(bella)
"Ma, andito na po ako!" Sigaw ko nang makapasok sa bahay namin.
Saan naman kaya uuwi yung ulupong kong kapatid? At ano namang naisipan nun at nagtransfer pa dito eh ang ganda na ng buhay nya sa Japan. Tss!
Agad akong dumiretso sa kusina para hanapin si Mama at hindi naman nga ako nagkamali, nandun sya naghahanda ng miryenda. Lumapit ako dito saka nagmano.
"Ma? Alam mo bang dito na mag-aaral si kuya?" Pambungad na tanong ko. Wala akong nakitang gulat sa ekspresyon nya, mukang may alam nga si mama. Andaya!
"Andyan ka na pala, magmiryenda ka muna." Ibinaba ko muna ang bag pack ko sa upuan dito sa dining area saka lumapit sa kanya at nagmano. Umupo ako matapos iyon habang nag-aantay parin ng sagot kahit may ideya na ako.
"Sinabi sakin ng kuya mo na huwag ko daw sabihin sayo. Ewan ko ba dun." Nice one! Parehas kaming nawiwirduhan sa takbo ng utak ng kapatid kong siraulo.
"Uuwi daw po ba dito?" Muli kong tanong at nagsimula ng kumuha sa pagkaing nakahain. Meron namang sariling bahay si papa dito sa Pilipinas kaya pede sya dung mag-stay. Ang kaso, malinis ng kwarto nya kaya malamang sa malamg dito yun magse-stay. Tamad kaya yun! 'Ni magluto ng kanin inuutos pa sa akin. Kaya paniguradong dito talaga yun uuwi.
"Walang sinabi eh. Pero sana naman at nang makasabay nating kumain." Bigla naman akong may naalala. Hindi naman siguro magagalit si mama sa itatanong ko.
"Eh ma--" Nag-aalanganing panimula ko. "S-si papa po kaya?" Shoot!
Nakita ko namang natigilan si mama. Hayst.
Nag-iwas pa sya ng tingin bago sumagot. "E-ewan ko anak. Oh eto juice." Sabay abot nya ng juice sa akin.
Hindi ko nga pala nasabi na, matagal ng hiwalay si Mama at Papa. Si kuya Hongjoong nakay Papa at ako naman, nandito kay Mama.
Ang dahilan?
Kahit ako, hindi ko alam.
Nagpatuloy nalang ako sa pagmimiryenda at umakyat din agad para makapagpalit.
Nang makarating sa kwarto ay ginawa ko na lang din lahat ng dapat gawin saka muling bumaba para naman tumulong sa pagluluto. Hindi din naman ako nagtagal doon dahil mabilis din naming natapos ni mama ang lahat. Muli akong umakyat sa kwarto para naman gawin ang mga homeworks ko. Mabilis ko lang din iyong tinapos saka saglit munang nahiga sa sariling kama. Inabot ko ang telepono ng marinig itong tumunog.
BINABASA MO ANG
𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷
Fanfiction❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞ ※※※ NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING! Title Before: ❝ OWNER ❞ date started: january 13, 2020 date ended: ---