MAAGA gumising si Gabby para mag jogging isang linggo pagkatapos ng gabing nag dinner sila ni Jaime nang magkasama. Nakakailang hakbang pa lang siya pababa sa grand staircase nang makarinig siya ng malakas na ingay mula sa second floor. Napahinto siya nang maulit ang ingay na para bang may binabatong gamit. Sinundan iyon ng sunod-sunod na tunog ng mga nababasag na kung anu-ano.
Kumuyom ang mga kamao niya at mariing tumikom ang mga labi. Here we go again. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nang nasa second floor na siya hindi na lang mga hinahagis na gamit ang naririnig niya, pati na rin ang matinis at galit na sigaw ng kanyang ina. She was cursing hysterically at Gabby's father. Tama siya ng hinala na nambabae na naman ang papa niya at nahuli na naman ito ng kanyang ina.
Nang mapalingon si Gabby sa opposite wing ng master's bedroom nakita niya ang dalawang kasambahay na curious na nakasilip at nakikinig. Mamaya lang siguradong topic na naman ng chismis ng mga kasambahay sa buong subdivision nila ang away ng mag-asawa. Napahinga siya ng malalim at imbes na dumeretso sa ground floor ay naglakad siya palapit sa kuwarto ng parents niya. Sa gilid ng kanyang mga mata nakita niyang gulat na nagsipag-alisan ang mga kasambahay.
Mas malakas ang sigawan at murahan na naririnig ni Gabby nang nakatayo na siya sa mismong harapan ng master's bedroom. Humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya bago itinaas ang noo at malakas na kumatok.
Biglang huminto ang ingay sa loob. Pagkatapos nakarinig siya ng kaluskos at yabag ng mga paa hanggang dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip ang kanyang ina.
Magkahalong frustration, inis at awa ang naramdaman ni Gabby nang makitang hinihingal ang mama niya, magulo ang buhok, lukot ang pantulog na suot at namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak. "Gabby?" gulat na usal nito sa paos na tinig. "Kailangan ka pa dumating?"
Ah. Masyado itong abala sa bagong kabit ng tatay niya kaya ni hindi nito alam na ilang araw na siyang nakabalik sa bahay nila. "Ano na namang nangyayari sa inyo?"
"Nothing," mabilis na sagot ng mama niya at pilit na ngumiti. Tumaas ang kilay ni Gabby at lumampas ang tingin sa balikat nito. Nakita niya ang papa niya na magulo rin ang buhok at may bakas ng kalmot sa pisngi. Sa isang panig ng master's bedroom nagkalat ang basag na mga vase, baso at cellphone. Wala ni katiting na guilt sa mukha ng kanyang ama. Katunayan sinalubong pa nito ng tingin ang kanyang mga mata at galit na sumigaw, "Don't look at us! Get out!"
Kaya nilingon ito ng mama niya at sumigaw. "Don't shout at my daughter you asshole!" Pagkatapos humakbang palabas ng master's bedroom ang kanyang ina at pabagsak na isinara ang pinto. Narinig niyang nagmura rin ang tatay niya mula sa loob pero ni hindi kumurap ang mama niya.
Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha, dumeretso ng tayo at ngumiti na para bang hindi malaking failure ang marriage nito sa nakaraang tatlong dekada. Adelaida Marquez-Roman suddenly looks regal and composed like the former beauty queen that she is.
"Are you going to work out this morning?" Tumango si Gabby at seryosong sinalubong ng tingin ang mga mata nito. Mukhang alam nito kung ano ang sasabihin niya kasi umiwas agad ito at ngumiti. "Come back after lunch. A high society magazine asked me for an interview and family photoshoot. I accepted it."
Lalong uminit ang ulo ni Gabby. "Hanggang kailan tayo aaktong perpektong pamilya, mama?"
Sumeryoso ang kanyang ina at itinaas ang noo. "Hanggang kaya ko, sweetheart. Now, be sure to visit a salon after mo mag workout and choose your best outfit for the photoshoot. See you later, love."
Tumalikod na ang mama niya at pumasok uli sa master's bedroom. Uminit ang magkabilang gilid ng kanyang mga mata at marahas na bumuntong hininga. Pagkatapos mabigat ang pakiramdam na naglakad siya palayo sa master's bedroom at deretso palabas ng kanilang bahay.
SABI nila may rose-colored filter daw ang social media. Ibig sabihin may tendency daw na best version lang ng mga buhay nila ang ipinopost ng mga tao sa internet. Madalas pa nga, gumagawa pa ng sarili nilang version ng reality para lang makasabay sa tila ba 'perpektong' buhay ng friends sa facebook o finafollow sa instagram.
Pero hindi pa uso ang social media, ganoon na ang ginagawa ng mama ni Gabby. Bata pa lang siya, narealize na agad niya na hindi maganda ang relasyon ng parents niya. Palaging nag-aaway ang mga ito at sa totoo lang noong teenager siya naisip niya na ano mang sandali maghihiwalay na ang mga ito. Pero hanggang ngayon walang na fa-file na annulment. Instead, her mother created an image of having a perfect marriage and a perfect family life. Dahil galing sa isang mayamang pamilya, dating beauty queen at may tinatamasang above average na kasikatan, may sense of pride si Adelaida Marquez-Roman. Lumolobo ang ego nito kapag kinakainggitan ng marami ang buhay nito.
Kaya sa hapon na iyon, para sa hindi na mabilang na pagkakataon ni Gabby, nagpictorial na naman sila na para bang sila na ang pinakamasaya at pinakapinagpalang pamilya sa buong Pilipinas. Ni hindi niya alam kung paano nasisikmura ng parents niya magmukhang in love sa isa't isa kahit hindi naman iyon totoo.
Worst, mukhang balak pa siya idamay ng mommy niya sa 'perfect image' na pinepresenta nito sa madla. Kasi pagkatapos ng interview at photoshoot, bago siya makatakas sa parents niya ay na-corner na siya ng kanyang ina.
"You can't go yet. May dinner tayo kasama ang pamilya ng amiga ko. Dumating na ang anak niya galing sa isang business conference sa US. We've been meaning to make you and her son meet each other. It's time for you to get married, Gabby."
Hindi niya napigilan matawa. Naiiling na humakbang siya paatras hanggang mabitawan nito ang braso niya. "Mama, wala akong plano maging trophy wife ng kung sino kahit gaano pa siya kayaman. I don't want to get emotionally abused and get cheated on for the rest of my life." Ayokong maging katulad mo.
Tumigas ang facial expression ng mama niya at itinaas ang noo. "At ano ang gusto mong gawin? Patuloy na habulin ang ex-fiancee mo? Akala mo ba hindi nakarating sa akin na nagpaka-cheap ka at humabol sa lalaking 'yon? Don't embarrass yourself anymore and just do what I say."
Kumuyom ang mga kamao ni Gabby at uminit ang magkabilang pisngi dahil sa sobrang pagrerebelde na bigla niyang naramdaman. "Mama, I love you but I am sorry. My answer is no." Tumalikod na siya at mabilis na naglakad palayo bago pa siya nito mapigilan.

BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...