Part 9

5.2K 214 7
                                    

Umawang ang mga labi niya at napahawak sa batok si Jaime, mukhang natakot yata na na-offend siya. Pero mas na-focus siya sa fact na mukhang pinanood nito ang vlogs niya. Kaya bago pa ito makapag sorry ay tumawa na si Gabby at magaan na tinampal ang braso nito. Napaigtad ito at nalilitong pinagmasdan siya.

Matamis na nginitian niya si Jaime. "It's true that I love beautiful coffee shops. I indulge myself to such luxury when I feel like I deserve it. Pero hindi naman ibig sabihin 'non binabalewala ko na ang mas simple at mas murang mga bagay. Alam ko mahirap paniwalaan siguro kung sa akin galing pero hindi ako tumitingin sa presyo. Pagdating sa pagkain at inumin, basta masarap okay sa akin. Sa mga gamit naman basta fit sa taste ko, mura man iyon, walang problema sa akin."

Ilang segundong napatitig sa kaniya si Jaime bago ito nagsalita. "Naniniwala ako sa 'yo. Totoo na mukha kang out of reach sa vlogs mo pero ilang beses na kita nakasama at naniniwala ako sa nakikita ko ng personal kaysa sa napapanood ko sa internet."

Si Gabby naman ang napatitig sa mukha ng binata. May init na humaplos sa puso niya at kinailangan niya ikuyom ang mga kamao para huwag ito hilahin palapit at mariin itong halikan. Sa halip tumikhim siya at dumeretso na lang sa coffee dispenser para kumuha ng kape.

Naramdaman niyang sumunod sa kaniya si Jaime hanggang nakatayo na ito sa mismong likuran niya, sobrang lapit na nararamdaman niya ang init na galing sa katawan nito. Medyo nanginig ang kamay niya at nawala sa isip ang mainit na kapeng bumubuhos sa paper cup. Bagay na napansin ng binata kasi bigla nitong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa cup para i-steady iyon.

"Careful. Baka mapaso ka," sabi nito. Bahagya itong nakayuko kaya tumama ang mainit nitong hininga sa bandang sentido niya. Nakagat ni Gabby ang ibabang labi, lihim na pinapagalitan ang sarili sa nagiging reaksiyon niya.

"Kaya ko na. Thanks," mahinang sabi niya nang mapuno ang paper cup. Maingat siyang humakbang paatras para si Jaime naman ang makapaglagay ng kape sa sarili nitong cup.

May isang stainless table at apat na upuan sa labas ng convenience store kaya doon sila pumuwesto pagkatapos magbayad sa cashier. Mag aalas dose na nang gabi pero marami pa ring mga kotseng nakapark sa labas ng mga establishment sa magkabilang side ng malawak na kalsada. Palibhasa weekend kaya marami ang nag pa-party at gumigimik.

Ilang minuto na tahimik lang na umiinom ng kape sina Gabby at Jaime. Surprisingly, it was a comfortable silence. Hindi nga lang halata kung titingnan ang binata na mukha na namang galit.

"Okay ka lang?" basag niya sa katahimikan.

Kumurap si Jaime at tumingin sa mukha niya. "Oo. Bakit?"

"You look angry."

Bahagyang napaatras si Jaime at mukhang nagulat talaga. "Hindi ako galit."

"Sure?"

Mahinang tumawa ang binata at inilapag ang paper cup sa lamesa. "Oo nga. Bakit naman ako magagalit? Masaya pa nga ako dahil natulungan mo akong takasan ang mga kaibigan ko."

"Oo nga pala. Bakit gusto ka nilang itulak sa girls?" curious na tanong ni Gabby. "Alam ba nilang broken hearted ka dahil sa bestfriend mo?"

"Hindi ako broken hearted," defensive na sagot ni Jaime. Obvious siguro sa facial expression niya na hindi siya naniniwala kasi marahas na bumuntong hininga ito at sinuklay ng mga daliri ang buhok. "Seryoso. Hindi na. Pero bukod sa ayaw nila maniwala sa akin, nagiging pushy ang mga kaibigan ko kasi ako na lang daw ang single sa buong high school section namin. Sabi nila noong nag-aaral pa kami ako raw ang sa tingin nila magiging mabuting family man. So they think it's such a waste that I am the only one single right now."

Hindi pa lubos na kilala ni Gabby si Jaime pero may palagay siyang nagsasabi ng totoo ang mga kaibigan nito. Nase-sense niya iyon sa disposition at aura nito. Ang binata ang tipong magiging strict pero maalaga din at mabait. Sa kaniya nga lang na hindi nito ka-close ay palagi itong attentive, paano pa kaya sa taong importante at mahal nito?

Don't go there, Gabby. Tumikhim siya. "Baka masyado kang choosy," magaan na komento niya bago uminom ng kape.

"Nasa edad na ako na hindi na casual relationship ang hinahanap ko, Gabriela. I am looking for someone to spend the rest of my life with. Oras na matagpuan ko siya, kamatayan na lang ang maghihiwalay sa amin. Kaya dapat lang naman talaga na maging choosy ako."

Hindi nakapagsalita si Gabby at parang may lumamutak sa puso niya. Sobrang intense at seryoso ng mga mata ni Jaime. Sa sandaling iyon nasiguro niya na kapag na in love si Jaime, ite-treasure talaga nito ang babaeng iyon.

Bigla tuloy siya nakaramdam ng matinding pangungulila at lungkot kasi lately feeling niya hindi na niya mae-experience ang ganoong klase ng relationship. Iyong malalim talagang relasyon na nakikinita ninyo ang future ninyo na magkasama.

Gabby dated few men while she was in Paris. Pero siguro dahil pare-pareho silang mga nasa twenties pa noon kaya puro fun and flirting lang ang nasa isip ng mga naging boyfriend niya. Wala sa mga iyon ang seryoso at nag-isip na gusto siyang maging lifetime partner.

At ngayon, thirty three years old na siya. Wala na sa kalendaryo at kahit ang nanay niya nagiging desperada nang ipakasal siya sa kung sino. Gusto man niya ang taong iyon o hindi.

Karma mo 'yan, Gabby. Nang may taong handa kang iharap sa dambana, nagpaka gaga ka at tinakbuhan siya. Minahal ka niya ng husto pero sinaktan mo siya. Kaya ngayon, may iba na siyang mahal. At ikaw, naiwan kang hindi nakakatulog sa gabi sa sobrang anxiety at lungkot kapag naiisip mo ang posibilidad na tatanda kang mag-isa.

"Anong nangyari sa 'yo at natahimik ka na diyan?" biglang tanong ni Jaime at pumitik-pitik pa sa harapan niya para kunin ang kanyang atensiyon.

Kumurap si Gabby at pilit na ngumiti. "Napaisip lang ako na ang suwerte ng babaeng mamahalin mo uli, Jaime."

Tipid na ngumiti ang binata. "Base sa experience ko, milagro kung iyong taong gusto mo ay gusto ka rin. Kaya siguradong mas magiging masuwerte ako kung mamahalin din niya ako."

Kumirot ang puso ni Gabby. Bago pa niya makontrol ang sarili ay bigla na niyang sinabing, "Do you want to go out with me?"

Halatang na-caught off guard si Jaime. Napaatras ito, nanlaki ang mga mata at napanganga. "Ano?"

THE SOCIAL ICONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon