Chapter 7

90 7 11
                                    

(bella)

Nakakapagod and at the same time nakakainis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakapagod and at the same time nakakainis. Yan na nga siguro ang pinaka-dabest na description sa nararamdaman ko ngayon. Matapos kasi nang nagyari kanina eh talagang ramdam ko na ang pag-usok ng ilong ko. Sino ba kasi yun at ang lakas nang loob magyabang? And to think na sa school na pinapasukan ko pa ha?

Pasalamat sya at wala si Dean kanina dahil may inaasikaso lang. Nako, siguradong banned iyong hambog na iyon sa school.

Gwapo at maporma nga, ganoon naman ang ugali. Nakakaturn-off tuloy. Sayang sya!

Almost six na din akong nakauwi. At heto ako nga ako, nakahiga sa kama ko. Ayoko talagang humihiga dito nang hindi ako malinis. Pero sa pagkakataong ito, pass muna tayo sa rule na 'yan. Sobrang pagod na talaga ako. Hindi pa nga ako nakakapagpalit eh. Tatawag naman si mama kapag kakain na. Hindi na tuloy ako nakatulong sa pagluluto.

Curious kayo sa ginagawa ko? Well, nakapikit lang naman ako at sinusubukang tumulog. Pero shete! Hindi talaga ako dalawin nang antok. Pilit akong ginigising nang karanasan ko kanina.

Aaaargh! Nakakanis talaga!

Napabangon tuloy ako. "May oras ka talaga sa 'king hambog ka." Banta ko pa sa hangin. Muka nakong t*nga dito pero who cares. Basta marelease ko yung inis ko. Napabaling ako sa tsinelas ko saka iyon pinulot at ibinato sa kung saan.

Sa wakas ay pinili ko naring maglinis ng katawan. Ngunit bago ko lisanin ang aking himlayan ay pinagpagan ko muna iyon at inayos. Dumiretso ako sa banyo at doon naglabas ng sama ng loob. *grin

Six thirty na yata akong nakalabas mula sa banyo. Magseseven naman nung bumaba ako para kumain.

Same routine parin naman kami ni mama, nagkukwentuhan habang kumakain. Sinabi kong muli ang karanasan at kung gaano talagang nakaka-stressed ang araw. Syempre yung part nung masamang damo, hindi ko na isinama pa sa storya. Bukod sa ayokong mag-alalang muli si mama, naiimbyerna parin talaga ako kapag naaalala ko iyon. Kaya auto pass muna.

"Ma, ako na po ang maghuhugas nyan." Suhestyon ko nang makitang hahawakan na ni mama yung hugasin. Agad naman akong lumapit sa lababo at hinawakan ang magkabilang braso nito at pinilit palayuin sa lababo.

"Pero diba sabi mo pagod ka na?" Angil pa nya pero umiling lang ako.

"Pagod na din po kayo, kaya quits lang. Ako na po dito. Manood na po kayo ng  tv, magsisimula narin yung favorite nyong palabas." Mahabang litanya ko saka ngumiti at tumalikod na para harapin naman ang hugasin. Hindi naman karamihan iyon kaya kayang-kaya ng powers ko.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon