Chapter 11

75 7 16
                                    

(bella)

Hanggang ngayon tulala parin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hanggang ngayon tulala parin ako.

Aaminin ko, kinakabahan talaga ako sa mga nangyari, nangyayari at posibleng mangyari pa.

Sino naman kaya dun ang anak ni Dean?

P*TA!

Napapadalas na ata talaga ang pagmumura ko ngayon. Aish!

Sana lang hindi yung wirdong 'yun.

"PREES!" Nagulat nalang ako nang bigla akong tinawag ni Mina.

"Ano ba?! Kanina pa kita tinatawag? Tulala ka dyan?" Napalingon naman ako sa sinabi nya.

"Ah, sorry." Paumanhin ko nalang saka tumingin sa harap.

Medyo maaga padin kasi kaya heto at nag-aantay pa kami ng prof.

Nakakapagtaka naman at wala pa si King. Akala ko pa naman nandito na sya. Ano kayang nagyari na dun?

"Anong iniisip mo, ha?" Pangungulit naman nitong katabi ko. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga.

"Sikreto." Sagot ko na lang.

Nakita ko naman sa gilid ng paningin ko na lumapit pa sya sa akin.

"Yung nagchachat ba sayo yung iniisip mo?" Agad naman akong napalingon sa kanya at nandidiring tinignan sya sa naniningkit nyang mga mata.

Actually, hindi lang si King ang nakakaalam nung bagay na iyon. Dahil may group chat naman kaming mga officers kaya madali na sa amin ang mag-usap. Doon ko sinabi ang tungkol sa mountain na 'yun.

"Aray naman!" Reklamo pa nya matapos kong itulak ang noo nya sa pamamagitan lamang ng hintuturo ko.

"Tigilan moko Mina, wala ako sa mood." Muli akong bumaling ng tingin sa unahan saka nagpangalumbaba.

Naramdaman ko naman na umayos sya ng upo. "Tss.. wala daw sa mood.." Pagpuputol nya sa sinabi saka nagpandekwatro.

Opo. Babae po sya, at naka-uniform kami syempre Monday eh. Pero heto sya okay lang na masilipan. Buti nalang di sya type ng mga kaklase ko.

"Nga pala, ngayon na magsastart yung anak ni Dean. Naeexcite ako hihi" Pagtutuloy nya sa sinabi. Muli akong bumaling sa kanya na may nanunuyang tingin.

"Hindi nako magtataka." Pasinghal kong sinabi saka muling tumigin sa unahan na pinaikot pa ang dalawang itim ng mata ko.

"Suplada!" Sasapukin ko pa sana sya ng bigla syang tumakbo palayo.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon