Chapter 1

247 15 21
                                    

(bella)

"Okay, class dismissed!" Hindi pa man nakakalabas yung prof namin ay agad nang nagtayuan ang mga kaklase ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay, class dismissed!" Hindi pa man nakakalabas yung prof namin ay agad nang nagtayuan ang mga kaklase ko. Excited ba silang libutin ang buong school dahil first day of class? O dahil gutom na sila? Masyado sigurong napagod sa buong morning class na puro introduce yourself. Para namang hindi pa kami magkakakilala eh. Arte!

Well, kung sila maarte, ako na yata ang pinakamaganda sa lahat.

Jokenings!

"PREEEEES!" Itinakip ko agad ang dalawang palad sa tenga ko. Si Mina yan for sure.

"Pres may baon ka?" Okay, hindi parin sya nagbabago. Ang hanap parin ay pagkain. Instead na sumagot, inilabas ko nalang ang tumbler ko at ang baunan ko.

"As usual." Tipid kong sagot. Nakita ko namang natawa ang nasa tabi ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Sanay talaga akong magbaon ng pagkain. Mas bet ko kasi ang luto ni mama kesa sa pagkain dito sa cafeteria.

"Tara na." Anyaya nya.

Sya si King Lee, kaibigan slash kakompetensya ko sa batch namin. And to make the whole story short, We are both consistent honor student.

Bella Arata and King Lee at your service! *wink

And also yes, hindi kayo nagkamali nang dinig, they called me pres 'cause I am the president of the SSG here in our school. Si King? Hehe, Vice president.

He chose not to run as president. Ang reason? Ayaw daw nya akong kalaban eh. Ewan ko ba dyan, parang hindi na nasanay.

Tumayo na kami saka sabay-sabay na tinahak ang daan patungong cafeteria. Usual thing din ito, yung sabay sabay kaming kakain kasama ang mga officers. No intension to be boastful pero meron kaming sariling table. Okay lang naman sa amin na gamitin ng ibang students, DUH! Hindi naman kami gahaman no. Officers lang naman kami.

"Long time no see ebiribadi!" Nakakabinging bati ni Mina kina Leni, Jen and Max. Officers din sila and mga grade 11 students. Pero wala ng formalities since we're all close with each other.

"Low." Sabi ko na nga ba eh, nagtitipid din ng laway 'tong si Jen. Ganyan talaga yan, masanay na kayo.

Nagkanya-kanya na silang mundo habang naglalakad. Malapit naman na kami sa cafeteria eh.

"Kamusta ang bakasyon?" Baling sa akin ni King nang matapos syang makipag-usap kay Josh at Kyrr. PIO si Josh, and si Kyrr naman ang G12 Rep.

"Same spot parin, kaya walang thrill." Walang ganang sagot ko. Totoo naman kasi, laging doon kami pumupunta sa Batangas.

"At least nakakapagswimming padin." Aniya. Oo nga naman.

"Eh ikaw ba?" Balik kong tanong sa kanya. Nagkibit balikat lang sya kaya naman tinaasan ko sya ng kilay.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon