MAGAAN ang pakiramdam at kuntento ang puso ni Gabby kinabukasan. Kahit pilit siyang tumatanggi ay hinatid pa rin siya ni Jaime sa airport. Nakakatawa pa nga ang eksena nilang dalawa sa departure area bago niya i-check in ang maleta niya. Kung mag yakap kasi sila parang hindi ito uuwi sa Pilipinas kinagabihan din.
Nakasakay pa lang siya ng grab car pauwi sa bahay nila sa Bel-Air name-miss na niya agad si Jaime. Binuksan niya ang stan twitter account niya at nag direct message sa binata.
Hey @junhoehoho, grab car na ako pauwi sa bahay. Tulog ka ba? Namamasyal mag-isa? Kumain ka na?"
Hindi niya inaasahan pero nakita niya ang dots sa ibaba ng message niya, patunay na nagta-type ito ng reply.
Hi @BInfluence I was just about to message you. Nag eempake na rin ako. Will eat bago ako magpunta ng airport. Pahinga ka na paguwi mo sa inyo. See you soon. Miss na kita.
Kinilig si Gabby at nagreply ng 'miss you too' at 'I love you' bago ibinalik sa bulsa ang cellphone. Nakapasok na kasi sila sa subdivision at kailangan na niya ituro sa driver ang bahay nila.
Nawala ang saya niya at napalitan ng matinding panic nang pagpasok pa lang niya sa front door ng mansiyon ay humahangos na agad palapit sa kaniya si manang Levi at ang iba pa nilang kasambahay. Namumutla at halata ang takot sa mata ng mga ito.
"Anong nangyayari?" kabadong tanong ni Gabby.
Bago pa may makasagot sa mga kasambahay ay narinig na nila ang malakas, galit at hysterical na tili ng kanyang ina. Nanlamig siya at napatingala sa second floor ng bahay nila. Sumunod niyang narinig ang lagabog na parang may marahas na nagbukas ng pinto. Pagkatapos ingay na parang may mga binabatong gamit. May nabasag pa nga.
"Gabby, dumating kani-kanina lang ang papa mo at mula nang tumapak siya sa bahay nag-aaway na sila. Bata ka pa nandito na ako sa inyo anak, at marami na silang away na nasaksihan at narinig ko sa tagal ko dito. Pero ang iba ang ayaw nila ngayon. Iba ang galit ng mama mo. Natatakot ako na baka talagang magkapisikalan na sila. Tatawag na ba tayo ng tulong?"
"Sino ang tatawagan natin? Buong marriage life nila nag pretend si mama na masaya at perpekto ang relasyon nila?" pabuntong hiningang tanong ni Gabby.
Nag echo uli ang malakas na sigaw ng kanyang ina na sinundan ng lagabog ng mga gamit na tumatama sa sahig at pader. Naging alerto siya at nanginginig na dinukot ang cellphone nang marinig na rin niya ang galit at malakas na mura ng kanyang ama na sinundan ng matinis na tunog na para bang... para bang pisikal nitong sinaktan ang mama niya.
"Gabby," nanginginig na ang boses ni manang Levi at parang naiiyak na rin ang ibang kasambahay nila.
Niyuko niya ang cellphone, pilit pinapakalma ang sarili kahit nanginginig na ang buong katawan niya at umiinit na ang mga mata niya. Pinindot niya ang call button nang makita ang number ng pinsan niyang si Dominic at inilapit ang gadget sa kanyang tainga. Habang nag ri-ring iyon ay mabilis na siyang umaakyat ng hagdan. Habang palapit siya at palakas ng palakas ang sigawan, murahan at lagabog na para bang nagsasakitan na talaga ang parents niya ay gusto na bumigay ng mga tuhod ni Gabby.
What is happening? Please Dominic answer your phone.
Ilang baitang na lang siya sa second floor nang sa wakas marinig niya ang boses ng pinsan sa kabilang linya. Relieved at nanghihinang napahinto siya sa pag-akyat at napahawak sa railing. "'Nic, please come here sa bahay namin. I-I think my parents are trying to kill each other. Hindi ko sila kaya pigilan ng mag-isa lang ako."
"What?" Bigla narinig na naman niya nagmura ang papa niya at tinawag pa ng masasakit na salita ang mama niya. Sinundan iyon ng malutong na tunog na para bang may sinampal. Base sa pagmumura ng matandang lalaki ay nanay niya ang nanakit.
"C-can you hear it?"
"I'll be there in five minutes." Tinapos ni Dominic ang tawag. Nanginginig pa rin ang mga kamay na isinuksok niya uli sa bulsa ang cellphone at tumakbo na papunta sa parte ng second floor kung nasaan ang master's bedroom.
Napasinghap siya kasi bukas ang pinto at nagkalat sa hallway ang mga damit, maleta at iba pang gamit ng kanyang ama. May basag pang vase, ashtray at figurines sa sahig. Sa loob nagsasagutan at murahan pa rin ang mga magulang niya. Huminga ng malalim si Gabby at pumasok sa loob.
Pakiramdam niya huminto sa pagtibok ang puso niya nang makita ang eksena sa kuwarto. Nakasandal sa pader ang mama niya, halos punit-punit na ang paborito nitong satin night dress at robe, magulo ang buhok at... at sakal ito ng kanyang ama habang ang isang kamay ay nakakuyom at parang susuntukin ang mama niya.
Hindi alam ni Gabby kung paano nangyari, malamang dala ng adrenaline kasi sa isang kislap nakalapit na siya sa mga ito at ubod lakas na hinila palayo sa mama niya ang kanyang ama. "Let go of her!" tili niya.
Parehong nagulat ang parents niya. Nabitawan ng papa niya ang mama niya at halos tumilapon pa ito ng ilang metro palayo sa kanila. Kinilabutan si Gabby nang makitang pulang pula ang mga mata nito, malupit at galit ang ekspresyon at base sa singaw sa katawan ay lasing na lasing.
"What is happening here?" nanginginig ang boses na tanong ni Gabby, hindi inaalis ang tingin sa ama. "Ilang linggo kang hindi umuuwi at ito ang gagawin mo nang maalala mong may legal na pamilya ka pala?"
"Ang walanghiyang 'yan gusto iuwi dito sa bahay ang kabit niyang nabuntis niya!" sigaw ng kanyang ina sa paos na tinig. Napaubo pa ito at nang sulyapan niya ay nakahawak sa leeg na namumula. Pakiramdam ni Gabby na-drain ang dugo sa mukha niya nang marealize na talagang sinakal ito ng husto ng papa niya.
Matalim na nilingon niya ang matandang lalaki. "Are you kidding me? Wow papa, I thought you cannot get any worst but I was wrong."
Natutok sa kaniya ang masamang tingin ng papa niya. "Wala kang karapatan kausapin ako ng ganiyan Gabriela. Anak lang kita! Huwag ka makielam dito at magkunwari uli na wala kang alam. Diyan ka naman magaling 'di ba? Maglustay ng pera sa kung saan-saang bansa at umaktong perpekto na katulad ng nanay mo! Pareho kayong peke!"
Napanganga si Gabby at maagap na nayakap ang baywang ng kanyang ina nang magmura ito at akmang susugurin na naman ang asawa. "Ang kapal ng mukha mo. Don't talk to my daughter like that. I have enough of you, Carlos! Nagtiis ako ng ilang dekada sa 'yo. Kinaya ko balewalain ang mga pambabae mo pero hanggang dito na lang ang pasensiya ko sa 'yo. Hindi ko hahayaang pati katiting na respeto sa sarili na natitira sa akin tatapakan mo. I can't even believe you thought I will agree to live with your mistress. Wala ka talagang kupas sa kapal ng mukha mo! Get out of my house and see you in court dahil sisiguruhin kong ma-a-annul ang kasal natin sa lalong madaling panahon!"
Gulat na napatitig si Gabby sa kanyang ina. Hindi siya makapaniwala na maririnig niya ang matapang na mga salitang iyon mula rito. At mukhang ganoon din ang opinyon ng tatay niya kasi sarcastic itong tumawa.
"Annulment? Ikaw? Sa lampas thirty years na hiningi ko sa 'yo ang kalayaan ko hindi mo binigay. Dahil nabuntis ko ang girlfriend ko? Dapat pala noon ko pa ginawa."
Tinitigan ni Gabby ang kanyang ama at narealize sa hindi na niya mabilang na pagkakataon kung gaano ito kasamang lalaki. Kumuyom ang mga kamao niya lalo na nang maramdaman niyang na-tense ang kanyang ina. Alam niya kahit matapang ito ngayon ay labis itong nasaktan.
"Get out, papa," malamig na sabi niya kasi mukhang naumid ang dila ng kanyang ina, tahimik lang na tumulo ang mga luha. "Mula sa araw na ito hindi mo na puwede masaktan si mama. Hindi ka na puwede bumalik dito."
Naningkit ang mga mata ng matandang lalaki, namula ang leeg at humakbang palapit sa kanila, nakataas ang isang kamao na parang balak silang suntukin. Suminghap ang mama ni Gabby, sumiksik sa kaniya at pumorma na poprotektahan siya. Niyakap niya ang kanyang ina at tensed na hinintay tumama sa kanila ang suntok nito.

BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...