UMUWI na lang kaya ako? Pabuntong hiningang naisip ni Gabby few hours later habang nakapuwesto sa bar counter ng bagong club ni Dominic. Kanina pa umalis ang pinsan niya kasama ang secretary nitong si Melissa. Isang linggo lang niyang hindi nakita ang dalawa pero ang laki na agad nang naiba sa atmosphere sa pagitan ng mga ito. Masyado niyang kilala ang pinsan niya para masigurong may feelings ito para sa secretary nito.
Masaya siya na mukhang nakakita na si Dominic ng babaeng mamahalin talaga nito at seseryosohin. Pero at the same time nalungkot din si Gabby kasi... magiging mag-isa na lang talaga siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso ng alak na kanina pa niya inorder. Inubos niya ang laman niyon at nagdesisyong umalis na talaga. She tends to do crazy and reckless things when she gets lonely. Isa pa higit na mas marami na ang tao sa loob ng club kaysa kanina kasi pinayagan na pumasok ang walk-in customers.
Tumayo na si Gabby mula sa high stool nang bigla siyang may marinig na masayang tawanan ng mga lalaki. Base sa papalakas na boses ay mukhang palapit sa bar counter ang mga ito.
"Minsan lang tayo magkita kaya pagbigyan mo na kami, Jaime!"
Tumalon ang puso ni Gabby at napaderetso siya ng tayo. Lumingon siya at gulat na napanganga nang makita nga ang binata na ilang metro na lang ang layo mula sa puwesto niya. May kasama itong tatlong lalaki na mukhang mga barkada nito. Maganda ang ngiti sa mukha ni Jaime at naniningkit pa ang mga mata sa saya. It was an expression she never saw in his face when he was with her. He looks so beautiful it almost took her breath away.
Pero napakurap siya nang biglang mapalingon sa direksyon niya ang binata at magtagpo ang kanilang mga paningin. Nawala ang ngiti nito at bumakas ang pagkagulat sa mukha. Bumagal din ang lakad nito at parang hindi alam kung magpapatuloy sa paglapit o lilihis ng daan. Mukhang hindi napansin ng mga kaibigan nito ang reaksiyon ni Jaime kasi sandali pa tuluyan nang nakalapit sa bar counter ang mga kaibigan nito at tinawag ang atensiyon ng bartender para umorder ng maiinom.
Alam ni Gabby dapat na talaga siyang umalis pero parang ipinako ang mga paa niya sa sahig. Nakita niyang huminga ng malalim si Jaime at para bang nakarecover na sa pagkagulat na bumilis na uli ang mga hakbang. Sandaling nakaramdam siya ng kaba na baka magkunwari itong hindi siya nakita. Sumeryoso na naman kasi ang facial expression nito at mukha na namang annoyed.
Kaya magkahalong relief at pagkagulat ang naramdaman niya nang huminto sa mismong harapan niya si Jaime. Hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata na bahagya itong yumuko hanggang magkalapit ang mga mukha nila. Siguro para magkarinigan sila sa kabila ng ingay sa paligid kasi mayamaya tipid na umangat ang gilid ng mga labi nito at nagsalita, "Nagkita na naman tayo."
"Yeah. It's so weird," wala sa loob na sagot ni Gabby.
Nagulat siya nang biglang matawa si Jaime. Napaka-genuine at unexpected ng reaction nito na walang nagawa si Gabby kung hindi matulala lang habang nakatitig dito. Hindi masyadong maliwanag sa loob ng club pero salamat sa yellowish lighting ng bar counter area kaya malinaw niya nakikita ang mukha nito. She will regret it if she wasn't able to see his beautiful laughing face.
"May nakita kang kakilala mo, Jaime?"
Sabay na napalingon sila ng binata nang halos sabay-sabay na magsalita ang tatlong kaibigan nito. Nakatingin na ang mga ito sa kanila at hala ang curiousity sa mga mukha.
"Oo. Magkakilala kami," sagot ni Jaime.
"Paano? Saan? Kailan? Bakit wala kang nakuwento?" sunod-sunod na tanong ng mga lalaki na tuluyan nang lumapit sa kanila. Hindi na rin nahihiya ang mga itong tingnan siyang maigi. Hindi naman nakaka offend ang titig ng mga ito at friendly naman ang mga ngiti, halatang curious lang talaga.

BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...