❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞
※※※
NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING!
Title Before: ❝ OWNER ❞
date started: january 13, 2020
date ended: ---
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tulala lang ako hanggang sa mga oras na ito. Kasalukuyan na naming binabagtas ang daan pauwi ni King pero heto ako at wala sa sarili. Hindi na nga ako nakakain dahil sa gulat.
Bakit naman nya sinabi yun? Bakit sya magseselos?
Bigla ko na namang naramdaman ang kakaibang kabog sa dibdib ko. Hinawakan ko itong muli at pinakiramdaman.
Sh*t!
Palakas na nang palakas!
"May problema ba?" Napaigtad ako sa tanong ng katabi ko. Halos mawala na sa isip ko na nasa publikong lugar pala ako.
"Ah, wala." Pagsisinungaling ko.
Sa totoo lang, hindi ko na talaga nagugustuhan ang itinutugon ng dibdib ko dahil sa wirdong iyon. Nakakabwisit!
"Pero may malalim kang iniisip." Kinabahan ako sa sinabi ni King. Sa loob lamang ng maikiling panahon ay nakilala na nya ako ng lubusan. Alam nya kung kailan ako may problema o wala. Pero paano ko ba ito sasabihin sa kanya?
"Ah haha, yung mga upcoming activities lang natin." Na naman! Nagsinungaling na naman ako. Geez! Nahihiya akong sabihin na tungkol kay wirdo yun. Bwisit talaga!
"Ah, okay." Napalingon ako sa kaniya nang marinig ang tugon. Nahuli ko pa itong bumuntong hininga na ikinataka ko. Tumingin din sya sa akin at binigyan ako nang nagtatanong na tingin.
"Why?" Tanong pa nito. Muli kong ibinalik ang paningin sa daan.
"Wala naman." Tumigil ako saka muling tumingin sa kaniya at binigyan sya nang napakatamis na ngiti. "So pano? Bukasnalangulit! Bye Bye!" Paalam ko dito. Nandito na kasi kami sa kanto nila. Ngumiti din sya saka ako pinaalis na gamit ang kamay.
"Ingatka." Paalala pa nito nang makatalikod na ako mula sa pwesto nya. Muli akong nagpaalam gamit lamang din ang kamay at hindi na nag-abala pang humarap, gaya nang nakagawian.
Nagsimula na akong humakbang hanggang sa makalayo na ako mula sa kanto nila. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang sinabi nung wirdo na 'yon. Heto na naman ng kakaibang kabog sa dibdib ko. Ayoko talaga nito!
Napailing nalang ako nang marating ang bahay namin. Ngunit bago pa man ako makapasok ay may naaninag na akong anino mula sa likuran ko.
Saglit pa akong tumigil para pakiramdaman iyon saka agad itong nilingon. Pero laking gulat ko nang mapagtanto kung sino ito. Kahit pa medyo madilim ang mukha nya ay alam ko kung sino sya.
"Wirdo?" Napahakbang pa ako paatras nang unti-unti itong lumapit papunta sa gawi ko. Nang makalapit ito ay saka sya nagsalita.