Chapter 16

57 3 18
                                    

(bella)

Kung meron mang naging kakaiba sa araw na ito, 'yun ay ang pagiging cold ni King

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung meron mang naging kakaiba sa araw na ito, 'yun ay ang pagiging cold ni King. Hindi ko parin maiwasang magtanong kung bakit sila humantong sa ganoong sitwasyon. Lalo pa at magkaibigan sila.

'Gaano naman kaya kalalim ang pinagsamahan nilang dalawa?' Tanong pa ng isip ko.

Isang option lang naman ang mayroon ako para masagot ang mga katanungan ko. Obviously, ang magtanong. Pero paano ko ba gagawin yun? Muli na naman akong nagising sa katotohanan nang magpaalam ang last prof namin.

"Class dismissed! Goodbye! And please don't forget to do your homework." Paalala pa nito saka naglakad na palabas. Hindi na inintay pa ang pagtugon namin. Wala na din namang nag-abala dahil mas busy pa sila sa pagpupulbo, pagpupusod ng kani-kanilang buhok at pag-aayos ng gamit. Hayst, mga estudyante nga naman.

Simula noong tanghaling pang-iinis sa akin nung wirdo na 'yun ay hindi ko na sya nakita pa hanggang sa mga oras na ito. Ganoon din ang mga kasama nya.

Malakas ang pakiramdam ko na pati yung kapatid ko ay kasama nila.

Sana naman hindi sila nagcutting classes. Problema ko pa yan kung nagkataon.

Inayos ko narin ang gamit ko dahil pauwi narin kami.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay palihim akong lumilingon sa katabi ko. Kapansin-pansin talaga ang pananahimik nya na alam naman ng lahat na tahimik talaga sya. Pero mas dumoble ata ngayon. Kaya sobrang nakakapanibago talaga.

Kanina pa yang ganyan. Iimik lang kung tinatanong. Kaya nga pinili ko nang hindi muna sya kausapin. Baka nagpapalamig pa ng ulo.

Hindi tuloy ako sanay na ganyan sya, lalo na at pati ako ay natahimik narin. Wala akong makausap.

Buong akala ko ay hindi na talaga sya magsasalita ngunit nagulat nalang ako ng ayain nya ako.

"Let's go?" Sa gulat ay napalingon ako sa kanya at hindi ko inaasahang mapangiti. Sakto, naisilid ko ng lahat ang gamit ko sa sariling bag.

Nag-eexpect ako na ngingiti din sya ngunit hindi naman iyon nangyari. Wala sa sariling naibalik ko ang kaninang ekspresyong mayroon ang mukha ko.

"Tara." Sabi ko nalang. Hindi talaga ako sanay sa pagiging malamig nya ngayon.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng silid nang biglang sumigaw si Mina. "Meryenda time!" Naibaling ko naman sa kaniya ang paningin saka muling tiningnan si King. Nagbabakasakaling mag-iiba na ang awra ng mukha nya. Pero mukang aasa nalang talaga ako dahil wala parin akong mabasang emosyon mula roon.

At mas natatakot ako sa isiping 'yun. Hindi ko sya mabasa.

"Uuwi na ako, may kailangan pakong gawin." Literal na napahinto ako sa sinagot ni King.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon