Chapter 10

73 4 10
                                    

(bella)

Another day, another life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Another day, another life. Teka, another day na ba 'to? Bakit feeling ko parang kahapon padin?

Paano ko nasabi?

Hindi lang naman kasi ako pinatulog ng h*n*y*pak na wirdong yun!

P*T*EN*!

As in literal na nakapikit lang ako magdamag pero gising na gising ang diwa ko. Sa totoo lang simula nung umuwi ako kahapon, hindi din ako tinantanan ng mountain na yun sa kakachat. Minsan kapag napupuno na ako, nirereply-an ko na sya. Sino ba namang hindi? Kinakabahan ako sa mga sinasabi nya. Daig pa nga ang isang creepy-ng stalker.

Sobrang natatakot na talaga ako sa kanya.

Kinausap ko din naman si King kahapon ng maayos. Alam nya yung wirdong nakita ko at alam nyang may nagchachat which is yung mountain nga, pero hindi ko sinasabing kinukutuban na ako na iisa sila. Sinabi ko na lang kay King na may nakalimutan pa akong tapusin kaya nagdesisyon na akong umuwi na din.

Unfortunately, hindi kayo nagkamali nang basa. Umuwi na din kami agad nang mangyari ang mga bagay na iyon. Dala na rin talaga ng kaba at takot para sa kaligtasan namin.

Para syang sindikato na may binabalak. Baka mamaya balak nya pala akong dukutin at kunin ang organs. Iiih! Kinikilabutan ako sa sariling naiisip.

Anyway, Monday na ukit ngayon. Halos tapos na ako sa paghahanda ng sarili ko pagpasok. Pero sh*t na malagket, muka akong sumuong sa digmaan nito.

Ang laki ng eyebags ko!

Buti na lang at naimbento ang kolorete sa mukha. Konting apply lang ng concealer, PERFECT!

Sumulyap pa akong muli sa salamin bago tuluyang bumaba ng kwarto ko.

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko habang tinatanaw si mama.

Hayun!

Lumapit agad ako saka nagmano.

"God bless you, ingat sa pagpasok." pahabol pa ni mama hanggang sa makalabas ako ng bahay.

Same routine lang ulit, maglalakad patungong school. Siguradong pagpapawisan ako nito pagkarating sa school. Nakaconcealer pa naman ako. At sana lang, hindi ko mahilo at himatayin mamaya. Hindi pa naman sny ang katawan ko sa puyatan. Bwisit kasi talaga ang wirdong iyon! Grrrrr!

Napatigil ako nang marating kung nasaan ang kanto papunta kila King.

Asan na kaya yun?

Naiinis man ay pinili ko paring ilinga ang paningin ko, nagbabaka sakaling makita sya. Teka? Bakit parang wala sya?

Usually kasi, halos palagi talaga kami sabay sa pagpasok. And alam na namin na ganitong oras talaga dapat nandito na sya sa kantong 'to. Malimit kasi na sya ang nag-iintay sa akin eh. Bilang lang siguro sa daliri kung ako ang gagawa ng bagay na iyon. Kaya nakakapagtaka talagang wala pa sya? Tumigil pa ako at nagdesisyong intayin sya.

"2 minutes." I whispered. Sumulyap pa ako sa looban ng kanto, nagbabakasakaling makikita sya. Pero hangang sa lumipas na ang limang minuto ay walang King na lumalabas mula sa kanto na ito.

"Baka nauna na?" bulong ko pa saka muling sinulyapan ang dulo ng kantong iyon. Napaismid naman ako ng wala talagang bulto nya ang naglalakad doon.

Ano naman kayang nangyari doon? Kung aabsent man sya, nagpapadala sya ng mensahe sa akin tapos tatagpuin pa ako dito sa kanto para lang magpadala ng excuse letter. Hmmm.

Dahil mukhang wala talagang King ang magpapakita sa akin ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang gate ng school namin.

"Good morning Kuya Bertong!" bati ko sa guard ng school namin. Ngumiti ito saka bumati rin "Good morning Miss Bella!"

Bale, kilala na ako ni kuya Bertong. Bukod kasi sa loyal ako sa school na 'to, alam nyang ako ang president ng SSG ng Senior High School Department. Masasabi ko rin na close talaga ako sa mga tauhan dito sa school, mapa-maintenance man yan, sekyu o tindera pa sa cafeteria.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalampas kay kuya Bertong ay may naalala na agad ako.

"Ah, kuya Bertong?" Sandali pa akong tumigil ng tawagin ko si Kuya Bertong. Iniinty na lumingon sya sa gawi ko. Nang tiningnan naman nga nya ako au nagpatuloy na ako sa pagsasalita.

"Nung friday po ba, may naaalala kang dalawang lalaking pumasok dito?" tanong ko sa kanya. Agad syang napaisip, lumingon sa ibang direksyon at humawak sa bakal na bakod na nasa kanyang tabi.

"Dalawang lalaki?" Nag-isip pa si Kuya Bertong saka muling bumaling ng tingin sa akin. "Sa pagkakaalala ko, wala akong pinapasok na dalawang outsider dito--" Naputol pa nito ang sinasabi saka napakunot ng noo na tiningnan ako. "O bakit mo nga pala naitanong? May nakapasok ba?" bigla ay tanong din nya sa akin na may halong pag-aalala.

Umiling na lang ako saka magalang na sumagot. "Ah, di bale na lang po, kakausapin ko nalang po si Dean. Salamat po kuya Bertong!" Sumaludo pa ako dito at tatalikod na sana nang bigla na namang magsalita si Kuya Bertong.

"Pero merong pumunta dito nung biyernes ng hapon, kaso nga lang hindi sila dalawa." Walang alinlangang huminto ako saka napalingon kay Kuya Bertong. Napaggaya tuloy ako sa kanya kanina, napakunot na din ng noo ko tanda na nagtatanong.

"At saka hindi outsider yung mga pumasok dito nung araw na iyon." Nagtataka man ay patuloy lang akong nakinig sa kanya. "Mga transferee."

"Transferee po?" Paniniguro ko. Tumango naman si kuya Bertong saka muling nagsalita. "Oo, at sa pagkakaalam ko ngayon na sila magsisimula." Sh*t! Bakit ako kinakabahan?

"Kung hindi po sila dalawa? Ilan po sila?" Kinakabahan na talaga ako.

"Kung hindi ako nagkakamali.." saglit pang tumigil si Kuyang Bertong saka nagbilang sa daliri. TEKA?! NAGBIBILANG SA DALIRI?!

"Walo ata." W*TD*PAAAAAAK

Tuluyan na ngang natikom ang bibig ko.

"Nako, sa tingin ko lamang Dean's Office ang mga iyon Miss Bella! Ingat ka." Ewan ko ba pero pakiramdam ko banta iyon.

"Patay nga ako dyan Kuya Bertong. Ah sige po pasok na po ako, salamat po sa chika!" Natatawa naman syang umiling nalang saka ngumiti sa akin.

Aalis na ulit sana ako ng bigla na naman syang magsalita.

"Nga pala, anak ni Mr. Choi ang isa sa mga yun." Dun na ako lalong natigilan.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon