Chapter 13

69 6 22
                                    

(bella)

Time check, it's already 11:34am and it's oras narin ng lunch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Time check, it's already 11:34am and it's oras narin ng lunch.

Sobrang nagutom ako sa buong morning class namin. Syempre nakadagdag factor pa yung napagalitan ako ni Miss Leny.

DUH!

First time ko yun dude!

And kasalanan ng wirdo na 'yon.

Isa pa naman 'yun sa ayaw ko, ang mapagalitan. Nasisira image ko eh. Nakakainis talaga! Nako, kung hindi lang masamang pumatay baka kahit pa nasa hukay na sya, hindi ko parin sya tatantanan. *grin

Like, wala ba syang magawa? Pati ibang tao ipapahamak sa kalokohan nya. Bwisit talaga oh! Napatunayan ko na nga na sakit sa ulo ang isang 'yon.

May araw ka rin saking bisugo ga. *evil smile

Actually, hindi lang nung time na yun natapos ang pangungulit ng h*n*y*pak na yon. As in, buong morning class ata puro pangungulit nya na ang nangyari. Ang masama pa habang tumatagal, lumalala.

Best word to describe how I felt that time?

H*ll...

Nung una, kulbit-kulbit lang hanggang sa nauwi sa pagsipa ng upuan ko and worst pag kurot.

AAAAAAAHH NAKAKAINIS!

Hindi ko na lang talaga pinapansin. Kahit pa gustong-gusto ko na syang bigwasan. Teka, bigwasan ba talaga? O gilitan sa leeg para matuluyan na. Hehe, hindi naman po akong masamang tao. Huwag lang talaga paiinitin ang ulo ko, peace tayo.

Natapos lang ang pag-iisip ko ng magsalita si King. "Anong ulam mo?" Gaya nga nang sabi ko noon, nagbabaon ako. Remember, mas bet ko luto ni mudra kesa bumili sa cafeteria. Ewan ko nga ba! Anyway, we're now heading there.

"Adobo for today." Baling ko sa kanya ng may ngiti sa labi sinusubukang kalimutan ang nangyari kanina.

"Pero ano nga bang ginawa sayo kanina nung lalaking yun?" Here we go. Iniisip ko lang na kalimutan ang bagay na iyon, naitanong na naman nya. Hayst, mukang hindi nga talaga magiging normal ang school year na 'to. Teka, nakailang bangit na ba ako ng bagay na 'yon? Hmmm..

"Hayst. Wag na lang nating pag-usapan. Naiirita ako sa kanya." I rolled my eyes. Sobrang nakakainis naman talaga. Nakakahiya tuloy, kasi first ko talagang mapagalitan.

Sa tanang buhay ko that time lang! At syempre sisiguraduhin kong hindi na iyon mauulit pa. Magkarecord pa ako 'no, mahirap na. President tapos nasasangkot sa gulo.

Well, gulo na para sa akin ang ganoong bagay. Kahit pa simple lang iyon sa iba.

"Bakit pakiramdam ko magkakilala na kayo?"

Shoot!

Diko pa nga pala nasasabi sa kanya na yung lalaking yun at si Mountain ay iisa.

Sa totoo lang, gusto ko ding kausapin ang isang yun tungkol sa bagay na yan. Bakit sa lahat ng tao dito, ako ang naisipan nyang kulitin.

Sakto nandito na kami sa Cafeteria.

"Go buy your food first saka ko ikukwento sayo." Tumango nalang sya saka lumakad sa pila.

Naghanap nako ng mauupuan and yun nakita ko na ang mga hilaw kong officers sa usual spot.

Paniguradong maha-hot seat ako neto. Yang mga yan pa, 'di uso sa kanila ang katahimikan. Syempre, hindi nagpapahuli sa tsismis. Mamaya nga iisipin kong sila ang admin dun sa facebook page na puro issue lang naman ang laman. Updated ako don syempre president ako at hindi dahil tsismosa ako gaya nila 'no. Ibahin nyo ako kay Mina-- ooops? May sinabi ba akong pangalan? Hehe, paki-erase nalang po. Tuluyan na nga akong naglakad patungo sa table kung nasaan sila. Bahala na!

"Oh Pres! Buti andito kana. Come here at ng mainterrogate ka na namin." Sabi na. Mina is Mina, walang mababago don. Sandali pa akong tumigil.

"Suuus! Ikaw lang naman interesado kasi ikaw lang yung malantod dito. Basta usapang lalaki." Pang-aasar ni Josh.

Eto talagang dalawang 'to..

Umupo nalang ako at hindi na nagsalita. Kusa ng may puputak dyan, tingnan nyo.

"Sooooo.." See? Si Mina yan, wag na kayong magtanong. "First, question." Panimula nya habang naniningkit pa ang mata. "Ano talagang nangyari kanina? Ha?" Pede bang maging mapanglait? Muka kasi syang kinagat ng ipis sa mata, alam nyo yun? Sobrang naniningkit.

Tinitigan ko lang sya saka walang ganang sumubo. Si King nga diko na kinuwentuhan, sila pa kaya. Katamad magkwento, wala namang bayad. Charot!

Kunyare pa 'tong mga kasama kong hindi interesado, pero tahimik naman muka talagang nakikinig. Dapat siguro may club dito sa school namin tapos ang name eh Tsismosa Club. Ako na mismo ang magsasali sa kanilang lahat doon.

"Hi!" Nagulat nalang ako ng may naglapag ng bottled water sa tapat ko. Pag-angat ko ng tingin, AIIISH! Dapat pala hindi nalang ako tumingin. Bwisit!

"What now?" Naiinis ko syang tinitigan, mata sa mata. Ano na naman bang katarantaduhan binabalak nito? Kanina lang pinahamak nya 'ko. Ano naman kaya ngayon. Natatakot na talaga ako sa kakayahan nya. Lalo pa at may kapangyarihan ang isang 'to. Hindi malabong gamitin nya iyon balang araw laban sa akin. Geez! Iniisip ko palang, kinikilabutan na ako. Paano ng kaya kung ipakick-out ako nito bilang ganti.

"For you." Pagkasabi nya nun, binuksan nya yung inilapag nyang bottled water saka muling ipinatong sa tapat ko.

Baka may lason.

"No thanks, I have mine." Saka ko inilabas yung tumbler ko. Pasiring ko namang binalingan ang mga kasama ko at hayun yung mga tinging nagtatanong. May halo na yung pagiging tsismosa't tsismoso, believe me.

Nakita ko naman ang papalapit na bulto ni King.

Yes please, save me.

Pero nagulat nalang ako ng makita ang biglaang pagbabago sa mukha ni King ng magtama ang pangin nila ng lalaking nasa tabi ko ngayon. Ahmm.. Paano ko ba ieexplaim ang itsura nya? Basta sya yung King na nakita ko kanina noong pumasok sya sa room. Pero mas heavy ata ang awra nya ngayon.

Ibinalik ko ang paningin kay wirdo at teka? Nakangisi ba 'to?

Wala akong aksyong ginagawa dahil wala naman akong pakialam sa nasa tabi ko. Pero nababahala ako sa presensya ni King. Para kasing may mali. Pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari. Ayoko namang humantong pa sa kung ano. Ngunit bakit nga ba ganoon na lang ang ikinilos ni King?

Akala ko hanggang dun na lang ang gulat ko, pero mukang nagkamali ako nang magsalitang muli si wirdo.

"Long time no see, Hari!"

W*TD*P*K?!

MAGKAKILALA SILA?!

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon