Chapter 15

55 3 11
                                    

(bella)

Marahan kong isinara ang silinyador ng pinto ni Dean saka nagsimulang lisanin ang opisina nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marahan kong isinara ang silinyador ng pinto ni Dean saka nagsimulang lisanin ang opisina nya.

"Kamusta?" Bungad sa akin ni Mr. Choi nang makapasok sa silid. Ngumiti lang ako saglit at bumati.

"Good day Dean! Okay lang naman po ako." Magalang na tugon ko dito.

Pero napatingin ako sa kanya nang natawa sya nang bahagya. Ganoon parin ang ginagawa nya, nagbabasa sa mga papeles na nakahain sa kanya. Kumpara sa unang tagpo namin ay nagagawa na nyang sumulyap sa akin nang mas matagal ngayon.

"I mean, ang anak ko? Wala bang problema sa kanya?" Napangiwi ako sa sinabi niya.

Akala ko pa naman ako. Geez! Pahiya ang ateng nyo.

Umupo muna ako bago sumagot. "Okay naman po." Pagsisinungaling ko.

May pakiramdam ako na mas mabuti munang hindi ko sabihin ang pinaggagagawa ng anak nyang mayabang. Simple lang ang dahilan, ayokong mag-alala agad si Dean lalo na at kasisimula palang nitong school year.

Naisip ko din kasi na baka isa sa rason kung bakit nandito ang wirdong 'yon ay dahil sa nakick-out sya sa previous school nya. O kaya naman, masama talaga ang imahe ng isang iyon kaya wala nang tumanggap na eskwelahan. Sad!

Isa pa, ayoko ring madamay si King. Maganda ang record nung tao, baka mamaya magkaroon pa nang problema.

Saka ko nalang muna siguro sasabihin.

"Talaga? Walang problema?" Tuluyan na nga akong nilingon ni Dean habang sinasabi iyon. Yung itsura nya, nagdududa. Masyado nga sigurong sakit sa ulo ang anak nya na kahit akong presidente ng SSG ay nalilimutan nyang pagkatiwalaan. Malala.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon