Chapter 27

43 0 0
                                    

(bella)

Tahimik lang akong naghuhugas ng pinagkainan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tahimik lang akong naghuhugas ng pinagkainan namin. Hindi ko alam kung paano pa magsasalita matapos ang eksenang nangyari kanina. Narinig ko ang paglapit ni mama sa gawi ko kaya naman palihim ko syang tiningnan. Nandoon parin sa mukha nya ang pagkadismaya. Gustuhin ko mang magtanong pero para bang may humihila sa dila ko.

"Nak.." Literal na natigil ako sa ginagawa saka tiningnan si mama. Ganoon parin ang mukha nya, dismayado at hindi inaalis ang paningin sa ginagawa.

"Bakit po?" Mahinang tanong ko.

"Pwede bang kausapin mo ang kuya mo para sa akin?" Pakiusap nito. Muli kong ibinalik ang paningin sa hugasin at nagsimulang hugasan muli ito. "Saka ko nalang siguro sya kakausapin kapag malamig na ang ulo nya." Dagdag pa nito.

"Sige po." Pagsang-ayon ko. Hindi na sya nagsalita pang muli saka lumabas na ng kitchen.

Nang matapos ako sa ginagawa ay agad din akong umakyat sa taas at dumiretso muna sa sariling kwarto. Maya-maya ko na muna siguro kakausapin si Kuya. Inihanda ko muna ang mga gamit ko para gawin muna ang mga homeworks at take home activities.

Nasa kalagitnaan palang ako nang ginagawa ay narinig ko na ang pagtunog ng telepono ko. Inabot ko ito saka ini-unlock.

You have 1 new message from mountain.

Sa hindi inaasahan ay naramdaman ko na naman itong kakaibang kabog sa dibdib ko. Bakit ba nalilimit na itong bwisit na kabog na 'to?

'I'll court you..."

Napailing ako nang maalala na naman ang sinabi nya saka piniling buksan ang mensahe at binasa.

mountain: kumain ka na?

Kusang kumibot ang labi ko sa nabasa. Paki mo naman kung kumain na ako? Nagtipa ako ng sagot saka ipinadala sa kanya.

bella: oh?

mountain: anong oh?

bella: ohlats

mountain: nigagawameu
seen√

Ibinaba ko din agad ang sariling telepono. Psh! Nakakatamad kausap ang isang 'to. Ngunit magsisimula pa lamang akong magsulat nang marinig na naman itong tumunog.

mountain: i'll fetch u tom

bella: ha?

mountain: hakdog
seen√

Napakawalang kwentang kausap! At anong fetch-fetch ang sinasabi nito? Hindi ko pa rin binitawan ang cellphone at inintay ang sasabihin pa nya nang makitang typing ito.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon