❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞
※※※
NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING!
Title Before: ❝ OWNER ❞
date started: january 13, 2020
date ended: ---
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gaya nang dati, hindi pa man nakakalabas ang professor mula sa unahan nang makapagpaalam na ito ay may kanya-kanya na namang mundo ang mga kaklase ko. Sinasaway ko naman sila, ang kaso ginagawa naman ulit kaya naman ngayon ay hinayaan ko na lang sila.
Inayos ko na din ang gamit ko at isinilid ang lahat ng iyon sa sariling bag. Habang ginagawa ko ito ay pasimple ang pagsulyap ko sa taong nasa tabi ko.
"Staring is rude." Nagulat naman ako nang magsalita sya.
Pero teka, parang narinig ko na yan?
Natigil naman ako sa pagsisilid ng mga gamit ko saka sya hinarap. "Okay lang ba tayo?" Nahihiyang tanong ko. Hindi ko alam kung yun ba ang appropriate na tanong pero gusto ko na talagang bumalik kami sa dati.
Sandali naman syang natigilan din sa ginagawa. Nakita ko ang malalim nyang buntong hininga saka ako tiningnan ng mata sa mata.
"Sorry." Isang salita lang naman iyon na may limang letra ngunit para bang ginulantang na nito ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay biglang nanubig ang mga mata ko dahil lamang sa sinabi nya.
Kusa na lang gumuhit ang ngiti sa labi ko saka sya pabirong hinampas. Mas lalo akong napangiti nang makita syang tumawa dahil sa ginawa ko.
Sabay nalang din kaming natawa nang walang umimik sa aming dalawa. Namiss ko 'to, sobra.
Literal na napatalon ako habang nakaupo nang may kalabog akong narinig mula sa likod. Marahan kong ipinaling ang katawan patalikod at tiningnan kung saan nagmula ang tunog. Mula pala sa kamay ni wirdong inihampas sa arm chair nya. Ginagawamu?
"Ang sweet naman." Ani pa nito. Gusto ko sanang isipin na inaasar nya kami pero bakit kabaligtaran ang nakikita ko? Bakit sya nakangisi?
Napaismid nalang ako saka muling hinarap ang gamit ko na ngayon ay ayos na. Hindi ko na lang sya pinansin saka tumayo at hinarap si King. Ngumiti muna ako sa kaniya bago sya niyayang umuwi na.
"Tara na?" Ngumiti lang din ito bilang tugon saka kinuha ang sariling bag at tumayo na.
"Uy teka, hindi mo man lang ako yayayain?" Napalingon naman ako kay wirdo at tinaasan sya ng kilay.
"At bakit naman kita yayayain?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Nainis naman ako nang tanging ngisi lang ang isinagot nya sa akin.
Hindi ko na lang muli sya pinansin saka nauna nang maglakad papuntang pintuan. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni King.
"May period ka no?" Muli na naman akong nagulat sa biglaang pagsulpot ng wirdo na 'to sa likod ko. Ang bilis naman nitong kumilos.
Pero teka nga, bakit ba walang preno ang bibig ng isang 'to. Napalingon naman ako sa paligid at doon napagtanto na nasa amin ang mga mata ng halos lahat ng tao sa paligid namin. Pati ang mga officers ko ay nakatingin din. Ang kaibahan nga lang yung sa kanila, tinging nang-aasar. Psh!