Chapter 29

32 3 0
                                    

(bella)

"Ligawan si Bella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ligawan si Bella."

Literal na nawalan na ako nang sasabihin. Sinubukan kong lingunin si mama pero nakita ko ang kawalan ng ekspresyon nito. Patay tayo dyan!

"Pero kung hindi pa po kayo payag, okay lang naman po sa akin. Kaya ko naman pong maghintay--" Hindi nito naituloy ang sasabihin nang sumingit si mama.

"Ang totoo nyan, nangangamba ako na payagan ang anak kong pumasok ng relasyon sa ngayon. Natatakot ako na baka mapabayaan nya ang pag-aaral nya dahil dyan." Sandali pa itong huminto, tila nag-iisip pa ng idadagdag.

'Syempre naman Ma, hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko. Lalong hindi ako makikipagrelasyon sa ngayon, hindi pa kaya ako ready! At sa isang ito pa? Parang gusto ko na atang magmadre.' Ani ng isip ko. Bakit kung kailan may gustong isatinig ang isip ko ay saka naman hindi nito sabihin. Kung kailan hindi naman dapat saka nagsasalita ng kusa ang bibig ko. Yung totoo, may sakit bang ganito?

Saglit akong sumulyap kay wirdo at laking gulat ko ng makitang sa akin sya nakatingin. Luh? Wala akong nagawa kung hindi ang mag-iwas at ibaling ito kay mama.

"Sige po, maghihintay nalang po ako." Nanlalaki ang mga matang muling ibinaling ko na naman ang paningin kay wirdo. Umasta pa akong naiinis para naman mathreaten sya at bawiin ang sinabi pero ang loko, hindi ako pinansin. Bagkus ay ibinalik nito ang panigin kay mama.

"Pero sa tingin ko ay mababago ang pananaw kong iyon." Sa gulat ay muli kong ibinaling ang paningin kay mama. Nahihilo na ako kaka paling sa kanila pero hindi ko na ininda. Ginugulantang nang mga sjnasbi nila ang buong pagkatao ko.

"Natuwa ako sayo dahil personal kang nagpaalam sa akin. Bibihira na ang mga ganyan sa panahon ngayon." Nakangiting dagdag ni mama? Huy hala ano yun ma?

'Kinakabahan ako sa sinasabi mo ma!' Muli na namang umepal ang isip ko.

Bella! Gamitin mo talento mo sa pagsagot aba!

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Bigla ay tanong nitong isa. Kahit hindi ko sya lingunin ay ramdam ko ang ngiti nya. Bwisit ka talagang wirdo ka! Napabaling naman ako sa kapatid ko na halatang natatawa lang sa nangyayari.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon