❝ ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴄʜᴏɪ sᴀɴ ᴀsᴋᴇᴅ ʙᴇʟʟᴀ ᴛᴏ sᴀʏ ʜɪs ɴᴀᴍᴇ. ❞
※※※
NOTE: THIS WILL BE UNDER REVISION. SORRY FOR THE INCONVENIENCE. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING!
Title Before: ❝ OWNER ❞
date started: january 13, 2020
date ended: ---
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wala man akong kasabay sa pag-uwi, ligtas naman akong nakarating sa bahay. Ewan ko ba, pakiramdam ko safe ako lagi.
Hindi ko pa man tuluyang nararating ang bahay, napansin ko ng may nakaparadang sasakyan sa labas. May inaasahan ba kaming bisita ngayon? Sa pagkakaalala ko kasi, wala eh.
Sinubukan kong silipin ang bahay namin, nagbabaka sakaling matatanaw ko ang tao sa loob.
*ting
Napatigil ako sa paglalakad pati narin sa ginagawa kong pagsilip sa loob ng bahay namin ng marinig kong tumunog ang telepono ko. Agad ko iyong kinuha saka nakita ang message ni papa. Binuksan ko iyon at nagtataka ng mabasa ang laman nito.
papa •active now
papa: nak, asan ka na?
Hindi na ako nag-abala pang magtipa ng sagot at dali-dali ko nang tinahak ang daan papunta sa bahay namin. At hindi nga ako nagkamali.
Nanditosya.. nandito si Papa.
Kusa nalang naglibot ang mata ko. Mukang nasa kusina si mama.
Nag-usap kaya sila?
"Hello po." Ako na ang bumasag sa katahimikang namumutawi sa loob ng bahay namin. Wala pa kasi si kuya.
Siguronasamgakaibigan na naman nya yun?
Speaking of him, napag-usapan na nga pala namin yung tungkol sa mga kaibigan kuno nya. Confirm nga na sa Korea sila nag-aral before. Yun din ang iniisip kong dahilan kung bakit siguro out of place palagi ang kapatid kong 'yon. Gustuhin ko mang magtanong pa pero kapansin-pansin ang pag-iiba nya ng usapan. Kung hindi nya ako aasarin, bigla syang magsasalita na may naalala daw syang kailangan nyang gawin. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang pag-iwas nya pagdating sa relasyong meron sya sa mga itinuturing nyang kaibigan. Kaya naman pinili ko nalang na ipagsawalang bahala na lamang ang bagay na iyon. Siguro ay dadating din ng panahon at malalaman ko din ang totoo.
Lumapit na ako kay papa para magmano. "Mano po." Ngumiti muna sya sa akin bago inilahad ang sariling kamay. Tinanggap ko naman iyon ng may paggalang at marahang inilapat ang likod ng palad nya sa aking noo. Tulad ng pagtanggap ko, maingat ko din iyong ibinaba. Muli na namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
Aaminin ko, hindi talaga ako sanay na nasa paligid ko ang taong ito. Rude man kung titignan sa ibang anggulo, hindi ko parin masisisi ang sarili ko.
Wala akong alam sa nangyari maging si Kuya Hongjoong. At wala naring sumubok na magtanong sa aming dalawa. Ayokong makialam dahil nararamdaman kong ayaw din ni mama na maungkat pa kung anuman ang nangyari sa nakaraan.