❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞
※※※
NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING!
Title Before: ❝ OWNER ❞
date started: january 13, 2020
date ended: ---
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lumipas ang buong linggo nang wala namang gulong nangyayari sa pag-itan ni King at nung wirdo.
Sa loob din nang lumipas na linggong iyon ay hindi nya parin ako tinitigilan sa pangungulit. May pagkakataon pa nga na tinanong ko sya kung bakit nya ako sinusundan pero ang sagot lang sa akin ng loko, makapal lang daw sadya ang mukha ko kaya assuming ako. Ino-open ko din ang tungkol sa mountain na account nya pero kapansin-pansin ang pag-iwas nya tungkol sa usapin na iyon. Hanep din ng isang 'yon. Naiinis parin ako sa kanya, PERIOD!
Feeling ko naman tinupad ni King yung sinabi nya sa akin noon.
Malimit naman kaming konektado sa chat kaya yung hindi namin napapag-usapan sa personal ay pinagpupulungan din namin through that. At isa na nga doon ang hindi sya makikipag-away sa wirdo na iyon. Ngunit hindi parin maaalis sa akin ang mangamba dahil narin siguro sa isa pang bagay na sinabi nya, ang 'hindi sya nangangako pero susubukan ko' na litanya nya.
Nakikita ko naman nga na sinusubukan nya kaya nga lang napapansin ko ang pagiging tahimik nya kapag nasa klase kami at kapag nakakasalamuha namin ang grupo ng mga posteng iyon. Oo poste. Ang hahaba nila eh. Lalo na yung Yunho, susme! Si kuya lang talaga ang punggok.
Oooooops!
Nakilala ko narin yung ibang miyembro ng grupo nila. Hindi dahil nakikipag-usap ako sa kanila, kung hindi dahil narin sa mga officers ko. Alam naman na nating lahat kung gaano sila katsismosa kaya hindi na naging mahirap pa sa kanilang kilalanin ang grupo nila. Laman na din sila ng mga usap-usapan sa buong campus. Mas favor nga lang ang kasikatan nila dahil mga gwapo daw. Kaya naman sila ang laman ngayon sa facebook page ng school na 'to ngayon. Yung sinabi kong halos puro fake news ang laman.
Sa myembro naman, yung Yeosang lang ata pinakamatino sa kanila. Sanaol diba!
Hindi na iyon galing sa tsismis dahil isa naman sya sa mga kaklase ko. Kaya naoobserbahan ko din sila paminsan-minsan. Napansin ko nga na magaling ang isang 'yon sa klase. Ganoon din si wirdo at yung dalawa pa which is si Seonghwa at Yunho. Ang problema, dalawang beses na silang wala sa klase na panghapon. Yun nga ay noong araw na nagkompronta sila ni King at noong kinabukasan din ng araw na iyon. Kaya pati ako ay nawarningan na rin ng mga prof.
Ilang beses na silang tinatanong kung saan sila pumupunta pero ang lagi lang nilang dahilan ay may emergency daw. Kaya nga may warning na sila na pati ako ay nasabihan na din. Although yung sa akin naman ay sa maayos na paraan sinabi. Obserbahan ko raw mabuti ang grupo nila. Bwisit! Pati ako ay naaabala.
Halos hindi naman na kami nagkakapanagpo ng kapatid ko sa bahay dahil malimit syang umuwi ng gabi at tanghali na kung umalis sa bahay. Kaya wala na talaga kaming oras mag-usap. Para tuloy wala din ang presensya nya sa bahay. Kakausapin ko ng isang yun bukas.
May mga problema din silang nagagawa pero hindi ko naman na iyon pinapansin pa dahil maliliit lang naman ngunit sa pagkakataong ito ay mukang kailangan ko ng kumilos.
Buong akala ko ay magiging okay na ang lahat. Pero nagkamali pala ako.
Agad akong lumapit sa kapwa ko estudyante na matiwasay na kumakain ngunit heto sya ngayon. Naliligo sa juice.
Sayang! Charot!
"Heto, gamitin mo muna." Ipinahiram ko ang sariling panyo saka sya inalalayan sa pagtayo.
"Salamat." Bulong pa nya na halos mangiyak ngiyak na. Kusa din naman syang umalis at pumunta na sa comfort room.
Bumaling ako sa taong may kagagawan nito.
"Ano na namangeksena yon?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Sinusubukan na kontrolin ang boses ko para hindi gumawa ng eksena.
Sa loob nga ng isang linggong walang gulo sa pag-itan nila ni King ay heto naman sya at may ginagawa nang kalokohan. Hindi ko na talaga palalagpasin pa ang bagay na ito. Dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paanong nangyari ang pagbuhos ng juice doon sa babae.
'Pinalalagpas ko ang kalokohan mo noon, pero asahan mong hindi na ngayon.'
Bigla namang nag-iba ng awra nya saka nagsalita. "Bakit hindi sya ang tanungin mo?" Tinuro pa nya si King na syang may hawak ng tray. May laman iyong pagkain kasama yung juice na natapon.
Nagtataka naman akong bumaling kay King at saka ibinalik agad sa wirdong ito ang paningin. Nakikita kong naiinis rin si King. Tsk Tsk Tsk!
Hindi naman na kailangan mag-explain pa nito kasi kitang-kita ko kung paanong sinanggi ng wirdong 'to si King.
"Alam mo, kung wala kang magawasabuhaybakit hindi nyonalang i-bully ang isa't-isa? Hindi yung idadamaynyo pa yung mgawalangkamalay-malay na tao sapaligidnyo."Nawawalan na nang pasensyang litanya ko. Mas lalo namang naging mabigat ang bumabalot na awra sa taong nasa harap ko ngayon.
"Bella tara na." Naramdaman ko naman ang paghawak ni King sa siko ko. Sasama na sana ako ng marinig ko ang kakaibang tono ng boses ni wirdo kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Wala kang ngang alam samganangyayari." Nagtayuan ang mga balahibo ko ng marinig iyon. Hindi naman kahabaan ang sinabi nya, at halos wala namang literal na nakakatakot pero ewan ko. Kinilabutan ako. Dahil narin siguro sa kapani-panibagong awra nya nung mga oras na sinabi nya yun.
Parang hindi 'yun yung wirdong nakakachat at nakakasalamuha ko. Gaya ni King ay halos malimit narin kaming nagiging konektado sa internet. Malimit rin ay hindi ko sya pinapansin pero sya ang makulit. Ganun din ang makasama sya, hindi rin dahil sa ginusto ko kung hindi dahil sa pangungulit nya. Hindi ko pa naman hilig ang mapagchismisan. Alam ko narin naman na napapansin na ng iba ang paglapit sa akin ng wirdong 'to. Nalaman ko narin ang real account nya sa pamamagitan din ng social media. Malimit kasing mamention ang real account nya sa facebook page n iyon. Pero ewan ko lang kung bakit yung mountain parin ang ginagamit nya sa tuwing ichachat ako. Teka nga lang, hindi yun ang kaso dito.
Tumalikod na sila saka lumakad palayo. Buti nalang sila lang apat ang magkakasama. Wala ang kapatid ko.
Ano naman kayang ibig sabihin nun? Kailangan ko ba talagang pag-isipan ang mga sinasabi nila?