(bella)
Ilang araw pa nga ang muling lumipas magmula noong bumisita si papa sa bahay. Matapos din naming kumain ay napilitan na din syag magpaalam. Hindi ko tuloy nalaman ang tunay na motibo nya kung bakit nga ba nya ako kailangang pabantayan kay Kuya. Gustuhin ko man syang itext o tawagan, nahihiya naman ako since hindi naman kami malapit sa isa't-isa.
Si Kuya naman, kapansin-pansin ang palaging pagkawala sa bahay. Na halos hindi ko na talaga maramdaman ang presensya nya. Para bang wala akong kapatid na kasama sa bahay. Tinatanong ko naman si mama pero palaging 'maglalaro lang' ang sinasabing paalam ng isang 'yon.
Napabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko bago tuluyang pinihit ang door knob. Heto na naman ako sa opisina ni Mr. Choi. Sya ang nagpatawag sa akin.
"Good day, Mr. Choi!" Pagbati ko nang may ngiti sa labi na akala mo'y walang iniisip. Tumunghay naman ito sa akin saka gumanti rin ng ngiti.
"Good day too, Miss Bella." Dumiretso nalang ako sa upuan saka naupo doon. Muli na namang ibinalik ni Dean ang paningin sa walang katapusang babasahin nya. Talagang hindi maaring papasok ka sa opisina nya na wala syang kaharap na mga papeles o kung hindi man ay laptop.
"Pinatawag nyo po ako?" Panimula ko.
Tumango naman ito habang nandoon parin sa mga papel ang paningin. "Ah yes. I just want to talk to you about my son and his friends." Nasinghal nalang ako ng wala sa oras. Pero sinigurado ko naman na ako lang ang makakarinig. Nakakahiya naman kung pati ang bagay na iyon ay matutunghayan pa ni Dean diba. Ang rude ko naman.
"What about them, Dean?" Painosenteng tanong ko. Kunyaring hindi alam ang patutunguhan ng pag-uusap namin.
"I already made a decision regarding their case. I decided to punish them for what they did. My son's really a hard headed, and I admit it. Sa sobrang tigas ng ulo, hindi ko na makontrol ang mga gawain ng isang 'yon." Napatitig lang ako habang sinasabi iyon ni Mr. Choi. Ramdam na ramdam ko kung gaano kadismayado ang tono ng boses nya. Hayst! Ano ba kasing ginagawa ng mga yun at kailangan pang magcutting classes? Pati pambubully ay ginagawa pa.
Napakunot naman ang noo ko ng iabot nya sa akin ang isang pirasong papel. Inabot ko iyon saka ito sinimulang basahin. "That's a letter of request from your professors indicating about my son's and his friends to be suspended." Mula sa papel ay naibaling ko ang paningin kay Dean.
"And as you can see, I signed that already." Napatingin naman muli ako sa papel saka tinunton ang babang parte nito at nakita doon ang pirma nya. Pinagmasdan ko pa iyon bago sya narinig magsalita.
"Aren't you going to ask why they chose that kind of punishment for them?" Muli na naman akong napatingin kay Dean. Nagtataka naman talaga ako kung bakit nga ba suspension agad. Hindi ba sobra naman kung cutting classes lang namn. Although, mali parin yun, for me community service is enough.
"Bakit nga po ba?" Tanong ko.
"Because they told me that they're not only cut classes.." Naramdam ko nalang ang pag-uunahan ng tibok ng puso ko. Hindi lang pagkawala nila ang nalalaman ni Dean? Sh*t! "Nangbubully din sila." Tuluyan na akong natigilan. Pati ata paghinga ko ay naantala. "Why didn't you tell me? I know that you knew everything."
"I'm sorry Dean, I just thought that I can handle those." I lied. Again. Napayuko nalang ako sa kawalan ng sasabihin.
"Nakausap ko na ang isa sa nabully ng anak ko and she told me that you actually saved her. I'm happy to hear that but still, I'm disappointed." Magsasalita pa sana ako para sana humingi muli ng tawad pero hindi nangyari iyon dahil may umeksena.
Bumukas ang pinto at iniluwa non ang laman nang pag-uusap namin. Si wirdo.
"Yes I did cut class but I didn't bully anyone." Litanya nito saka dirediretsong umupo sa upuang nasa harap ko. Napanganga nalang ako sa inasta nya. Napakabastos!
Napalingon naman ako kay Dean ng marinig itong bumuntong hininga. "How many times do I have to tell you that word respect." Dismayadong tanong nito sa anak. Halatang pinipigilan lang ang sariling may masabing hindi maganda.
"And how many times do I have to tell you too that I'm not doing anything bad." Gusto ko sanang magface-palm pero mukang nafreeze na talaga nang tuluyan ang buong katawan ko. Aware naman na akong bastos talaga 'to pero hindi ko akalaing ganito kagrabe.
Kahit pa hindi ko alam kung paano makikisingit sa kanilang dalawa ay pinili ko paring magsalita para sana ipagpaalam ang sarili ko. Usapang mag-ama na yan. "Please excuse--"
Hindi ko na nga naituloy ang sasabihin pati na ang pagtayo nang tingnan ako nitong nasa harapan ko saka nagsalita. "No! Stay." Otomatikong natigilan ako. Yung pang-upo ko nakaangat pa sa upuan. Kaya dahan-dahan ko naman iyong iniupong muli. Hayst! Ayoko talagang nasasali sa gulo ng iba. Buset!
Napatitig naman ako sa wirdong 'to nang ilahad nya ang palad sa harap ko. Nang hindi ko naintindihan ang gesture nya ay saka sya nagsalita. "Hand me that." Napatingin naman ako sa hawak kong papel. Ngayon ko lang naalala ang tungkol dito. Nilingon ko pa si Dean para humingi ng abiso kung dapat ko bang ibigay itong letter pero ganon parin ang mukha nya, dismayado.
Napilitan nalang akong iabot ito sa kanya at pinakatitigan sya habang sinusuri ang nilalaman ng liham.
"Staring is rude." Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya agad akong napabaling kay Dean na nakita ko pang nagsalita nang walang sound.
"I'm sorry."
Yun ang nabasa ko mula sa bibig ni Mr. Choi. Hindi nalang ako nagsalita saka piniling pagmasdan nalang ang dalawa kong kamay na nakapatong sa parehas kong binti.
"I didn't bully anyone." Bigla ay litanya nito. Itinunghay ko naman ang ulo ko saka sya tiningnan.
"Walang katotohanan ang laman ng papel na ito, bukod sa pag-alis ko nang walang paalam sa klase." Aniya saka inilapag ang papel na hawak sa mesa.
"Remember what I told you the last time we talked?" Lalong nagunot ang noo ko nang mapagtantong ako ang kinakausap nya. Hindi parin ako nagsalita at inintay pa ang sasabihin nya.
"I told you.." Pagpuputol nito. "He's not safe." Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magsalita.
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.
"Sya ang gumagawa ng mga bagay na iyon."
"Yung sinasabi nyong pambubully na ginagawa ko, sya ang gumagawa." Nakaramdam ako ng inis. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya.
Si King.
Bakit na naman ba idinidiin nya yung tao?
"Sino ang tinutukoy mo?" Muntik ko nang makalimutan ang presensya ni Dean. Napalingon ako sa kanya nang magtanong ito saka ibinalik ang paningin kay wirdo na hindi parin pala inaalis ang mata sa akin.
"Alam ko, nawiwirduhan ka sa akin but please, believe what I am telling you." Tanging sinseridad ang nababasa ko sa kabuuan nya.
Bakit ba ganito ka?
Ano ba talaga ang role mo sa buhay ni King?
Sa buhay ko?
BINABASA MO ANG
𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷
Fanfiction❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞ ※※※ NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING! Title Before: ❝ OWNER ❞ date started: january 13, 2020 date ended: ---