Chapter 19

66 2 12
                                    

(bella)

Matapos ang nangyaring komprontasyon namin sa cafeteria ay hindi ko na muling nakita pa ang grupo ng wirdo na 'yun kinahapunan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos ang nangyaring komprontasyon namin sa cafeteria ay hindi ko na muling nakita pa ang grupo ng wirdo na 'yun kinahapunan. Ikatlong beses na ito, kaya naman considered na talagang cutting-classes ang ginagawa nila. Nasabihan na tuloy ako ng mga professor na magreport na kay Dean. Ayoko mang gawin pero sobra na nga sila kung tutuusin.

Dahil may awa pa naman ako ay itong pagkacutting classes nalang muna ang  inereport ko. Yung mga kalokohan nila towards sa mga estudyante dito, pinalagpas ko muna.

Napaisip din kasi ako sa sinabi nung wirdo na 'yun. Mukang may laman yung sinabi nya. Pakiramdam ko tuloy, ako ang may kasalanan. Hayst!

Napabuntong-hininga nalang ako nang tuluyang makarating sa bahay. Hindi na ako nag-abala pang hanapin si mama at wala sa sariling tinahak ang daan patungo sa sariling silid. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang door knob ay may nauna nang humawak at pumihit nito saka nangunang pumasok sa kwarto ko. Napataas nalang ang kilay ko sa inasta nya.

Buset ka! Pati ako naiipit sa kalokohan ng grupo nyo! Patay ka sakin ngayon.

Tuluyan na rin akong pumasok at pabagsak na inilapag ang bag sa may study table. Hinila ko ang upuan mula doon at umupo. Humarap ako sa kapatid kong akala mo kanya ang kwartong 'to. Kung makahiga sa kama ko parang sya ang bumili niyon. Malaman ko lang na hindi 'to naglinis ng katawan, double dead to saken.

"Saan ba kayo pumupunta ha?" Naiintriga kong tanong saka nagpandekwatro. Napalingon naman sya sa akin at binigyan lang ako nang nagtatakang mukha.

"Ha? Hakdog ka!" Nawawalan nako ng pasensya sa isang 'to.

"Ayusin mo ang sagot mo dahil naireport ko na ang pagkacutting-classes nyo." Mas lalo namang nangunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Cutting classes? Hindi mo lang ako nakikita sa school nagka-cutting na agad ako? Ayos ka din ha! Ipapahamak mo pa ako kay papa. Sabunutan kaya kita." Napaayos naman ako ng pagkakaupo saka binigyan rin sya ng nagtatakang tingin.

"Teka? Hindi ka nagkacut?" Paniniguro ko pa. Pero ang loko, siniringan lang ako saka ibinalik ang atensyon sa teleponong hawak at nagtipa doon.

"Porket nasa lowest section, loko na agad? Maygash Bella, I can't believe you!" Nilagyan pa nito ng kunyaring maarteng accent saka itinaas din ang kilay. "Hmmp!" Pahabol pa nito. Okay comfirmed! May ate ako.

"Kung hindi ka nagkacut.." Naputol ko pa ang sinasabi kaya naman napalingon pa sya sa akin. "Ibig sabihin, hindi mo alam na nagkacut yung mga wirdong barkada mo?" Tanong kong muli.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon