Chapter 2

226 13 30
                                    

(bella)

Kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa office ni Dean

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa office ni Dean. Yung mga kasama ko naman naiwan sa cafeteria. Siguro didiretso muna yung mga yun sa tambayan after nilang kumain.

Wala naman masyadong nabago sa school na 'to kahit nagsummer vacation. Siguro yung bagong pinturang pader?

Natanaw ko na ang pintuan ng office kaya naman binilisan ko na ang lakad ko. Nang tuluyan ko iyong marating, huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang door knob. Mukang mahaba-habang journey pa ang lalakbayan namin bago makuha ang diploma.

"Good morning Dean!" Bati ko kay Mr. Choi nang mabungaran ko syang nakaupo at may mga papel na binabasa.

Hindi na sya nag-abala pang tumingin sa gawi ko ngunit bumati din. "Good morning!" Saka lang sya nag-angat ng tingin ng makaupo na ako sa harap ng table nya.

"So, how's your vacation?" Tanong nya saka saglit na binitiwan ang mga papeles na hawak nya at inabot ang kanyang laptop. Doon naman sya nagsimulang magbutingting.

"Good?" Patanong na sagot ko. Hindi ko din kasi talaga sure kung naging masaya ba ang vacation ko eh.

Napansin ko namang napalingon sa akin si Dean. "Why not sure?" Muli na naman nyang ibinalik ang tingin sa laptop at natawa saglit.

"Hindi ka parin talaga nagbabago." Dugtong pa nya. Medyo close ba kami? Sa tingin nyo?

"Anyway, may sinabi na ba sa inyo si Josh?" Pag-iiba nya ng usapan. Napalingon ako sa may pintuan nang mapansing may aninong dumaan doon.

"Yes Dean." Sagot ko saka muling tumingin kay Mr. Choi.

"So ayun nga, my son will be transferring here next week." Walang lingunan nya iyong sinabi sa akin.

"Gagawa ako ng letter for his schedules. Papirmahan mo ang mga iyon sa mga professors mo. Siguro by friday ko na iyon maibibigay sayo." Saka lang sya nagbaling ng tingin sa akin.

"Copy Dean." Sabi ko na nga ba eh hindi talaga magiging normal na buhay ang pagiging estudyante ko dito. Choice ko din naman 'to, quits lang.

"And of course, alam mo na ang mga magiging role nyo sa mga upcoming events ng school na 'to. Please be responsible." Paniniguro nya. Muli syang tumingin sa laptop nya.

"Yes po." Hayst. Mali ata yung desisyon kong lumaban ng president.

"Yung anak ko, medyo hindi sya magandang impluwensya. Kaya please, I am asking for your cooperation. Pakibantayan ang isang yon." Napalingon ako kay Mr. Choi sa sinabi nya. Paktay tayo dyan.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon