Chapter 3

120 8 6
                                    

(bella)

"Oh anong sabi?" Babago palang akong uupo, chichika agad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh anong sabi?" Babago palang akong uupo, chichika agad. 'Di ba pwedeng umupo muna kami?

Halos sabay kaming naupo ni King dito sa table nila. Mini Park nga pala ito at medyo marami ang puno, kaya nga favorite tambayan namin ito after lunch kasi maaliwalas. Sariwa na nga ang hangin, malilom pa.

Kapag naman medyo busy na sa mga gawain, halimbawa nalang kung may mga pa-advance reading malimit naman sa library kami tumatambay. Syempre para mag-aral hindi para kumuda. Si Mina lang naman talaga pahamak samin.

Hindi lang ako sure ngayong school year kung malilimit pa ba ang pagtambay namin dito. Expected ko na talaga na magiging hectic ang schedule namin lalo na at may mga katungkulan pa kami.

"Nag-papaalala lang sa mga upcoming events na magaganap." Walang ganang sagot ko. Nakita ko naman kung paano magningning ang mga mata ni Mina. Teka, dahil ba yun sa sinabi ko? Ang weird naman nito.

"Excited na ako sa prom yieee." Okay, I didn't saw that coming. Awit din ang isang 'to eh 'no?

"Jusko naman Mina, first day of school palang ngayon. June palang! Sa Feb pa yung sinasabi mong prom." Natawa naman kami sa pambabara ni Josh. Oo nga naman kasi. Iba din talaga ang takbo ng utak nitong si Mina.

"Eh ano naman!" Umirap pa sya sa gawi ni Josh saka bumaling sa amin. "Basta ready na ako." Nagtataka man ay hinayaan ko na lang na may magsalita.

"Ready saan?" Si Josh parin yun. Sila lang naman ang malimit magbangayan sa amin eh. Kaya nga kami napapagalitan din kung minsan. Yang dalawang yan ang pasimuno.

"Para sa prom!" Naiinis na tugon nya sa binata.

"PROM?" Sabay sabay pa nilang tanong. Hindi na ako nakisali pa, napalingon naman ako kay King na ganoon din pala. Hindi na nakisabay, tumawa lang.

"Oo! Sa katunayan nga eh, nakabili na nga akong damit." Bigla namang nagtawanan itong mga kasama ko. As in yung hindi talaga normal na tawa. Syempre pati ako, pero sakto lang hindi malakas. Natatawa man ay pinilit ko parin silang sawayin. Kahit mahina lang mga tol. Nakakahiya sa mga malapit sa atin.

"Anong nakakatawa dun? Masama bang maging excited and at the same time maging ready?" Kung basagulera lang ako nasapok ko na 'tong taong 'to nang matauhan naman. Kaiba eh!

"Sira ka ba? Pano kung lumobo ka? Edi hindi kakasya yung damit na binili mo?" Muli na namang nagtawan ang mga kasama ko. Napapangiti nalang ako. Nahihiya nadin kasi ako. Napapansin ko talaga pinagtitinginan na kami. "Lakas mo pa namang kumain." Dugtong pa ni Josh. Sige lang bangayan pa kayo, mamaya sapukan na 'to.

"Wow! Hiyang-hiya naman yung dalawang extra rice mong hinihilingan pa ng ulam at sabaw." Sabat naman ni Mina. Mukang alam ko na kumg san patungo 'to. Hindi ko nalang sila pinakinggan saka kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa.

In-unlock ko ito in-open ang camera. Magpipicture lang nang palihim sa kanila. Pambati narin sa birthday hehe.

Sinimulan ko nang maghanap ng magandang anggulo para kay Mina. Sakto! Malimit magsalita, lagot ka sakin!

*click

Nice! Nakanganga. Next target, si Josh.

PERFECT!

Isusunod ko na sana si Max nang biglang magsalita si King.

"Ayan ka na naman." Natatawa naman akong bumaling sa kanya. Sumenyas lang ako na manahimik sya kaya naman napangiti nalang din sya at tumahimik.

Habang ginagawa ko yun ay nararamdaman ko ang tingin nya sa akin. Muli ko syang tiningnan at natawa nang mapantantong natatawa din pala sya nang palihim.

Para lang kaming timang dito. Tumatawa nang pasikreto. Hahaha.

"Patingin." Bulong nya nang mapansing tapos na ako sa pagkuha ng litrato sa mga kasama ko. Sayang, hindi ko sya nakuhanan! May pagkaphotogenic din kasi ang isang 'to eh. Kaya bibihira akong makakuha ng picture na epic mula sa kanya.

Natatawa parin akong iniabot sa kanya ang telepono ko at ipinakita ang mga pictures na nakunan ko. Mahina lang kaming nagtatawanan habang nagtitingin sa mga pictures nang sabay-sabay na naman silang nag, "YIEEEEEEEEE." Napatingala naman kaming dalawa saka ko sila binigyan nang nanunuyng tingin. Nakita ko naman si King gamit ang peripheral vision ko na napangiti.

Hindi nalang ako nagsalita saka in-off ang cellphone ko at ipinatong iyon sa table.

"Kayo ha, masyado kayong nagsasarili." Pang-aasar na naman ni Mina. Nagmake face na lang ako saka itinukod ang dalawang siko at ipinatong ang baba sa palad ko.

"Baka maunahan nyo pa kami ni Josh." Panggagatong ko nalang. At hayun na naman yung sigawan nila. Naaks lakas makalove teams ng mga 'to ah.

Hindi ko pa man nililingon si Josh ay alam ko nang diring-diri na ang mukha nya. "As if namang pumapatol ako sa mukhang pulgas." Heto na naman po tayo. Okay lang at least wala sa amin ang atensyon.

"Lalo ka naman, mukhang tipaklong!" Hindi rin naman nagpatalo ang kalaban. Sa huling pagkakataon ay hindi ko nalang ulit sila pinansin. Chineck ko nalang ang oras sa phone ko saka napagdesisyunang buksan muli ito.

Nagcheck muna ako ng messages at nagreply sa mga importante. Matapos non ay nagscroll lang ako sa feed. Tamang nakakasuyang pagmumukha lang ng mga kasama ko ang nakikita ko, mga binebentang kung anu-ano, Funny videos na nakakasawa na din naman at iba pa. Ewan ko ba at hindi talaga ako na-eengganyo.

Minabuti ko na lang na sa gallery bumisita para pagtawanan ang mga kinuhanan kong litrato sa kanila.

Ayan! Yan nga ang gusto ko. Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Mina na nakanganga. Hahahaha! Ang pangit nya dito! Paniguradong magagalit na naman 'to kapag inupload ko 'to sa social media. Makikita daw ng mga admirers nya kuno, at matuturn-off daw sa kanya. Utot nya!

Sinunod ko naman yung kay Josh na ang pangit din. Hahahaha! Sakto malapit na birthday nya may pangbati na talaga ako. Iipon pa ako para mas marami, mas maganda.

Ililipat ko na sana ang litrato nang may mapansin dito. Zi-noom ko pa ang picture ni Josh hindi para makita ng buong detalye ang nakakatawang mukha nya kung hindi para makita ng ayos ang taong nahagip sa likod nya. Malayo ito pero alam kong familiar sya sa akin.

"Yung nakabangga ko kanina." Hindi ko na naman inasahan na maisasatinig ko ang nasa isip. Napalingon sa akin si King. Buti nalang mahina kaya sya lang ang napalingon.

"May sinasabi ka?" Tanong nya.

"Ah wala, sabi ko ang papangit nila." Sabay turo ko sa mga kasama namin.

Ibinalik ko ang paningin sa cellphone at muling pinagmasdan ang larawan. Matapos niyon ay ibinaling ko ang paningin sa may parte kung saan saktong nahagip ang lalaking iyon.

Bawal ang nakasumbrero ah? Sino naman kaya yun? Psh! Sure akong masama ang ugali nun.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon