Chapter 20

72 2 13
                                    

(bella)

Bilang graduating students, masasabi kong hectic talaga ang schedule namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bilang graduating students, masasabi kong hectic talaga ang schedule namin. Yung tipong halos hindi na kami nagbabonding gaya ng dati. Kahit nga yung pag-uusap halos nalilimit narin. Idagdag mo pa yung mga events na nagaganap. Syempre pa at may obligasyon kami dito sa school. Kailangan naming intindihin ang mga bagay na naibibigay sa amin. Kaya talagang doble ang responsibilidad.

Magtatatlong buwan narin ang lumipas at magpahanggang ngayon, hindi parin ako kinakausap nung wirdo na 'yun. Kung mangyayari man iyon, marahil ay importante lang talaga.

Ngayon ang huling araw ng Midterms examination ng buong Senior High. Kaya naman halos nakahinga ang lahat. Uwian narin pero hindi pa ako pwedeng umalis kasi may inuutos pa sakin si dean. Actually lahat kaming officers may kailangan gawin. Ang problema lang, hiwa-hiwalay kami ng mga gagawin.

Halos tapos ko na ang naiatas sakin pero yung iba hindi pa.

Nang mahagilap ng mata ko si Mina, hindi na ako nag-atubiling tawagin ang pangalan nya. May hawak pa syang bungkos ng mga answer sheets.

"Mina!" Patakbo akong lumapit sa kanya. Sandali naman syang nahinto at tumingin sa gawi ko. Hinihingal kong narating ang pwesto nya.

"Patapos ka na?" Tanong ko. Umiling naman sya bilang sagot.

"Hindi pa eh, pero kung matatapos din agad ako hindi pa ako makakauwi. Nagpapaintay sakin si Jen eh." Aniya. Napatango nalang ako sa pagkadismaya.

"Eh si King ba nakita mo?" Muli kong tanong.

"Oo, kasalubong ko lang. Sabi nya marami pa syang kailangang ihatid na answer sheets. Yung iba ganun din." Muli akong napatango. Ngumiti lang ako saka nagpaalam sa kanya.

"Sige mauna na ako, kailangan ko kasing umuwi agad dahil tatawag si papa." Sa totoo lang, anytime pwede ko naman talagang tawagan si papa kaso nahihiya ako. Hindi kasi talaga kami close. Kalimitan, sya ang nagsasabi kung kelan sya tatawag. Kaya kailangan ko naring umuwi. Hindi ko parin naoopen yung sinabi sa akin ni kuya Hongjoong noon. Dala parin ng hiya.

Nakarating nako sa room kung saan namin iniwan ang mga gamit namin. Medyo madilim narin kaya wala na talagang tao kung hindi kaming mga officers at faculty members na lang.

Ngunit hindi pa man ako nakakapasok ng room, nakaramdam na agad ako ng kaba. Sanay naman na ako dito kahit gabi kasi nga officers kami kaya malimit naming maranasan 'to. Pero bakit ngayon kakaiba ang dating ng paligid sakin?

Iniling ko na lang ang ulo ko saka diretsong pumasok sa loob. Kukunin ko na sana ang bag ko ng may mapansin akong anino. Kinakabahan man ay nilingon ko parin ang parteng pinanggalingan ng aninong iyon.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon