(bella)
Hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng sinabi ng bundok na 'yon. Ano ba kasing kinakain nya at kakaiba ang mga lumalabas sa bibig. Bwisit!
"Love me back, and you'll know the truth."
Marahas akong napabangon ng muli na namang bumalik sa alaala ko kung paano nya iyon sinabi sa mismong mukha ko.
"Bwisit!"
Kanina pa akong gising pero pinili ko munang mag-isip-isip. Mabuti nga at nagawa ko pang matulog nitong tatlong araw na nagdaan. Ngayon nga ay Sabado at wala ng klase, pahinga pero para bang pagod ako kahit nakatulog naman. Naiinis man ay pinili ko paring lisanin ang silid at nagtungo na sa baba.
Nitong lumipas na tatlong araw din ay palagi parin akong kinukulit ng wirdong 'yon pero hangga't maari ay ako na ang umiiwas. Para lang hindi nya ako ihatid at sunduin ay palagi ko na syang sinasabihan na makakasabay ko si King. Mabuti nalang din at nakikisama naman sya at hindi narin ginagawa ang paghatid at pagsundo na ipinipilit nya din sa akin noong una.
Gaya ng inaasahan, wala pang gising. Bukod kasi sa Sabado ngayon ay alas-singko palang ng umaga. Hindi narin talaga ako makatulog ulit ng magising ako kanina.
Nagdiretso na ako sa kusina at nagtingin ng pedeng lutuin. Nang makitang may tira pang kanin mula kagabi ay niluto ko na agad ito. Nagprito lang ako ng itlog at hotdog bilang kapareha ng fried rice. Halos kalahating oras din ang nabuno ko sa pagluluto at agad ding kumain ng matapos.
Susubo palang sana muli ako ng pumasok na naman sa isip ko ang mukha ng widong iyon habang sinasabi yung letseng linya nya.
"Kainis! Bakit ba kasi ginaganito mo ako?" Bulong ko sa sarili at agad na napailing.
"Ginagawamu?"
"Ay Bundok!" Literal na napatalon ako mula sa pagkakaupo ng may marinig na nagsalita mula sa entrada ng kusina namin.
P*ta!
"Bundok pala ha.." Sa inis ay agad kong hinubad at pinulot ang tsinelas ko at ibinato iyon sa kapatid kong walang ginawa kung hindi ang bwisitin ako.
"Aray!" Raklamo pa nito nang tamaan ko ang hita nya. Sayang! Hindi sumapol.
"Huwag kang kakain bwisit ka!" Banta ko sa kanya habang dinuduro sya ng tinidor. Agad naman umamo ang ekspresyon ng mukha nito.
"Ang damot.. Susumbong kita kay mama." Marahan pa itong kumilos palapit sa gawi ko para sana umupo pero agad akong tumayo para ambahan sya na agad din naman nyang iniwasan.
"Hmmp!" Hirit ko pa pero hindi narin nagsalita pa ng makaupo na ito. Sinamaan ko lang sya ng tingin saka ibinalik na ang atensyon sa pagkaing nasa harap.
BINABASA MO ANG
𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷
Fanfiction❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞ ※※※ NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING! Title Before: ❝ OWNER ❞ date started: january 13, 2020 date ended: ---