ILANG araw na maganda ang mood ni Gabby. Marami siyang natapos iedit na videos para sa youtube channel niya. Nakapag-update din siya sa blog niya at umattend ng ilang lifestyle at fashion events kung saan siya invited. Para siyang nakainom ng energy drink. Siguro kasi gabi-gabi bago siya matulog nakakapag usap sila ni Jaime sa cellphone. Nasa Bataan ito kapag weekdays dahil sa trabaho at thirty minutes lang sila nakakapag-usap pero sapat na iyon para maging masaya siya araw-araw.
Iyon nga lang, dahil busy siya sandali lang siya nakakasilip sa stan twitter account niya. Nag post lang siya nang umaga at nabalikan lang niya ngayong nagkaroon siya ng time tumambay sa coffee shop para mag kape.
@BInfluence: I can't believe I will find someone in real life who can make me feel alive the way Ikon does.
@babibunny replying to @BInfluence: what? what? Are you in love?
@yoyoyunhyeong replying to @BInfluence: what is this? @junhoehoho also posted something related to love life.
Attached tweet: @junhoehoho: I can now relate to Ikon's #WYD. I keep on thinking what she was doing today. I wonder where she is. Is she busy? Can I call her? Would she mind?
Gulat na napatitig si Gabby sa screen ng cellphone niya. Hindi lang dahil may pagkakapareho nga sila ni junhoehoho kung hindi dahil ngayon lang niya nalaman base sa post nito na lalaki pala ito. Halos lahat ng mga nasa stan twitter ay babae kaya inassume niyang ganoon din lahat ng mutuals niya. Sobrang rare na may fanboy lalo at boy group ang Ikon. Napangiti tuloy siya at lalong naging thankful sa existence ni junhoehoho sa twitter.
Kaya pinadalhan niya ito ng direct message para kamustahin ito. If you need advice you can always ask me. smiley face.
Nakatitig siya sa screen ng cellphone niya dahil hinihintay niya kung sasagot si junhoehoho pero biglang may nag appear na ongoing call. Nawala ang ngiti ni Gabby kasi mama niya ang tumatawag. Huminga siya ng malalim bago iyon sinagot.
"Where are you?" tanong agad ng kanyang ina.
"Work."
"Don't lie to me. Alam kong tapos na lahat ng event na pinuntahan mo ngayong araw."
Napabuntong hininga na naman siya. Hindi na siya nagtaka na alam nito lahat ng lakad niya sa araw na iyon. Masyado itong maraming kakilala na siguradong nagsasabi dito bago pa man siya maimbitahan sa events. "Bakit ka po napatawag, mama?"
"Let's have dinner together. Hindi pa tayo nakakakain sa labas na magkasama mula nang bumalik ka galing sa Malaysia," sagot nito.
Nagulat si Gabby kasi hindi niya ineexpect na iyon ang sasabihin nito. Nawala tuloy ang tensiyon niya at lumambot ang puso. "Saan?" tanong niya sa mas malumanay na tono.
Sinabi ng mama niya ang pangalan ng restaurant kung saan daw ito nagpareserve para sa kanila. Malapit lang iyon sa kung nasaan siya ngayon. "Okay. I'll be there."
Kahit hindi niya nakikita sigurado si Gabby na ngumiti ang mama niya bago nagpaalam at tinapos ang tawag. Inilapag niya sa lamesa ang cellphone. Nang makitang hindi nagrereply si junhoehoho ay isinara na niya ang twitter app at nag focus na lang sa iniinom na kape.
Alam niya na mali pero medyo nadismaya siyang hindi ito nagreply. She really likes chatting with him not only about their favorite kpop group but also about other things too.
Sinabi na lang ni Gabby sa sarili na malamang busy ito sa trabaho. Napansin niya na mas active ang lalaki sa twitter kapag gabi kaysa sa araw. Baka sa opisina ito nagtatrabaho na may specific working hours sa isang araw. Hindi katulad niya na flexible ang trabaho. Nang maisip iyon, naging okay na uli ang pakiramdam niya.
Ilang oras pa siyang tumambay sa coffee shop bago bumiyahe papunta sa fine dining restaurant kung saan sila mag di-dinner ng kanyang ina. Pagpasok niya nilapitan siya agad ng manager at ngumiti. "Miss Gabriela Roman? This way, please."
Kumunot ang noo ni Gabby nang lampasan nila ang lahat ng bakanteng lamesa at magpunta sa pinakadulong parte ng restaurant. Lalo siya nagtaka nang huminto sila sa tapat ng VIP room. Silang dalawa lang naman ng mama niya ang mag di-dinner kaya bakit kailangan iyon pa ang ipareserve nito?
Kumatok sa pinto ang manager ago iyon binuksan. "Miss Gabriela is here now, ma'am."
"Great. Just in time," narinig niyang sabi ng kanyang ina mula sa loob ng VIP room.
Nginitian na naman siya ng manager. "Congratulations," sabi pa nito bago naglakad palayo. Manghang napasunod siya ng tingin sa babae. What? Congratulations? Para saan?
Saka lang naging aware si Gabby na may iba pang mga boses na galing sa loob ng VIP room. Napaderetso siya ng tayo at nanlamig na lumingon sa bahagyang nakabukas na pinto. Bigla gusto niyang tumakas na lang. Pero alam niya na magagalit ang kanyang ina kapag ginawa niya iyon. Kasi mapapahiya ito sa mga taong nasa loob ng VIP room.
Kaya kahit pakiramdam niya may nakadagan sa dibdib niya ay huminga na lang siya ng malalim at tuluyang pumasok sa silid. Napalingon sa kaniya ang mama niya pati na rin ang tatlong taong kasama nito. Obvious na mag-asawa ang matandang lalaki at babae. Pero sandali lang niya tiningnan ang mga ito kasi natutok ang buong atensiyon niya sa guwapong lalaki na nakaupo sa espasyo na katapat ng bakanteng upuan na para sa kaniya. Nakayuko ito sa cellphone at nag ta-type, mukhang bored at pinilit lang din na magpunta roon.
"Gabby. Thank God you came on time," masiglang sabi ng mama niya. "Come here. Ipapakilala kita sa amiga ko at sa mag-ama niya."
Humakbang palapit si Gabby kahit ang totoo gusto na talaga niya mag walk-out. Lalo na nang tumigil sa pagta-type sa cellphone ang anak ng amiga ng mama niya at tumingala. Halatang nagulat din ito nang marecognize siya.
Shit, this is so awkward.
"Gabby, this is Mr and Mr Mckinley. Sila ang may-ari ng Starscope Productions. I know baka hindi ka familiar since classical music ang paborito mo pakinggan but they organize concerts and events." Muntik na mapa-eyeroll si Gabby sa sinabing iyon ng kanyang ina. You don't really know what I listen to, mama.
"Siya ang anak nila, si Dean. Dean, this is my daughter, Gabriela," patuloy ng mama niya, kumikinang ang mga mata at may proud na ngiti sa mga labi.
Nagkatinginan sila ni Dean. Katulad niya mukhang hindi rin nito alam kung paano mag re-react.
"Wait, don't tell me magkakilala kayong dalawa?" tanong ng nanay ni Dean, nanunudyo ang mga mata at may masayang ngiti sa mga labi. Hindi rin nakaligtas kay Gabby ang naging palitan ng tingin nito at ng mama niya.
Yeah. Bestfriend lang naman siya ni Dominic at ng ex-fiancee ko. Yay! Thankfully hindi lumabas ang sarcastic na mga salitang iyon sa bibig niya. Sa halip tipid na ngumiti si Gabby at sinabing, "We studied in the same university."
"Oh really? That's great then. Hindi na kayo total strangers sa isa't isa," masayang sabi ng mama niya.
Hindi kumibo si Dean. He has always been the quiet type. Hinila siya ng kanyang ina na umupo sa tapat ng binata at tahimik na lang din siyang tumalima. Sa buong durasyon ng dinner ang mga nakatatanda lang ang masaya ang pag-uusap. Paminsan-minsan sumasagot si Gabby kapag sa kaniya nakatutok ang atensiyon ng parents ni Dean at sumasagot din naman ang binata kapag may tanong ang mama niya. Kahit sino makakahalata na mina-matchmake sila ng mga magulang nila.
Pagkatapos ng main course at habang hinihintay ang dessert, tumayo ang mama ni Gabby kasi gagamit daw ito ng restroom. Hindi na siya nagtaka nang pati ang parents ni Dean magpaalam din. Kaya naiwan silang dalawa sa loob ng VIP room.
"Hindi ko naisip na sa ganitong pagkakataon tayo magkikita uli," basag ni Gabby sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romansa(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...
