Chapter 8

97 9 4
                                    

(bella)

Marahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ang pagtama ng araw sa mukha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ang pagtama ng araw sa mukha ko.

Umaga na.

Nag-inat pa muna ako saka sandaling tumitig sa kisame bago nagpagdesisyunng bumangon mula sa higaan. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Nang makalabas naman ako ay saka ko inayos ang sarili ko.

Matapos ang lahat ay bumaba na ako para tulungan si mama sa pagluluto ng umagahan. Napatingin pa ako sa orasan ng makitang alas-sais palang ng umaga.

Kahit lumipas na ang araw ng Sabado ay hindi ko parin malimutan ang sinasabing sorpresa ng kapatid kong may saltik. Wala namang masyadong nangyari kahapon, dahil nag-general cleaning lang kami ni mama.

"Good morning Ma!" Bati ko na nagkukusot pa ng mata. Naabutan ko naman si mama na nagkakape na.

"Good morning din." Tugon naman nito. Nagdiretso lang ako sa kusina at kumuha ng fresh milk sa refrigirator.

"Ano pong lulutuin natin ma?" Sigaw ko dahil nasa salas si mama. Hindi ko sya agad narinig sumagot. Nagtungo lang ako sa lababo at kumuha ng baso mula roon. Nagsalin ako ng gatas saka ako dumiretso sa sala.

Nadatnan ko paring ganoon ang pwesto ni mama. Nagtataka naman ako dahil parang walang balak gumalaw ang isang 'to.

Umupo ako sa tabi nya. Baka hindi narinig yung tanong ko kaya inulit ko na lang. "Ano pong lulutuin?" Tanong ko sa kanya saka uminom mula sa baso ko.

Tumingin sya sa akin saka sumagot. "Nakaluto na ako." Napalingon naman ako sa kanya dahil sa gulat.

"Ang aga naman ma?" Himala naman nga ata na maaga syang nagluto eh weekend naman.

"Maaga akong nagising eh." Muka nga. Ang swabe na ng upo nya eh.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa pinapanood namin sa tv. Nang makaramdam naman na ako ng kalam sa tiyan ay nagpaalam na akong mag-uumagahan na. Tumango lang si mama saka sumimsim sa kapeng hawak.

Dumiretso na ako sa kusina at nag-almusal. Hinugasan ko ang mga pinagkainan matapos kumain at nagtungo na sa kwarto.

Linggo ngayon kaya naman, it's party time! Choz! Lalabas lang ako para aliwin ang sarili. Sinasama ko naman si mama kaso ayaw nya. Tinatamad daw sya. Psh!

Nang makatapos sa lahat ay bumaba na akong muli at nagpaalam sa nanay ko.

"Ma, alis na po ako." Paalam ko saka lumapit sa kanya at inabot ang kamay nya para magmano. Ibinigay naman nya iyon at hinayaan ako.

"God bless you." Aniya nang bitawan ko ang kamay nya.

"Ayaw nyo po talagang sumama? Pangungulit ko pa dito. Lilibre ko na kung nagtitipid.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon