NAWALA ang excitement ni Gabby na nakauwi na siya sa Pilipinas nang pagdating niya sa bahay nila sa Bel-Air ay walang ibang tao kung hindi ang mga kasambahay. Ang ganda pa nang ngiti niya pagbaba niya sa grab car at ready na sana bumati sa parents niya. Alas otso pa lang ng umaga kaya akala niya maaabutan niya ang mga ito sa dining room na nag-aalmusal.
"Nasaan sila manang?" nagtatakang tanong niya sa matandang babae na senior housekeeper nila.
Pagkakita pa lang ni Gabby sa alinlangan sa mukha ni manang Levi nalaglag na agad ang mga balikat niya at tuluyang sumama ang mood. "Did they fight again?" Ngumiwi ang matandang babae at tumango. Napabuntong hininga siya. "Bakit na naman daw? Nevermind. I think I know why. Akyat na po ako sa kuwarto ko manang."
"Hindi ka ba mag aalmusal muna?"
Wala na akong gana. Nginitian niya ang housekeeper nila. "Nag breakfast na po ako sa airport. Thank you po." Pagkatapos tumalikod na si Gabby at hila ang malaking maleta na binilisan na niya ang pag-akyat sa mahabang central staircase papunta sa third floor ng bahay kung nasaan ang kuwarto niya.
Pagdating niya roon pabagsak na humiga siya sa kama at napatunganga sa kisame. Ilang segundo pa lang nabibingi na siya sa matinding katahimikan. Hindi lang kuwarto niya ang tahimik. Kanina habang inaakyat niya ang hagdan naririnig niya ang echo ng sarili niyang mga yabag. Ganoon katahimik.
Malaki ang bahay nila Gabby at isang sikat na interior designer pa ang kinuha ng parents niya para pagandahin iyon. Ilang beses na rin na feature sa lifestyle magazines ang bahay nila. But no matter how beautiful their house is, it always felt so empty. Parang museum na pang display lang at hindi talaga matatawag na tahanan. Hindi dahil siyam na taon siyang nakatira sa Paris at last year lang umuwi. Kahit noong bata pa siya ganoon na talaga sa kanila. Nakakasuffocate kahit ang luwag naman ng space.
Huminga siya ng malalim, tumagilid sa kama at pumikit. May mga tao na naho-homesick kapag matagal na wala sa sariling bahay. Pero kung si Gabby ang tatanungin kabaligtaran niyon ang nararamdaman niya. She feels at home whenever she is travelling. At kapag oras na para umuwi, para nang may mabigat na nakadagan sa dibdib niya at nagpapahirap na naman sa kaniyang huminga. Pero siyempre hindi alam iyon ng mga tao. Sa social media, blog at vlogs niya, Gabby Roman is living a perfect life.
NAREALIZE ni Gabby na nakatulog siya nang maalipungatan dahil sa vibration ng cellphone niyang nakapatong sa tabi ng unan niya. Napaungol na kinuha niya ang gadget at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napabangon siya at naging alerto nang makita ang pangalan ng tiyuhin niya sa screen. Bihira tumawag sa kaniya si Mayor Ronaldo Roman. Sa loob ng lampas isang taong pananatili niya sa Pilipinas dalawang beses pa lang yata siya nito kusang kinontak. At sa parehong pagkakataon tinawagan siya ng matandang lalaki dahil sa pinsan niyang si Dominic.
Huminga ng malalim si Gabby at kabadong sinagot ang tawag. Magkahalong pagkagulat at relief ang naramdaman niya nang boses babae ang narinig niya sa kabilang linya.
"Gabriela? Hello?"
"Tita? Sorry po nagulat lang ako kasi cellphone ni tito ang gamit niyo. Kamusta po? Napatawag kayo?"
"May gusto sana akong hingin na pabor sa iyo, hija. Alam ko na sa iyo lang makikinig si Dominic."
Kumunot ang noo ni Gabby. Kumpirmadong pinsan niya ang dahilan ng tawag na iyon. "Ano pong favor?"
Sa loob ng ilang minuto nakinig lang siya sa mahabang paliwanag ng step-mother ng pinsan niyang si Dominic. Natapos ang pag-uusap nila na nakapangako siyang tutulungan ito. Pagkatapos bumangon na siya nang tuluyan mula sa kama at pumunta sa dressing room niya para magpalit ng damit, mag-ayos ng buhok at mag retouch ng light make-up. After thirty minutes nakalabas na siya uli ng bahay para puntahan ang kanyang pinsan.
Good mood pa si Gabby nang makarating siya sa Slade House, ang high-end karaoke place na pagmamay-ari ni Dominic Roman. Kahit nang kinailangan niya maghintay pa sa top floor dahil wala pa ang pinsan, hindi sumama ang mood niya. Naaliw kasi siya sa pakikipag-usap uli kay junhoehoho at iba pa niyang mutual sa twitter. Kaya maganda ang ngiti niya nang dumating si Dominic kasunod ang secretary nitong si Melissa. Isinuksok niya ang cellphone sa loob ng maliit niyang shoulder bag.
Tumayo siya at masigla itong binati. "Hi there, gorgeous."
"Gabby! You're back?" masayang bulalas ni Dominic.
"Why? Ayaw mo bang makita ang paborito mong pinsan?" balik tanong niya.
Tumawa ang binata, humakbang palapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Napangiti si Gabby at gumanti rin ng mahigpit na yakap. Napahinga siya ng malalim at sandaling hinilig ang ulo sa balikat nito. Ang pinsan niyang ito lang ang palaging masayang makita siya. Higit sa lahat kahit gaano ito kaabala, he will find time for her.
Nakumpirma niya iyon nang bumaling si Dominic sa secretary nito para sabihing i-cancel ang lahat ng appointments nito sa buong araw. Pagkatapos inakbayan siya ng pinsan at hinigit papasok sa opisina nito. Medyo na-guilty tuloy si Gabby kasi pagkatapos nitong marinig ang sasabihin niya tungkol sa pabor na hinihingi ng step-mother nito, siguradong magbabago ang mood ng pinsan niya.
Katulad nang inaasahan, mariing 'No' ang naging sagot ni Dominic nang sabihin niya rito ang dahilan kaya tumawag sa kaniya ang step-mother nito. Gusto kasi ng tiyahin ni Gabby na kumbinsihin niya ang pinsan na umuwi sa probinsiya para sa birthday ng ama nitong si Mayor Ronaldo Roman. Ayon sa tiyahin niya, humihina na raw kasi ang tito niya at lately palagi raw bukambibig si Dominic na maraming taon na mula nang huling magpakita sa ama.
Pero kahit pinaliwanag niya iyon ayaw pa rin mag give-in ng pinsan niya. Napabuntong hininga na lang siya kasi sa totoo lang hindi rin naman niya masisi si Dominic kung bakit matigas ang puso nito pagdating kay tito Ronaldo. Alam ni Gabby higit kanino man kung anong klase ng childhood mayroon ang pinsan niya. Katunayan kaya nga sila naging close kasi nakakarelate sila sa buhay ng isa't isa.
Kaya nang ibahin ni Dominic ang usapan, hinayaan na niya ito. Sa sumunod na mga sandali sinabi niya rito ang tungkol sa naging experience niya habang nasa Malaysia. Hindi na nila namalayan ang oras at pareho pang nagulat nang mapansing alas kuwatro na ng hapon.
"I have to go. Naistorbo na kita ng bongga," paalam ni Gabby.
Tumayo na silang dalawa. "Kailan na naman kita makikita niyan?"
Tumawa siya. "Don't worry. Magtatagal pa ako dito sa Pilipinas. Wala pa akong balak umalis uli. I have enough content for my blog and youtube channel to last me at least a month."
"Good. Nag-aalala ako kapag alam kong nasa kung saang bansa ka na walang kasama."
Matamis na ngumiti si Gabby at kumapit na lang sa braso ng pinsan bilang tahimik na pasasalamat sa concern nito sa kaniya. Pagkatapos lumabas na sila sa opisina nito. Nagtaka silang pareho nang makita nila ang secretary nitong nagmamadaling bumaba sa hagdan.
"Saan siya pupunta?" mahinang tanong ni Dominic na mas sarili ang kausap kaysa sa kaniya.
"Let's go and found out. Pauwi na rin naman ako," sabi ni Gabby sabay hila sa braso ng pinsan niya. Malapit na sila sa ground floor nang marinig nila ang boses ng secretary nito, halatang may kausap. May narinig siyang pamilyar na boses ng lalaki na biglang nagpasikdo sa puso niya.
Humigpit ang kapatid niya sa braso ni Dominic kasi nanlamig ang buong katawan niya. Imposibleng naroon ito sa Slade House, hindi ba? Wala itong rason para magpunta roon –
Isang hakbang pababa at tuluyan nilang nakita si Melissa at ang mga kausap nito. Parang may lumamutak sa sikmura ni Gabby nang mapunta sa kanila ni Dominic ang atensiyon ng guwapo at matangkad na lalaking kausap ni Melissa. Nagtagpo ang kanilang mga paningin at muntik na mawala ang composure niya.
Hindi siya prepared na makita at makaharap sa sandaling iyon si Jaime Diamante. They have a bad history together. Kung matatawag mang history ang isang gabing magkasama sila lampas isang taon na ang nakararaan.
BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romansa(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...