Chapter 12

74 5 10
                                    

(bella)

May mga ilang katanungan pa si Miss Leny sa kanilang apat pero hindi na ako nakinig pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May mga ilang katanungan pa si Miss Leny sa kanilang apat pero hindi na ako nakinig pa. Lipad padin kasi ang utak ko.

Una, dahil sa wirdong lalaking nakita ko sa labas at loob ng mall. Ikalawa, yung mountain na palaging nangungulit sa akin. Ikatlo, yung kutob ko na iisa lang sila. At ikaapat, napatunayan ko nga na iisa sila. Hindi ako pwedeng magkamali, yung body proportion nung lalaking nakita ko sa mall at itong lalaking ito ay magkaparehas lang ganoon din ang buhok. Kaya sigurado akong si mountain at itong wirdo na 'to ay iisa talaga.

Ngayon ko lang napagdikit-dikit ang mga hinala ko. Sya din yung nakabangga sa akin noong nakaraang biyernes. Malamang sa malamang, ginamit nya ang kapangyarihan nya bilang anak ni dean kaya nalaman nya ang pangalan ko at na-iadd ako sa Facebook. Magaling din trumabaho ang isang 'to ah. Hanga na sana ako, kaso hambog lang.

Akala ko hanggang doon na matatapos ang pag-iisip ko nang mapatingin ako sa labas ng room. Naalala ko na naman ang kapatid kong sira. Hayst! Ano na naman kayang balak nun at lumipat pa dito? Ang ganda naman na ng katayuan nun sa Seoul ah? Spoiled pa nga ata ni papa yun eh.

Kaya pala nilinis ni mama yung kwarto nya eh. Alam na ni mama na uuwi si kuya dito, at hindi lang yun. Alam din ni mama na magsestay at magtatransfer sya dito. Bwisit! Magkasabwat pa sila!

Mamaya kayo saking dalawa pag-uwi ko. Hmmmm.. *grin

"You may take your sits." Napabaling naman ako sa harapan. Hindi ko na namalayang tapos na pala ang Q&A portion nila. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong silid at doon ko lang napagtanto na kakaiba ang titig ng mga kaklase kong babae sa apat na nasa unahan. Taray mukang magkakaron pa ata ng F7 ang school.

Oo, F7 lang! Hindi ako papayag na kasama yung kapatid kong mukang paa.

"Dun na lang kayo sa likod nina Mr. Lee and Ms. Kim." Tuluyan na ngang gumuho ang mundo ko. Tinawag pa ako ni Miss Leny para malaman nung apat kung sino sa aming lahat ang tinutukoy nya. Napa 'Yes po?' nalang ako saka pilit na ngumiti.

Tumango lang silang lahat kay Ma'am Leny saka preskong naglakad papunta kung saan ang sinabi nyang pwesto.

Sa impyerno..

Dejok lang, sa likod namin ni King.

Tsk! Itsura palang muka ng mga lamang dean's office. Tama nga siguro si Kuya Bertong. Mapapasabak nga ata ako sa digmaan ngayong school year.

Sh*t self! Prepare your self.

Napapansin na din siguro ng mga kaklase ko na kanina pang nakatingin sakin etong kupal na 'to. Geez, ayoko ng tsismis.

Kaya nga ako na ang nagbitiw sa intense na titigan namin.

Ganon na lang ang gulat ko ng malingunan si King na iba ang awra.

Teka, parang ito din yung awra na nakita ko kanina sa kanya nung pumasok sya ng room. Hindi tulad ng mga reaksyon na ibinibigay nya sa akin noon na hindi ko naman din maintindihan ng dahilan, parang mas nakakatakot ngayon? Kung dati kasi, iniisip ko lang na normal na nya ang ganoong reaksyon, pero pakirmdam ko ngayon hindi na talaga sya ang nakilala kong si King.

Napakunot ang noo ko nang matindi nang malaman kung kanino sya nakatingin.

Kay wirdo...

Ibinalik ko nalang ang paningin ko sa prof namin na hayun at nagsisimula ng magdiscuss. Yung apat naman ay naramdaman ko na ang pag-upo sa kanya-kanyang upuan. Hindi na ako nag-abala pang lingunin sila lalo na ang alamin kung saan sila pumwesto. Paniguradong titindi lang ang pagkabwisit ko sa mga pagmumukha nila lalong-lalo na ang isang pa-special dyan. Alam nyo na kung sino yun.

Sinusubukan ko namang makinig pero parang wala atang pumapasok sa utak ko. Lagot na.

Nagulat nalang ako ng may kumulbit sa likod ko. Naniningkit ang mga mata kong nilingon para icheck kung sino yun. Dahan-dahan pa ang pagkilos ko, baka makita ako ni Miss. Pero ang mga siraulo lahat sa unahan nakatingin.

Kung inaakala ko na magiging doble ang pasakit sa akin ng mga transferee na ito, mukang magiging triple pa ata. Nasa mismong likod ko nakapwesto si wirdong bundok na 'to.

Sh*t!

Biglang pumasok sa isip ko yung tumawag at nagtanong sa kanya noon ding biyernes.

""Hoy bundok! Sino yun? May pinagtitripan ka na naman?"

Sino naman kaya sa kanila yun? At bakit mountain at bundok ang tawag sa kanya? Ano sya, galing bundok? Weird talaga!

Napaismid naman ako nang makitang sa una silang lahat nakatingin. Sus! Kunyare pang hindi sya ang kumulbit.

As if namang nakikinig ang isang 'to?

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Nilingon naman nya ako saka nagsalita ng walang sound. "Why?"

Hindi ko nalang sya sinagot at sa halip ay inis kong inalis ang paningin ko sa kanya.

Pero hindi pa nakakalipas ang isang minuto nang maramdaman ko na naman na may kumulbit sa likod ko.

Bwisit na talaga 'to!

Nagdecide ako na hindi na lang sya pansinin. Kulang lang siguro sa pansin kaya masyadong papansin. Nakakaimbyerna talaga ang mga taong ganon.

Sinubukan ko nalang ituon ang buong atensyon ko sa nagtuturo sa unahan. Kahit pa maraming bumabagabag sa akin ay napanatili ko parin na makinig kahit papaano.

Ngunit ang siraulo, hayun at todo kulbit!

Hirap na hirap na nga akong makinig sa prof dahil sa mga iniisip ko, dumadagdag pa ang pangungulit nya. Ayoko pa naman sa lahat eh yung sinusubukan kong i-focus ang utak ko sa isang bagay tapos may epal. Nangangati na ang palad kong manapok tapos unti-unti nang sumasara yung kamay ko. 'Wag mong antaying lumipad 'to sa mukha mong g*go ka. Napapikit na lang ako sa inis. Sinusubukang kalmahin ang sarili.

Buong akala ko talaga ay titigilan na nya ako pero, sh*t! Sunod-sunod na ang ginagawa nyang pagkulbit.

P*T*NG*NA!

"Ano ba?!" Inis na singhal ko sa kanya hindi pansin ang mga nakapaligid sa amin.

"Miss Kim?"

Marahan kong iniikot ang ulo kong nakalingon sa wirdong nasa likod ko at natatakot na tumingin kay Miss Leny.

I'm doomed..

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon