Chapter 34

38 3 4
                                    

(bella)

"Ano ba! Kanina ka pa ha!" Naiilang na talagang saway ko dito sa kasama ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano ba! Kanina ka pa ha!" Naiilang na talagang saway ko dito sa kasama ko. Simula kasi nang umalis kami sa bahay eh hindi na naalis yang titig na yan. Nakakaasiwa!

Kasalukuyan kaming nag-iikot dito sa village namin. Pinuwersa kasi ako nila mama at kuya na sumama dito sa wirdong 'to. Para naman daw pawisan ako kasi lagi raw akong nasa bahay.

Like watdap*k! Anong laging nasa bahay? Eh Lunes hanggang Biyernes laman na ako ng school tapos tuwing Linggo naman lumalabas kaming magkakaibigan.

"Bakit? Nasa batas ba na bawal kang tingnan? Ayaw mo no'n, may nakakaappreciate sayo kahit papano." Literal na nangasim ang mukha ko sa narinig. Ibang klase din talaga ang isang 'to eh, hindi mo alam kung nang-aasar ba o ano.

"Wow, salamat ha. Nakakahiya naman sayo." Sarkastikong ani ko saka ibinalik ang paningin sa daan. Bwisit naman kasi sila kuya, ipagtulakan at pagsarhan ba naman ako ng pinto! Hindi daw ako papapasukin hangga't hindi ko umuuwing pawisan. Napailing nalang ako sa naisip, hindi talaga ako makapaniwalabg pamilya ko sila.

"Aba dapat lang! Sa gwapo kong 'to, 'di ka na lugi." Muli kong ibinalik ang paningin sa kanya at binigyan sya ng nanunuyang tingin. Ayos! Matayog ang lipad. "At kelan mo pa binenta ang sarili mo?"

"Bakit? Binili mo ba ako?" Lalo lang nangasim ang mukha ko ng tingnan nya ako habang pinaliliit ang mga mata at nagpout pa. Tundusin ko yan eh!

"Isda ka ba?" Bigla ay tanong ko. Nahagip naman ng mata ko ang paglawak ng ngiti nya.

"Naks, pumipick-up line! Dahil espesyal ka, bili tayo ng skyflakes.." Napangiwi ako sa sinabi nya. Bakit lang naman dapat ang sagot sa tanong ko, sumegwey pa. At tsaka hindi kaya skyflakes 'yon.

"Tatawag daw yung Rebisco mamaya, ipapakulam ka." Sarkastikong sagot ko.

"Oh? Rebisco ba 'yon? Anyways, Bakit?" Ngumiti na naman sya na nakapagpa-asim muli ng mukha ko. Feeling ko magiging mangga na ako mamaya.

"At nagtanong ka pa talaga ha?" Napangisi ako sa sariling sinabi.

"Ang bad!" Nakita ko pang umirap ito saka nanguna sa pagtakbo. Tampururot? Meganon? Bakla nga ata talaga 'to eh.

At dahil mabait akong nilalang, humabol ako sa kanya. Hayst! Nakakatamad naman ang ganito, binabanas lang ako kapag napapawisan. Buong akala ko matatapatan ko na sya sa pagtakbo nya pero laking gulat ko nang manguna na naman sya sa pagtakbo.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon