Tumango si Dean. "I should have asked for details. But I didn't. I let my parents do what they want as long as they will give me what I want."
Kumunot ang noo niya at biglang kinabahan. "Anong ibig mong sabihin? Surely pagkatapos mo malaman na ako pala ang babaeng obviously pinapartner nila sa 'yo, tatanggihan mo na ang kung ano mang pinaplano nilang gawin, 'di ba?"
"Bakit?" ni hindi kumukurap na tanong ni Dean.
Nanlaki ang mga mata niya. "Because I'm your bestfriend's ex-fiancee?"
"That has been a decade ago, Gabby."
Napanganga siya. "You will actually agree to this..."
"Arranged marriage? Yes."
"Bakit?" manghang tanong ni Gabby.
"Dahil may malaking kapalit ang pagpayag ko sa gusto nila na magsettle down na ako. I need the investment your parents promised I will get if I marry you," walang emosyong sagot ni Dean.
Para siyang sinampal sa sinabi nito. Sumikip ang dibdib niya na parang may malamig na kamay ang mahigpit na lumamutak sa puso niya. Ganoon na ba siya ka-hopeless sa paningin ng parents niya na kailangan siyang ibenta ng mga ito sa pamilya ni Dean?
Ang realization na hindi naniniwala ang parents niya na may lalaking pakakasalan siya na walang kapalit na pabor ay nagtanim ng self-doubt sa puso ni Gabby. Huli na ba talaga siya sa biyahe dahil thirty three years old na siya? Natapos na ba talaga ang moment sa buhay niya na desirable pa siya sa paningin ng mga lalaki? Hindi na ba talaga siya worth it mahalin? O totoo ba talaga ang paulit-ulit na sinasabi ng ex-friends niya last year na kinakarma daw siya kasi tinakasan niya ang dapat kasal nila ni Gray ten years ago?
Kumunot ang noo ni Dean habang nakatingin sa kaniya. Saka lang narealize ni Gabby na malapit na ito mag blurred sa kanyang paningin kasi namamasa na ang kanyang mga mata. Worst, bumukas na ang pinto ng VIP room at bumalik na ang mga magulang nila.
Parang nilamutak ang sikmura niya sa pagkataranta. Ayaw niyang makita ng lahat na mag breakdown siya. Kaya tumayo si Gabby at bitbit ang shoulder bag na nag excuse siya.
"Saan ka pupunta?" dudang tanong ng kanyang ina.
"Restroom," sagot niya at saka mabilis na lumabas ng VIP room. Totoo na nagpunta siya sa banyo para kalmahin ang sarili at mag retouch. Pero may iba pa siyang ginawa. Nagsearch siya sa internet ng puwedeng matuluyan kahit ilang linggo lang. Iyong malayo sa bahay nila pero madali pa rin bumiyahe papuntang Manila in case may events siyang kailangan puntahan.
Nangako siya sa sarili pagkatapos niya mag stay sa Paris ng nine years na hindi na niya iiwan uli ang mama niya. Pero sigurado siya na kapag nag stay siya sa bahay nila wala itong ibang gagawin kung hindi ipilit siyang ipakasal kay Dean. Sa state ng emosyon niya ngayon, magkakasagutan lang sila ng kanyang ina at lalo lang siya magi-guilty kasi masasaktan niya ang damdamin nito. Alam ni Gabby na kaduwagan ang balak niya gawin pero kailangan niya ng time na kalmahin ang sarili.
Mas kalmado na siya nang bumalik sa VIP room. May kumurot sa puso niya nang makita ang relief sa mukha ng mama niya. Siguro akala nito tumakas na siya at hindi na babalik pa. Umupo siya sa silya niya at hinayaang mag-usap over dessert ang mga nakatatanda. Hindi siya kumibo kahit pabiro nang nagbabanggit ng petsa ang mga ito. Tahimik lang din si Dean pero nararamdaman niyang inoobserbahan siya nito.
Nang sa wakas oras na para umuwi niyakap pa siya ng parents ng binata na para bang ready na talaga ang mga itong tanggapin siya bilang manugang. Pinapangako pa siya ng mga ito na dapat daw madalas ang date nila ni Dean para lalo daw nila makilala ang isa't isa. Pekeng ngiti ang naging sagot niya.
Pagdating nilang mag-ina sa bahay nila, nag ga-gush pa rin ito kung gaano kaguwapo, kakisig at ka-successful sa buhay si Dean McKinley. Tahimik lang si Gabby at hinayaan ito magsalita. Nang tumigil na ito at mapansing seryoso siya ay saka lang siya nagsalita.
"I will not marry him mama."
Nawala ang ngiti ng kanyang ina at tumigas ang anyo. "You will. It is going to be the wedding of the year. Sisiguruhin ko na ang atensiyon ng lahat ay sa magiging kasal ninyo."
Napailing si Gabby. "Mag a-out of town ako ng ilang araw. Pagbalik ko saka tayo mag-usap uli, mama. Baka sakaling finally pakinggan mo naman ako." Pagkatapos tumalikod na siya at mabilis na umakyat sa kuwarto niya.
"What? Saan ka pupunta? Hindi ka na naman uuwi dito? Gabriela?!" pahabol ng kanyang ina.
Kumirot ang puso niya nang marinig ang pagkataranta sa boses nito. Alam niya kahit kumakapit ito sa marriage nito, hindi komportable ang mama niya na ang tatay lang niya ang kasama sa bahay. Muntik na maglaho ang determinasyon niyang umalis. Kaso nang lingunin niya ang mama niya matalim ang tingin nito sa kaniya.
"Alam mo ba kung ano ang narinig ko mula sa mga amiga ko? Malapit na raw magpakasal ang ex-fiancee mo. Hindi ko hahayaang madagdagan ang kahihiyan mo, Gabriela. Kailangan mauna ka ikasal sa kaniya. At sa mas successful na tao. Dahil ang kahihiyan mo ay kahihiyan ko rin."
Uminit ang pakiramdam ni Gabby sa frustration at hinanakit. Puro na lang kasi ganoon ang nasa isip ng mama niya. Kumuyom ang mga kamao niya kasi nararamdaman niyang malapit na siya may masabing makakasakit pang lalo sa kanyang ina. Kaya mariin niyang kinagat ang ibabang labi, umiling at tumalikod na uli. Hindi na siya lumingon pa at halos tumakbo na papunta sa kanyang kuwarto.
Walang sinayang na oras si Gabby. Humila siya ng isang maleta at pinuno iyon ng mga damit at importanteng gamit niya. Ni hindi na siya nagpalit ng damit. Inalis lang niya ang high heeled shoes niya at nagsuot ng sneakers. Pagkatapos lumapit siya sa most treasured cabinet niya, binuksan iyon at hinaplos isa-isa ang Ikon albums niya.
"Sorry kailangan ko na naman kayo iwan dito," bulong niya. Nagtagal pa siyang nakatitig sa collection niya bago maingat na isinara ang cabinet at inilock iyon. Pagkatapos hinila na niya ang maleta niya palabas.
Sobrang tahimik na sa buong bahay nila, patunay na nagkulong na sa master's bedroom ang mama niya. Bumuntong hininga si Gabby at hindi rin naman nakatiis. Pinuntahan niya ito at kumatok sa pinto. "I'm going now!"
Walang sagot pero narinig niyang may kumaluskos sa loob, patunay na gising pa ang mama niya. Sandaling inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. "I love you, mama. I hope you know that."
Wala pa rin siyang nakuhang reaction. Bumuntong hininga na lang uli si Gabby bago umayos ng tayo at tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...