Chapter 32

39 2 3
                                    

(bella)

Lumipas ang maghapon ng hindi ko na nakita ang bisugo kong kapatid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumipas ang maghapon ng hindi ko na nakita ang bisugo kong kapatid. Bwisit talaga yung siraulong 'yon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana kami nagkagalit ni King. Grrrr!

"Uy, sorry na." Kanina pa akong humihingi nang dispensa kay King. Kahit pa 'Okay lang' at 'Wala 'yon' ang palagi nyang sagot ay hindi parin ako kumbinsido. Ramdam ko kasi sa tono at pakikisama nya sa akin na hindi parin kami okay.

Ang totoo nyan, hindi ko masabi ang nangyari. Kapag kasi sinabi ko, malalaman nya ang totoo. Hayst!

Kung bakit ayaw kong malaman nya, ay dahil narin siguro sa hindi talaga sila okay ng bundok na iyon. Hahanapan ko na lang talaga ng tiyempo para tanggihan ang isang 'yon. Sana lang maging successful.

"Sorry na talaga." Hinawakan ko pa ang braso nya saka marahang inuga.

"Oo na nga, ang kulit!" Bulong nito, halatang naiinis na sa akin. Wala pa ang last prof namin kaya naman nagagawa ko pang kulitin ang isang 'to.

'Teka, bakit nga ba wala pa si Prof?'

"Galit ka pa eh." Nagtatampo naring ani ko. Hindi parin talaga ako kumbinsido sa sagot nya. Kabaligtaran kasi ang sinasabi nya sa nakikita ko. Napasimangot ako.

"Bakit nga ba hindi ka man lang nagtext?" Kanina pa nya akong tinatanong nyan, pero kanina pa rin akong walang maisagot na matino.

"Nakalimutan ko nga." Paulit-ulit kong sagot. Hindi parin sya kumbinsido. Kahit ako naman, hindi rin ako maniniwala.

'Yung halos araw-araw na kaming magkasabay ay ganoon na lamang kadaling kalimutan? Ang sh*nga ko na talagang magdahilan nitong mga nakaraang araw.

"Sorry na kasi, peace na tayo." Pangungulit ko pa. Ngumiwi lang sya at hindi na nagsalita, bagkus ay kumuha muli ng libro at nagbasa.

Ang hirap namang suyuin nito!

"Promise hindi ko na uulitin!" Natigil sya sa pagbabasa saka ako hinarap, napangiti naman ako dahil doon. Ngunit agad ding naglaho makalipas ang ilang segundo. Hindi kasi sya nagsasalita, literal na nakatitig lang sya sa akin.

"Ano na?" Ungot ko pa. "Ganito nalang, ililibre nalang kita mamaya." Ngumiti pa ako para mas mukang kapani-paniwala.

"Totoo ba yan?" Tanong nya dahilan para mas lalong lumawak ang pagngiti ko.

"Libre lang pala ang katapat mo eh, oo totoo! Promise, mamaya--" Naputol ko ang sinasabi ng magsalita si King.

𝙎𝙖𝙮 𝙈𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 • 𝓬𝓱𝓸𝓲 𝓼𝓪𝓷Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon