Chapter 30

35 4 1
                                    

(bella)

Kung nakakabingi lang talaga ang katahimikan, siguradong bingi na ako kanina pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung nakakabingi lang talaga ang katahimikan, siguradong bingi na ako kanina pa. Halos hindi na rin kami nagtitinginan nitong kasama ko ngayon. Tapos pakiramdam ko pa, ang layo-layo ng school. Kung tutuusin naman, ilang minuto lang ang itatagal bago mo ito marating mula sa bahay.

"Ah.." Nanindig ang mga balahibo ko ng magtama ng mga balat namin. Pagkatingin ko sa sariling braso, nasanggi lang pala nya. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin kaya naman pinili ko nalang mag-iwas. Alam kong ganoon din sya.

'Ikaw itong kung anu-anong sinasabi tapos ngayon awkward na awkward ka. Hmmp!' Puna na naman ng isip ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang matanaw ko na ang gate ng school namin. Pinilit ko na lang magmadali para naman makaiwas na ako sa siraulong 'to.

"Uy, sandali lang!" Narinig ko pang tawag nya sa akin. Pero hindi ko na talaga sya pinansin. Nagdirediretso na ako patungo sa gate hanggang sa maramdaman ko ang paghawak sa pulsuhan ko. Napakabilis ng pangyayari kaya hindi ko na agad namalayan na hawak ko na ang parte ng dibdib nya habang sya naman ay nakayakap ang kaliwang braso sa may bewang ko.

Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang kabog, na pati ang puso ko ay para bang sasabog ano mang oras.

"Ehem.." Ako din ang unang nagbitiw mula sa pwesto namin nang may marinig na tumikhim mula sa likuran. Pag lingon ko, ay kabayo! Si Kuya Bertong pala, Geez! Nakita nya kaya 'yon?

'Ano Bella, nashonga ka na! Malamang kay nga tumikhim eh!" Napakatraydor talaga ng isip ko.

"Ah.. Kuya Bertong, hehe! Good morning po." Hindi magkaintindihang bati ko. Tila ba hindi alam kung tama pa ba ang lumalabas sa bibig ko. Sana wala naman akong nasabing epic.

"Good morning Miss Bella, Good morning Sir San." Pagbati nito pabalik pero kapansin-pansin ang nang-aasar nitong mukha. Kuya Bertong naman! Pati ba naman ikaw! Wag ganon! "Ang aga naman ng lambingan-- este ang aga nyong pumasok." Napairap nalang ako sa kawalan. Hayst.

"Pasok na po ako." Namaalam na agad ako dahil mukang mang-aasar lang si Kuya Bertong. Pero muli na naman akong natigil dahil pinigilan na naman ako nitong bundok na 'to.

"Ano na naman ba?" Naiinis na talagang tanong ko nang maibaling ang sarili sa kanya.

"Bag mo." Hinubad naman agad nito ang bag ko saka iyon inabot sa akin. Oo nga pala!

Agad ko iyong kinuha saka muli na naman sanang hahakbang papasok pero gaya ng inaasahan, pinigilan na naman nya ako.

Nawawalan na talaga ako ng pasensya sa isang 'to.

"Susunduin kita mamaya." Bulong nya, pero sapat na para marinig ko. Halatang sinadya nya iyon para hindi marinig ng mga tao sa paligid namin. Doon ko lang napansin na medyo pinagtitinginan na kami. PDA na nga talaga kami kaya ako na mismo ang dumistansya.

"May paa naman ako." Pangbabara ko.

"Basta susunduin kita mamaya. And I don't take no as an asnwer. Sige na pasok ka na! Aral kang mabuti." Literal na napangiwi ako sa kanya. Agad nya akong hinawakan sa braso at pilit tinulak papasok. Luh? Kanina lang panay ang pigil sa akin nito tapos ngayon pinagtutulakan na ako. Psh! Adik!

Wala narin naman akong nagawa kaya pumasok na din ako, pero si Kuya Bertong humirit pa.

"Bagay kayo Miss Bella."

P*ta!

Hindi ko na lang pinansin si Kuya Bertong at agad na nagtungo sa building namin. Dali-dali kong tinahak ang daan patungo sa room dahil pansin ko na talaga ang mga matang nakamasid sa akin. Mukang nakakatunog na sila. Ayoko talaga ng ganitong klase ng atensyon, bwisit!

"Pres!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa  tumawag, sandali akong natigil pero agad din namang nagpatuloy ng makitang si Kyrr iyon.

"Ano?" Pasinghal kong sagot ng maramdaman ang paglapit nya sa akin. Agad din naman naming natanaw ang pinto ng room kaya binilisan ko na ang paglalakad. Sumunod lang din agad itong kasama ko at nadatnan ang silid na walang tao. Pumasok na agad ako at ipinatong ang bag sa sariling upuan.

"Anong ganap sa inyo ni San Pres? Ba't may pa ganon?" Walang anu-ano'y tanong ni Kyrr na ikinalingon ko. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin kaya nag-isip ako ng idadahilan. Pero traydor ngang talaga ang isip ko, hindi makisama.

"A-ah.. w-wala ah." Nauutal na sagot ko. Bwisit self, bakit naman ganon!

"We? Ikaw pres ha! Naglilihim ka na." Pinagmasdan ko lang ito habang naghahalungkat sa gamit nya.

"A-anong lihim ka dyan? Wala ah." Mariing tanggi ko. Hindi parin naman ako sigurado kung pinagtitripan ako ng kapatid ko at ng wirdong 'yon at saka wala talaga akong balak ibroadcast pa ang bagay na iyon.

"Eh bakit kasama mo si San?" Obvious  din na nang-aasar ang isang 'to kaya naiinis na ibinaling ko nalang sa ibang direksyon ang paningin at piniling maupo muna. Sumilip pa ko sa labas baka nagbabakasakaling makita si King.

'Baka may inutos na naman kaya wala pa dito sa room.'

"Malamang dito pumapasok yung tao." Wala sa sariling sagot ko, nandoon parin ang tingin sa labas ng room.

"Suspended si San Pres! Kaya walang dahilan para pumunta pa sya dito, unless.." Literal na nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala! Alam nya, ba't hindi ko agad naisip yun?! Isip ka ng palusot Bella!

"A-anong unless ka dyan? Porque ba suspended, hindi na pwedeng pumunta dito sa school?" Natatarantang paliwanag ko. Pano ko ba 'to malulusutan?

"Pwede naman, pero yung ganito kaaga? Hmm.." Napalingon ako sa kanya ng tumigil ito sa sinasabi at umasta pang nag-iisip.

Sh*t Bella! Ang shonga mo na nowadays!

"Andami mong tanong, manahimik ka nalang dyan." Naaasar nang saway ko. Wala narin akong magawa at masabi kaya tamang saway nalang.

"So kahit kanino pede kong gawin yung yakap, ha?" Natigilan ako.

"Anong yakap ang sinasabi mo dyan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Agad naman gumuhit ang isang nakakaasar na ngisi sa labi nya na lalong nakapagpainit ng dugo ko.

"Diba niyakap ka ni San--"

"You shatap!" Saway ko dito pero ang loko tinawanan lang ako.

"Pangit!" Napalingon naman ako sa pintuan ng pumasok ang kapatid kong hilaw. Ano na namang problema nito? Binigyan ko lang ito ng nanunuyang tingin.

"Kamusta pangliligaw ni San sa pangit kong kapatid?"

Sh*t*nginamers!

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon