(bella)
I won't deny the fact na ito na talaga ang pinaka-worst day simula nang magbukas ang eskwelahan. As in, sobrang daming activities and may pasurprise quizzes pa. Tapos yung recitation, like DUH! Wala talagang nag-expect. Buti nalang talaga at girl scout ang ateng nyo. Laging handa! Nakapag-advance reading na.
Dumagdag pa sa isipin ko ang mga upcoming projects, although upcoming pa naman sya, pero DAY! Nakakapressure yung pagkataas-taas na standards nila sa criteria na binanggit. General lang yung mga nasabi pero sobrang nase-stress ako. Sana hindi lang ako diba?
Teka, ba't nga ba feeling ko ako lang yung nase-stress? Dahil ba puro group activities mostly ang task? *grin
Ganoon nga siguro talaga kapag 'asa' na. Well, let's just be honest here. Malimit mangyari yan, alam kong hindi lang sa akin. Group yung task pero leader lang gumagawa? Dyan mo talaga makikita ang tunay na magic.
Anyway, as of the moment, nagrerelax ako sa ilalim ng puno. Pero syempre joke lang yun. Iniimagine ko lang, kasi pagod na talaga ako.
Alam nyo iyong ganoong feeling? Try nyo!
Tapos kagagaling ko lang sa office ni Dean kasi kinuha ko pa yung letter. Diba nga friday na today and ito na yung araw ng paghuhukom.
Charot lang ulit.
It's already 4:26pm pero heto ako, basang-basa sa ulan. Joke lang! Last na yun, promise! Dismissed na yung klase kanina pa, actually. Hindi parin kasi ako tapos sa pagpapa-sign sa mga prof para sa schedule nung special na anak ni dean.
Isa pa itong tukmol na 'to! Sobrang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa 'to. Pagod na kaya ako! Sa totoo lang dapat sya ang nag-iintindi nito. Hello? Sino bang magtatransfer? Hindi ba sya naman? Kainis!
Kung hindi nya kilala yung mga professor edi itanong nya sa tatay nya. Ano pang sense ng power nya bilang anak ng may ari slash dean ng school na 'to diba? Maygash!
Tinotolerate kasi kaya ayan, spoiled!
'Teka ilan na nga lang ba ang walang pirma?' Tanong ko sa isip ko. Bahagya ko namang itinaas ang papel para makita at mabasa ko nang ayos kung ilan pa ba ang walang pirma. Pero...
"Apat pa--" ISANG MALUTONG NA MURA ANG LITERAL NA LUMABAS SA BIBIG KO.
"Miss may library dito, dun ka pumunta. Hindi kasi appropriate na sa daan ka magbasa." Agad ko namang iniangat yung ulo ko para makita kung sino mang g*go ang sumagi sa akin. AT MAY GANA PA TALAGA SYANG MAGSALITA NG GANON HUH?
Sarkastiko naman akong tumawa nang tuluyan ng maglanding yung tingin ko sa pagmumuka nya.
"Itsura palang, hambog na. Kaya pala!" bulong ko.
"Excuse me miss? May sinasabi ka?" pagtataray pa nya. WOW! As in WOW! Kalalaking tao, ang arte! dinaig pa 'ko.
At dahil mukha namang wala akong balak tulungan ng hambog na 'to, kusa na akong tumayo at pinagpagan ang pang-upo ko. Nakakainis talaga!
'Bella, calm yourself. Tandaan mo, pangulo ka ng SSG. Dapat maging modelo ka ng kapwa estudyante mo.' pagpapakalma ko sa sarili.
Pero napansin kong hindi siya naka-uniform. 'Pwede nang patulan 'to, 'di naman ata estudyante dito eh.' bulong pa muli ng isip ko.
"Hindi ko na kasalanan kung hindi mo narinig. May alam akong doctor para sa tenga, reto ko sayo." Sarkastikong banat ko sa kanya. Kala mo ha!
"Tapos kukunin mo number ko? Kunyare itetext mo sakin yung address nung clinic pero ang totoo itetext mo lang ako lagi hanggang sa manligaw ka ganon ba?" ABA'T MALAKAS DIN PALA ANG TAMA NG ISANG 'TO?!
Napangisi naman ako sa sinabi nya. "Talaga? Sorry 'di kasi ako mahilig sa exotic foods." Actually, hindi naman talaga sya pangit. Sinabi ko lang na exotic kasi, wala lang gusto ko lang syang asarin.
"Alam mo, mahilig ako sa babaeng pervert. Sama ka sakin?" P*TA. Ayokong nagmumura pero hayaan nyo mun ako ngyon araw. Pausap!
"What?!" Anong akala nito saken? P*kpok?!
"Foods naman agad nasa isip mo, eh hindi naman ako nakakain. Or else..?" Saglit pa syang tumigil saka nagcrossed arm at tumingin sa ibang direksyon. "gusto mo akong kainin?"
P*T*NG*NA!
Medyo matangkad sya kaya nakatingala ako sa kanya. Pero DEP*TS! Hindi ako magpapasindak dahil lang don!
Binigyan ko naman sya ng *masindak-ka-look* saka nagcrossed arm din.
Pero ang loko ngingisi-ngisi lang sakin? P*ta talaga.
"Sino ka ba ha? Mukhang dayo ka lang naman dito ah? H'wag kang masyadong magmayabang lalo na at wala ka sa teritoryo mo." sarkatikong ani ko sa kanya.
"Nako, baka hindi mo gugustuhing malaman kung sino ako. Pero pwede ko namang sabihin sayo." sagot pa nya na may, NGISI SA LABI?
"Nag-aaksaya lang ako ng oras sayo." Aalis na sana ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko. Sa gulat ko ay marahas kong inalis yun.
"ANO BA!" Sigaw ko pa sa kanya, pero agad din akong umalis dahil narin sa inis.
Huwag na huwag lang ulit magtatagpo ang mga landas namin. kasi kung nagkataon, hinding-hindi ko na sya pahihindian pa. Papatulan ko na sya! GRRRRRR.
Hindi pa ko nakakalayo pero narinig ko pa ang pagtawa nya. Aiiiish! Nakakainis! Kahit tawa lang nya, kumukulo na yung dugo ko. Bwisit talaga!
"Hoy bundok! Sino yun? May pinagtitripan ka na naman?" Narinig ko pang tanong, pero alam kong hindi sya ang nagsabi noon dahil iba ang boses. Mukhang may kasama pa syang pumasok dito sa school.
Paanong nangyare na may nakapasok na outsider? Kuya Bertong naman eh! AAAA NAKAKAINIS! IREREPORT KO TALAGA 'TO KAY DEAN!
BWISIT!
Kung ang iba naniniwala sa kasabihang guluhin mo na ang lasing, 'wag lang ang bagong gising, pwes sa akin iba na. Guluhin mo na ang lasing at bagong gising wag lang ang taong stress at pagod. Walang rhyme pero wala na akong pake. Basta dapat bayadan ako ng pabibong anak ni dean, pampalubag loob.
Halos takbuhin ko naman na ang daan patungo sa faculty room. Dahil gusto ko naring umuwi.
Humanda ka talaga sakin kapag nagkita ulit tayo, magdasal ka na sa lahat ng sinasamba mo dahil babalian talaga kita ng buto!
Arrrrgh!
BINABASA MO ANG
𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷
Fanfiction❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞ ※※※ NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING! Title Before: ❝ OWNER ❞ date started: january 13, 2020 date ended: ---