluhin, gagawin ko. I will not allow anyone to ruin my bestfriend's relationship. Alam ko kung ano ang naging papel mo sa buhay ni Gray Delan. Pero hanggang doon na lang iyon, nakaraan. Si Arci na ang babaeng mahal niya kaya huwag ka na maghabol."
Para siyang sinampal ng malulupit na salitang iyon. Pero imbes na ipakitang nasaktan siya ay galit ang pinairal ni Gabby. Inilapat niya ang isang palad sa dibdib ni Jaime at ubod lakas itong itinulak palayo. Tumaas lang ang mga kilay nito at ni hindi natinag. Siya pa nga ang nasaktan kasi naramdaman niyang matigas ang pangangatawan nito.
"Leave me alone," gigil na angil na lang niya at sinubukan uli hilahin ang braso niya. Sa pagkakataong iyon lumuwag na ang hawak nito sa kaniya. Matalim pa rin ang tingin ni Gabby sa binata nang humakbang siya paatras. "I can go on my own. I don't need to be trapped inside a car with a rude stranger like you."
Sumimangot si Jaime at bumuka ang bibig na parang may sasabihin pero hindi na niya iyon hinintay. Tinalikuran na niya ito at lumapit sa sarili niyang kotse. Pagkatapos sumakay doon at buhayin ang makina ay binaba niya ang bintana sa driver's seat at matalim uli tiningnan ang lalaking nakasunod pa rin ng tingin sa kaniya. "Jerk!" sigaw niya.
Nanlaki ang mga mata nito at humakbang palapit sa kotse niya pero inapakan na niya ang accelerator, itinaas ang bintana sa tabi niya at pinaharurot palayo ang kotse niya. Galit pa rin si Gabby at alam niyang lalo lang siya kakainin ng negative emotions kapag dumeretso siya ng uwi sa mala-museum nilang mansiyon. Kaya nagpunta siya sa pinakamalapit na bar mula sa Slade House.
She was so upset that she wanted to get drunk. Pero ilang minuto pa lang siya sa isang sulok ng bar counter, may mga lalaki nang lumalapit sa kaniya at nagpapapansin. She just wanted to drink her misery alone but they kept on bugging her. Malapit na mapikon si Gabby at handa nang sigawan ang mga ito kahit alam niyang delikado kung gagalitin niya ang mga ito nang biglang may tumapik sa balikat ng isang lalaki at nagsalita.
"She's with me. Back off."
Nangilabot si Gabby nang marinig ang intimidating na boses na iyon. Mukhang natakot din ang mga nangungulit sa kaniya kasi umatras ang mga iyon, nag sorry at mabilis na umalis. Namilog ang mga mata niya at napanganga nang makita kung sino ang taong nagligtas sa kaniya.
Si Jaime.
![](https://img.wattpad.com/cover/215373888-288-k411486.jpg)
BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...