Chapter 5

98 7 9
                                    

(bella)

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ang huling pagpasok namin para sa linggong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ang huling pagpasok namin para sa linggong ito. Sakto lang ang gising ko para makapaghanda ng sarili ko.

Ginawa ko lang ang dapat at inayos na ang mga gamit ko. Chineck ko kung kompleto at para narin wala akong makalimutan. Kinuha ko ang mini notebook ko mula sa study table para tingnan kung may nakalimutan pa ba ako. Palagi ko kasing nino-notes ang mga homeworks at activities na kailangan kong gawin. Ganoon din sa mga dapat dalhin at with deadline pa.

Binuklat ko iyon at binasa ang laman.

"Major, major, hmm.." Bulong ko pa. Puro major ang may kailangang gawin.

Bakit parang may nakalimutan pa ako? Muli kong binasa ang mga nakasulat. Maya-maya lang ay may naalala ako.

"Please bring at least one flashdrive for every group."

Ay oo! Hindi ko na naisulat yun dahil busy kami that time sa pag-uusap para sa magiging presentation namin. Buti na lang naalala ko.

Naghanap ako sa cabinet ko pero wala. Dalawa lang kasi ang flashdrive namin.

Bigla namang pumasok sa isip ko na hiniram nga pala ng kapatid ko yun nung bakasyon. Magcocopy daw ng movies eh. Dali-dali naman akong nagtungo sa silid nya at nagsimulang maghalungkat sa ilalim ng computer set nya. Meron kasing plastik na basket doon.

Bingo!

Kinuha ko iyon at ibinulsa. Lalabas na sana ako nang maagaw ng buong kwarto ang atensyon ko. "Bakit kakaiba yata ang kwarto nato ngayon?" Tanong ko at nagsimulang umuli sa loob ng silid.

Inabot ko ang cover ng kama at inamoy iyon. Ganoon din sa mga kurtina at iba pang tela. Amoy fabric conditioner. Ibig sabihin bagong palit. Muka ring hindi ako familiar sa kulay ng kwarto. Nagtataka man ay pinili ko naring lumabas.

Naglilinis lang naman si mama ng kwartong iyon kapag dito magsestay si kuya.

"Imposible naman." Nasabi ko pa habang naglalakad pababa. Imposible dahil start na ng klase. Lalo na at sa Tokyo sya nag-aaral. Kasam nya si papa doon.

Kunot na kunot ang noo ko nang tuluyan ko nang marating ang kusina. Nadatnan ko si mama na naghahain ng pagkain.

"Oh, kain na." Bungad nya sa akin saka ako naupo.

Kumuha ako ng kanin at nagsalin sa sariling pinggan bago nagsalita. "Ma, may bisita bang dadating?" Tanong ko habang naglalagay naman ng ulam.

Saglit kong tinapunan ng tingin si mama saka ibinalik sa ginagawa. Nakita kong nangunot ang noo nito.

"Ha? Wala. Bakit?" Naupo na din ito at nagsalin ng kanin. Nagsimula na akong sumubo.

"Bakit po malinis ang kwarto ni kuya?" Muli ko syang tiningnan at nakita ko namang parang natatawa si mama. Luh? Ginagawameu?

"Ma?" Tawag ko pa na nagtataka.

"Bakit hindi ba pwedeng linisin ko naman ang kwarto ng kapatid mo?" Sagot nya ngunit sa tonong patanong.

Napatango nalang ako saka nagsalita. "Sabagay, mabaho din kasi ang kwarto nun." Sabay naman kaming natawa ni mama.

Napag-usapan din namin ang mga posibleng oras ng labas ko sa mga susunod na araw. Sinabi ko na para hindi na mag-alala pa si mama. Gaya nga ng sinabi ko noon, magiging hectic talaga ang schedule namin bilang graduating, isama mo pa ang pagiging officer.

Nagkwento rin ako ng mga nagaganap sa school pati narin sa klase. Naikwento ko narin ang tungkol sa kalokohan ko sa mga kaibigan ko.

Kung gaano ako ka-ilang kay papa ay ganito naman akong ka-close kay mama. Sya narin kasi ang kasangga ko sa lahat ng bagay. Yung tipong kahit may mali akong nagawa ay sinasabi ko sa kanya.

Ngunit may kaisa-isahan akong bagay na hindi sinabi sa kanya. Ayun ay yung pakiusap sa akin ni Dean. Yung pagbabantay kuno sa anak nya. Ayoko rin kasi syang mag-isip at mag-alala tungkol doon. Kaya pinili kong hindi nalang sabihin sa ang tungkol doon.

Sa dami nang sinabi ko kay mama patungkol sa sarili ko ay ganoon naman kalimitado ang mga tanong ko. Kahit ang magtanong tungkol sa kanila ni papa ay hindi ko magawa. Inuunahan ako ng kaba at takot. Kaba dahil baka hindi pa tuluyang nakakamove-on si mama at maging dahilan pa yun nang pagka-stress nya. At takot, dahil baka may sagot akong marinig na hindi ko matatanggap sa buong buhay ko. Kaya mas mabuti na nga sigurong hindi ko na lang buksan ang usaping iyon. Ang mahalaga muna sa ngayon ay okay naman kami sa sari-sarili naming katayuan.

Hindi sa intensyon kong magbuhat ng sariling bangko pero, maganda naman ang trabaho ni papa doon sa Japan. Maayos ang salary at may small business din sya. I'm glad na suportado parin naman ako ni papa. Si mama naman, may kashare sa business na ipinamana ni Lolo sa kanilang magkakapatid. Kaya masasabi ko namang stable kami financially, sa relationship lang hindi.

Nagpaalam na ako kay mama nang makalabas ako ng bahay. Syempre hindi ko nalilimutan ang favorite kong gawin bago umalis, ang magmano. Kumaway pa ako bitbit ang napakagandang ngiti.

Hanggang sa makalayo ako sa bahay namin ay nangingiti parin ako. Actually, hindi ako sure kung anong exact reason pero basta pakiramdam ko masaya ako.

Mas lalo akong napangiti ng matanaw ko na si King sa may kanto. Ganito talaga ang routine namin. Sabay pumapasok araw-araw, ganoon din sa pag-uwi. Papalya lang kung may sakit o aabsent dahil may importanteng gagawin ang isa sa amin.

Kumaway pa sya kaya naman halos takbuhin ko na ang pag-itan namin. Mabilis ko namang narating ang pwesto nya.

"Kelangan talaga tumakbo?" Napakaaliwalas din ng mukha nya gaya ko. Ano naman kaya ang dahilan nya?

"Bet ko lang, gusto mo itry?" Pambabara ko sa kanya. Natawa naman kaming dalawa sa sinabi ko.

"Hindi na, sayang ang fats." Mas lalo naman akong natawa sa sinabi nya. Fats daw eh ang payat nga nya eh. Hahahaha! Ibang klase din talaga 'to!

Nagpatuloy din ang pag-uusap namin hanggang sa marating na namin ang gate. Sakto pa at paparating din ang dalawang tukmol. Choz! Sila Kyrr and Josh lang yan.

Agad namang lumapit ang dalawa sa amin at inakbayan pa si King. "Ikaw... ang pag-ibig na hinintay!" Sabay pa silang kumanta kaya naman ang magandang ngiti ko ay napalitan ng inis. Hinayaan ko na silang mauna at hindi na sumabay pa sa kanila. Malalaking humakbang, mahahaba ang biyas eh.

Babati na sana ako kay Kuya Bertong nang may maramdam akong malambot sa paanan. Pagtingin ko, may tela. Kinuha ko iyon at saka tinignan. Panyo. Sayang naman, mukang mamahalin pa, base sa uri ng tela.

Chineck ko ito ng mabuti baka may pangalan pero nakailang baligtad na ako, wala parin. Tanging hugis tatsulok lang ang nakaimprenta dito. Wala naman akong alam na brand na ganito ah?

Honestly hindi sya as in triangle, parang korteng pa.. Wait lang. Pa-bundok? Mukang sa Mt. Everest pa kinuha ang ideya ng disenyo eh.

"Good morning Ms. Bella!" Napaigtad ako sa bati ni Kuya Bertong kaya agad ko iyong ibinulsa. Bumati ako pabalik saka pumasok na sa loob ng unibersidad.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon