Chapter 14

72 4 6
                                    

(bella)

"Magkakilala kayo?" Mina asked

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Magkakilala kayo?" Mina asked. Obviously, lahat kami mukang ewan lang dito. Nagtataka.

Pinili kong manahimik nalang muna. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, mas maganda sigurong makiramdam ka lang bago ka magbitiw ng salita. Mahirap na, baka magkamali.

"Yeah, we're actually--" Hindi na natapos pa ni wirdo ang sasabihin nang magsalita si King.

"Enemies." Halos magkadikit na ang dalawang kilay ko ng balingan ko si King.

So magkakilala nga sila?

Inilibot ko ang sariling mga mata sa mga kasama namin, syempre kung anong reaksyon ko ay gaya din ng sa kanila. Ang pinagkaiba lang siguro namin ay hindi ko ipinakikita sa mukha ko na nagulat ako. Sila kasi nanlalaki ang mga mata, nakakunot ang noo at may iba pang nakanganga.

Sa halip na tingnan silang dalawa ay ibinaling ko nalang ang mata ko sa table. Ngunit gamit ang peripheral vision ko ay nakikita ko ang mga galaw nila.

"Enemies? That's interesting dude! I didn't expect that coming." Naiirita man ay muli kong itinapon ang paningin sa kanya. Hayun nga at nagcrossed-arm pa ang loko. Yabang!

"Me too. I didn't expect you coming here. All of a sudden huh?" Nakakahilo man ang ginagawa naming pagpabalik-balik ng tingin sa dalawa ay hindi na namin ininda. Sobra kasing nakakapagtaka ang mga kinahahantungan ng usapan nila. Lalo na ang pagiging kakaiba ni King sa pagkakataong ito.

Enemies? Didn't expect him to come?

Paano?

Napalingon naman ako sa likod ko nang marinig ang mala bubuyog na bulungan.

Gumagawa na sila ng eksena. Mukang kailangan na 'tong agapan.

Tumayo na agad ako at lumapit kay King.

"King please stop." I whispered. Marami narin kasing mga matang nagmamatyag. Matanglawin! Self, may nangyayari na ganyan pa tumakbo ang utak mo. Last na yun.

Dahil mukang walang balak magbitiw ng pakikipagtitigan si King sa nasa tabi ko ay tumayo na ako mula sa upuan ko at ako na mismo ang kumuha ng tray nya na may pagkain saka inilapag iyon sa table.

Narinig ko namang nagsalita yung isa. "How sweet. Anyways, mukang wala na tayong chance para makapag-usap as of the moment. I'll see you later then. Eat well and drink this, Ms. Kim." he said, tapped the table and left.

LUH!

Hindi ko na lang sya pinansin saka umupo nalang at umiling ng marahan. Sumunod naman si King sa akin.

Pero ano naman kayang ibug sabihin ng nga nangyari ngayon lang? Magkaaway sila at hindi inexpect nitong si King ang paglipat nung isa dito? Eh bakit naman nga kaya sya lumipat? Ano namang plano nung wirdo nayun?

Sa huling pagkakataon ay nilingon kong muli ang papalayong bulto ni wirdo.

'Sana naman wala kang masamang binabalak. Lalo na dito kay King.' Bulong pa ng isip ko saka ibinalik ang paningin sa mga kasama ko.

Nang makalayo si wirdo ay isa-isa na ngang nagsilapit ang mga mukha ng kasama ko sa katabi ko. Napailing nalang ako saka hinawakan ang kutsara, tinidor at nagsimula nang bawasan ang baon kong pagkain. Tsismis time!

"So ano yun boss?" Si josh na ang nagtanong.

"Kumain na lang kayo." Napangiwi ako sa sagot ni King. Mukang wala sa mood. Saka ko nalang siguro kakausapin ang isang 'to.

Kung tutuusin, nag-aalala ako sa kung ano mang meron sa pag-itan nila. Ayokong makialam pero natatakot din akong baka kapag wala akong ginawa ay may mas malalang mangyari pa.

Buong akala ko, magiging tahimik ang table namin pero mali pala ako ng inakala.

Hayun at nagsisimula na naman ng panibagong War dito sa table namin.

Wag na sabi kayong magtanong kung sinu-sino ang involved. Malamang yung dalawa, si Josh at Mina. Nagsisimula na naman kasi silang magtalo.

Para bang walang nangyari kanina lang.

Pero nakakatuwa na ganyan sila. Alam kong tinutulungan lang nilang ma-ease ng kahit konti ang paligid.

Kahit noon pa man ganyan na silang lahat. Kapag may nga hindi magandang nangyayari, agad silang eeksena para masapawan ang kaganapan. Tapos makikisali naman yung iba, ng ending magtatawanan kming lahat. Yun na nga siguro ng magandang nagagawa nila. Hayst.

Nag-eexpect naman ako na pagkatapos ng bangayang ito ay magsisimula na nga ang pagtawa nila ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip ay nagsalita si King.

"We're friends." Literal na natigilan ang lahat. Yung mga nasa katabing table namin ay napansin kong hindi nagreact. Marahil ay hindi nila narinig dahil sapat lang ang lakas ng boses ni King para sa espasyong mayroom sa mesa namin. Hindi naman sya kagaya nitong mga kasama kong parang tambutso ang bunganga.

Yung iba parang t*nga pa, kasi susubo na talaga sila pero alam nyo yun, natameme. Kaya ayun naiwang bukas ang bibig.

Mga kaibigan kong langaw, halina at magdiwang dahil maraming blessing ang nakaabang. Hehe!

"Before." Nawala ang kalokohan sa isip ko nang ituloy ni King ang sinasabi.

Ibig sabihin na non ay naging magkaaway lang sila? Ano naman kayang dahilan at humantong sa ganoon? Itikom ko na lang ang bibig ko ganoon narin ang isipan at nag-antay pa sa sasabihin ni King.

"Meron lang nangyare kaya humantong sa ganito." Litanya pa nya. Ano nga ba iyon at kailangan nyo pang maging magkaaway?

"Paanong ganito ba?" Tanong ni Mina. Ewan ko ba kung seryoso ang isang 'to. Tsk tsk!

Nakita ko naman ang pagsapok ni Josh sa kanya. Well, deserved.

Marami akong gustong itanong pero ni isa ay walang lumabas sa bibig ko. Nahihirapan din ako sa sitwasyon dahil narin siguro sa tensyong meron ang atmospera namin.

Kahit pa alam kong marami kaming pagkakataon ni King para mag-usap ay mas pipiliin ko naring manahimik nalang at hindi na manghimasok pa. Hahayaan ko na lang siguro na sya ang magsimulang mag-open. Gaya ng ng sinabi ko, mahirap na. Baka may masabi akong hindi maganda sa pandinig nya.

Sandali pang natahimik ang mesa namin. Inaabangan ko pang mag-usap nalang ulit sina Mina at magbangayan ngunit hindi iyon nangyari. Mukang nag-aabang din sila ng sagot mula kay King. Inintay pa namin ang katabi ko hanggang sa nagsalita na nga sya.

"We end up being rivals."

Ilang beses pa ba akong matitigilan ngayong araw?

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon