UMUPO sa katabing bar stool ni Gabby ang binata. Nagkiskis ang mga braso nila at pareho silang parang napasong umatras palayo. Matalim ang tingin nila sa isa't isa. "Go away," inis na sabi niya rito.
"No. Mapapahamak ka kung balak mo maglasing dito na walang kasama. Hinuhubaran ka na sa tingin ng mga lalaki sa paligid mo," sagot ni Jaime sa inis at sarkastikong tono bago inalis ang tingin sa kaniya at kinuha ang atensiyon ng bartender. Umorder ito ng alak.
Kumunot ang noo ni Gabby. "Sinundan mo ba ako?"
Umismid si Jaime, ni hindi humarap sa kaniya nang sulyapan siya at sumagot, "Masyado kang bilib sa sarili mo, miss. Gusto ko rin uminom at ito ang pinakamalapit na bar sa Slade House. Sa iyo ako nagulat na nandito ka. Hindi ba masyadong maliit at simple ang lugar na ito para sa 'yo?"
Naningkit ang mga mata ni Gabby dahil obvious na insulto ang sinabi nito. "Wala kang pakielam kung saan ko gusto uminom. Don't talk to me." Pagkatapos itong irapan ay nag focus na siya sa pag-inom. Hindi na nga nagsalita si Jaime at naging abala na rin sa alak na nasa harapan.
Hindi alam ni Gabby kung ilang oras na ba ang lumipas o kung paano nangyari. Basta sa lango at galit nilang mga boses nagsimula sila mag-usap. Jaime revealed he actually asked Arci to marry him. Pero dumating na raw sa buhay ng bestfriend nito si Gray. Pero hindi kay Gray galit si Jaime kung hindi sa sarili nito kasi masyado raw ito naging secured sa closeness nito at ni Arci. "I was a coward. No wonder she fell in love with someone else. Wala akong ibang puwede sisihin kung hindi sarili ko lang."
His grief and regret spoke to her soul. Kasi ganoon din ang nararamdaman niya. Kaya nag open up din si Gabby kahit na obvious namang hindi nila gusto ang isa't isa. Ni hindi rin niya alam kung nakikinig ba ito habang sinasabi niya ang tungkol sa relasyon nila ni Gray noong college sila hanggang nang takasan niya ang kasal nila. Kung paano siya nagpunta ng Paris na mag-isa at na expose sa isang mundo na outside of her comfort zone. Kung paanong maraming beses niya sinubukan umuwi at humingi ng tawad kay Gray. Pero naunahan siya ng kaduwagan at takot harapin ang galit nito.
Inabot sila ng pagsasara ng bar at sapilitan silang pinalabas ng mga bouncer kasi ayaw nila tuminag sa pagkakaupo. Patulak ang ginawa ng bouncer kaya muntik na siya masubsob sa kalsada. Mabuti na lang nasa likuran niya si Jaime na maagap na nahawakan ang magkabilang braso niya. Napasinghap siya nang mapasandig ang likuran niya sa katawan nito. "Careful. Sayang ang magada mong mukha kung masusubsob ka at masusugatan."
Nanayo ang mga balahibo ni Gabby dahil sinabi nito iyon sa bandang tainga niya kaya tumama ang mainit nitong hininga sa sensitibo niyang balat. May kuryenteng humagod pababa sa puson niya at bigla naging extra aware siya sa katawan ni Jaime na nakadikit sa kaniya.
Humakbang siya paatras at marahas na tinulak palayo ang binata. Halatang nagulat ito sa ginawa niya. "Anong problema mo?" kunot noong tanong nito.
Alam niya nagiging ungrateful siya. Pero katulad ng pain, itinago din niya ang sexal awareness na naramdaman niya para rito sa pamamagitan ng galit. Itinaas niya ang noo. "Ang bestfriend mo ang problema ko. Dahil sa kaniya kaya ayaw na makipagbalikan sa akin ni Gray!" Pagkatapos lumakas ang boses niya at itinuro si Jaime. "Kasalanan mo rin! Torpe ka kasi kaya naunahan ka ni Gray! Kung matapang ka lang at hindi torpe baka mag-asawa na kayo ngayon at may chance pa kami makipagbalikan."
Hindi pa tapos magsalita si Gabby alam na niyang mali siya ng sinabi. Parang nilamutak ang sikmura niya nang makitang nagdilim ang facial expression nito. Sa isang iglap nasa harapan na niya ito at nahawakan na nito ang lower arm niya. Napasinghap siya nang hilahin siya nito palayo sa entrada ng bar at marahas na isinandal sa gilid na pader ng establisyemento. Madilim at makipot sa parteng iyon dahil sa mataas ding pader nang katabing restaurant na kanina pa sarado. Halos magkadikit ang mga katawan nila at tumatagos sa balat niya ang init na nagmumula sa binata.
BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...