Uminit ang magkabilang pisngi ni Gabby. Medyo na offend siya sa reaction nito. Na para bang never sumagi sa isip nito na i-consider siya bilang potential lover nito. Pero ngayong nasabi na niya iyon ng malakas, lalo siyang naging determinado. She leaned over the table so she can get closer to him. Then she smiled confidently. "Why not? Pareho naman tayong single. Saka kung magiging choosy ka, hindi ba dapat may pagpipilian ka muna? Why don't you give me a try?"
Napailing si Jaime. "No. It won't work."
Nasaktan si Gabby pero hindi pinahalata. "Bakit naman? Kung hindi natin isasama ang naging away natin noong una tayong nagkakilala, okay naman tayo 'di ba?"
Mukhang sasagot si Jaime pero biglang tumunog ang cellphone nito. Napaderetso tuloy ng upo si Gabby, mariing itinikom ang mga labi at hinayaan itong makipag-usap sa tumawag.
"Nasa malapit lang ako. Sige papunta na ako diyan."
Nalaglag ang mga balikat niya nang pagkatapos ng tawag ay tumayo na si Jaime. "Nasa parking lot pa rin ng club ang kotse mo 'di ba? Let's go back. Nag-aaya na umuwi ang mga kaibigan ko. Isa lang ang sasakyan na dinala namin at nakainom na sila lahat kaya ako ang magmamaneho."
Napanganga si Gabby at maiinis na sana pero lumapit ito sa tabi niya at inilahad ang kamay para alalayan siya makatayo. Nireject siya nito pero hindi pa rin nakalimutan ang pagiging gentleman. Nakakainis. Pero siyempre inabot niya ang kamay nito at hindi binitawan kahit nang nakatayo na siya. Katunayan pinisil pa nga niya iyon. Pagkatapos pinagtama niya ang mga paningin nila.
"Ayaw mo talaga sa suggestion ko?"
"Gabriela," pabuntong hiningang sagot ni Jaime.
"Why not? We enjoy talking to each other. Hindi ka naman siguro nabo-bore na kasama ako. And if we start dating we will learn more about each other. Sigurado na rin tayo na compatible tayo physically kasi –"
"Stop," mabilis na pigil ni Jaime sa sasabihin pa niya. Inilapat pa nito ang hintuturo sa mga labi niya. Muntik na siya manlamig nang makitang mukha na naman itong galit. Pero this time may iba pa siyang napansin. Namumula ang magkabilang tainga at leeg nito. "Are you getting shy?" manghang bulong niya habang nakalapat pa rin ang darili nito sa kanyang mga labi.
Nagsalubong ang kilay nito, sumimangot at humakbang paatras. "Puwede bang kalimutan mo na ang nangyari noon? I'm sure it was not a good memory for you." Humakbang uli paatras si Jaime hanggang mabitawan na niya ang kamay nito. Hinawakan naman nito ang siko niya at hinila na siya para maglakad pabalik sa club kung saan nila iniwan ang mga kotse nila.
Tahimik lang sila pareho habang naglalakad. Saka lang nagsalita si Gabby nang ilang metro na lang sila mula sa parking space ng club. "It was not really a bad memory, you know."
Naramdaman niyang na-tense si Jaime at napayuko sa kaniya. Tiningala niya ito. "It's true that I hated you for the past one year because of that night. Totoo rin na sumama ang mood ko nang magkita tayo sa Slade House last week. At dahil pareho tayong galit nang una tayong magkita, akala ko katulad ko hindi mo na rin ako gusto makita pa uli. So I thought you were angry when you saw me at Slade House too."
"Hindi ako galit nang magkita tayo last week," pabuntong hiningang sagot ni Jaime. "Bakit ba palagi mo sinasabing galit ako," dugtong nito sa mas mahinang tinig.
Tiningala ni Gabby ang binata at pinakatitigan ang mukha nito. Namumula pa rin ang magkabilang tainga nito. Napangiti siya. "Alam ko na ngayon na may resting bitch face ka lang talaga. Na kapag mukha kang galit, nahihiya ka lang."
Nakarating na sila sa parking lot ng club nang huminto sa paglalakad si Jaime at pumihit paharap sa kaniya. Mukhang magpoprotesta ito sa naging observation niya kaya inunahan na niya ito magsalita. "Basta ang gusto ko lang sabihin ay hindi masamang alaala para sa akin ang nangyari more than one year ago, okay? I enjoyed it. Ikaw ba?"
Hindi na naman maipinta ang mukha ng binata at namumula na naman ang magkabilang tainga. Hindi na intimidated si Gabby. Katunayan ngumisi pa nga siya. "I'm sure you did."
"Umuwi ka na nga," sagot ng binata at iniwas na ang tingin sa mukha niya. Tuluyan nang natawa si Gabby. Pinisil ni Jaime ang siko niyang hawak pa rin nito bago maingat siyang hinila palapit sa kotse niya. Na-touch siya sa isiping natatandaan nito ang hitsura ng sasakyan niya kahit last week lang naman nito iyon nakita. "Sige na. Uwi na."
"Wait lang," sabi ni Gabby sabay hawak sa braso ni Jaime. "Bago ako umalis puwede ba akong mag request?"
"Ano iyon?"
Huminga siya ng malalim at pinagtama ang kanilang mga paningin. "Give me your cellphone number."
Ilang segundong napatitig sa mukha niya ang binata bago ito marahas na bumuntong hininga at napahawak sa batok. "I was just about to ask you. Inunahan mo ako."
Nahigit ni Gabby ang hininga at may init na humaplos sa dibdib niya. Humigpit din ang hawak niya sa braso nito. "Ang cute mo."
Umiling-iling si Jaime. "Masyado na akong matanda para sa description na iyan. Pahiram na nga lang ng cellphone mo."
Natawa siya. Gusto sana niya sabihin na wala sa edad ang pagiging cute at adorable pero nagpigil siya. Sa halip inabot na lang niya rito ang gadget at pinanood ito habang inilalagay ang cellphone number sa contact list niya. Ibinalik nito sa kaniya ang gadget nang mai-missed call nito ang sariling numero para naman makuha ang number niya.
"Thank you, Jaime," sincere na sabi ni Gabby.
Napatitig sa mukha niya ang binata bago ngumiti. "Sige na. Umuwi ka na. May pakiramdam ako na kanina pa nasa pinto ng club ang mga kaibigan ko at nakasilip sa atin. Hindi sila lalapit hangga't hindi tayo naghihiwalay."
Gulat na napasulyap si Gabby sa entrada ng club. Napanganga siya nang makitang nakasilip nga ang tatlong kaibigan ng binata. Mabilis na nagsipagtago ang mga ito nang mapansing nakatingin siya. Natatawang ibinalik niya ang atensiyon kay Jaime. "Sige na. Aalis na ako. Good night."
"Good night –"
Hindi nito natuloy ang sasabihin. Tumingkayad na kasi siya at hinalikan ito sa pisngi. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at nanlalaki lang ang mga matang napatitig sa kaniya. Masuyo niya itong nginitian bago tuluyang lumayo rito.
"Bye," huling paalam ni Gabby nang nakasakay na siya sa kotse niya at buhay na ang makina.
Tango lang ang naging sagot ni Jaime, nakasunod lang ng tingin sa kaniya. Nginitian niya ito ulit at kinawayan. Pagkatapos tuluyang pinaandar ang sasakyan palayo. Ngiting ngiti si Gabby buong biyahe pauwi. It has been so long since she felt this giddy. Akala niya hindi na siya makakaramdam uli ng kilig. Pero hayun siya, napapahagikhik kapag dumadaan sa isip ang guwapong mukha ni Jaime Diamante.

BINABASA MO ANG
THE SOCIAL ICON
Romance(sequel to THE LATE BLOOMER and THE ASSISTANT) Isang taon ang nakararaan nagkaroon ng one night encounter sina Gabby Roman at Jaime Diamante. Pareho silang heartbroken noon at may nagawang sigurado si Gabby na pareho nilang pinagsisisihan. Kaya sob...