Chapter 28

33 3 0
                                    

(bella)

Nagising ako nang marinig ang pagtunog ng telepono ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako nang marinig ang pagtunog ng telepono ko. Panibagong araw na naman, at panibagong burden sa pagpasok.

Hindi agad ako bumangon saka bahagyang nag-inat at nagkusot ng mga mata.

'I'll fetch you tom.'

Napabalikwas ako sa naalala.

Sh*t! Sana pinagtitripan lang ako ng isang 'yon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mabilis kong natapos ang mga dapat kong gawin. Para bang may kakaiba akong nararamdaman, parang may mali?

Bago pa man ako bumaba ay chineck ko muli ang gamit ko. Baka may kulang o may hindi ako naiisama sa bag. Nang masiguradong kumpleto ay isinukbit ko na ito sa kanang braso saka bumaba. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Kung ano mang ipinahihiwatig ng kabang nararamdaman ko, sana hindi worst ang kung ano mang pedeng mangyari.

Kusang tumigil ang mga paa ko nang marinig ang pag-uusap sa baba.

Sh*t, sh*t, sh*t!

Nagmadali akong magtago sa pinagtaguan ko rin kahapon at doon nakita si Kuya Jong na may kausap.

T*ngina!

"Anong ginagawa mo dito?" Wala sa sariling tanong ko. Sabay naman nila akong nilingon.

"May hindi ka sinabi sa akin kagabi." Sa tono palang ng kapatid kong 'to, alam ko ng nang-aasar sya. Nag-iwas naman ako ng tingin saka ibinaling ito kay wirdo.

"Ah.." Napakamot pa ito sa ulo bago tuluyang sumagot. "Diba sinabi ko na sayo kagabi?" Napangiwi ako sa kanya. Hala? Nag-usap na kaya sila ni mama? Geez!

"Oh, andyan ka na pala. Halina kayo at sabay sabay na tayong kumain." Napalingon ako kay mama nang sumulpot ito mula sa kusina. Binigyan ko sya nang nagtatanong na tingin pero hindi naman na nya ako binalingan pa. Sa halip ay bumalik na ulit ito sa kusina. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang sumunod na.

Tahimik lang akong naupo samantalang itong dalawa ay panay ang bulungan. Akala mo naman makikitsismis ako sa kanila. Psh!

Nang makaupo narin si mama ay muli na namang binanggit ni kuya yung malinit nyang sabihin bago kumain.

"Salamat po sa pagkain." Hindi din naman nagpahuli itong isa. Tss, Sipsip!

"Walang anuman, sige lang kumain ka lang." Ani mama saka kinuha ang mangkok ng kanin. Aabutin ko na sana ito ngunit laking gulat ko nang iabot nya ito kay wirdo. WTF?! Kunyaring yung ulam na lang ang kukunin ko para hindi mapahiya. Hoo! Smooth!

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon